(20) Halimaw

34 2 0
                                    


Trevor's POV

Kasalukuyan akong naglalakad ng hallway papuntang library ng Mag-isa. Kasi naman, yung magaling kong pinsan, bigla bigla nalang susulpot at sasabihing "Examination na Bukas!" Yan tuloy! Iniwanan ako ng dalawa. At dahil nga Tutor ni Matthew si Scarlet, ayon napag-iwanan rin ako.



Nandito na ako sa Library at namimili ng libro. Anong libro ba gagamitin ko? Ahh! Alam ko na. "History Book" my favorite.




Kukuhanin ko na sana yung libro, Kaso lang may kumuha rin nito. Kaya ayon, parehas kaming nakahawak sa iisang libro.




Pagtingin ko sa kilid ko, biglang nagtugma ang mga mata namin. Pero!




"Ikaw!" Yun na nga, nagulat kami pareho. Sino ba namang nanasain na makita ang Halimaw nato?



"Bitawan mo nga tong libro ko" pagmamasungit ko.




"Wala namang Pangalan mo eh! Kaya akin na to" Pangbabara nya.




"What I mean is ako ang nauna, kaya akin nato" Agad kong sagot.




"Kahit ba naman sa Library makikipagtalo ka?" -Megan Halimaw




"Sino bang nauna?" -Me




"Pabayaan mo na! Ladies first nga Diba!" Sabi nya sabay taas baba ng kilay nya.




"Wala na yon ngayon!" Sagot ko.




"Shhh!" Sabay naman kaming napatingin sa mga tao sa Library. Ang KJ nila promise. Kaya nag peace sign agad kami ni Halimaw.





"Mas Maganda kung magshare nalang tayo" Opinyon nya at agad namang tumaas ang dalawa kong kilay.




"Share? Tayo?" Sunod sunod kong tanong.




"Bakit naman hindi? Kahit dito lang sana, Di tayo mag-away. Deal!" Sabi nya sabay abot ng kamay nya sakin.




"Kahit Corny, Deal narin ako" sabi ko sabay abot rin ng kamay ko sa kanya. In short, nagshake hands kami.




"Magkakasundo rin pala eh!" Bulong nya. Napangiti nalang ako. At umupo na sa isang table.




"Bakit ba ito yung kinuha mong libro?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.





"Favorite Book" sabi nya sabay tingin ulit sa libro.





"We have our similarities!" Mahina kong sabi sa kanya, na naging dahilan para mapangiti sya. Itong babaeng to Kahit Halimaw type, Aaminin ko! Maganda sya pagnakangiti. Hindi ko sinabing Crush ko sya, Gusto, Or Mahal. Nagagandahan lang at walang masama don.




Mga 20 minutes kaming nakapag review. Palabas na sana ako ng bigla akong habulin ni Halimaw.




"Bakulaw!" Agad naman akong napatingin sa kanya.





"Free ka mamaya?" Tanong nya.





"Bakit?" Nagtatakang usisa ko.





"Treat kita mamaya!" Sabi nya sabay takbo. Tinignan ko muna ang Schedule ko. Pero tingin ko, Free naman ako Mamaya.




Maaga namang natapos ang Afternoon Periods ko. Kaya naglakad na ako Papuntang gate. Nagbabakasakali lang na baka nandon si Halimaw naghihintay.




Habang naglalakad ako! Nadaanan ko ang Garden at nakitang naka upo sa grass si Halimaw. Kaya agad akong tumakbo papunta sa kanya.




"Halimaw!" Sigaw ko. Agad naman syang tumingin sa relo nya at nagkamot ng ulo.




"Bakit ang tagal mo?" Naiinip nyang tanong.




"Kasalanan ko ba kung hindi mo sinabi sakin kung saan tayo magkikita?"  Pangbabara ko.




"Grabe sya! Tara na nga lang!" Sabi nya sabay kaladkad sakin. Hindi ba uso gumamit ng paa ngayon at Kailangan talaga akong kaladkarin?





Pinabayaan ko nalang sya na kaladkarin ako hanggang sa huminto kami sa isang street food.






"Anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong ko.






"Kakain malamang." Sarcastic nyang sabi.





"Dito talaga?" Sabay turo sa fast food.






"Wag kang mag-alala, nakakain yan. Masarap kaya tong fish ball o kaya itong kwek kwek pero para sakin the best ang tempura." -Megan Halimaw.






"Kuya! Isa nga pong kwek kwek, salihan nyo na po ng Tempura." Sabi nya sabay abot ng pera sa Tindero.






Kinuha na nya yung Color Orange na pagkain at binigay sa akin.






"Wala kang balak kainin yang Kwek kwek mo?" Tanong nya habang sumusubo naman nong mataas na..... Anong ba yon? .... Tem-- Tempura nga. Nakatingin lang kasi ako sa Kwek kwek na binigay nya, yung color orange.






"Hindi.. Kakainin ko to!" Sayang naman kasi kung hahawakan ko lang. Kaya sinubo ko na.





0____0






"Masarap?" Na e-excite na tanong nya.






"I can't believe it but, tama ka! Masarap sya" Totoo! Masarap talaga.






Naparami ang kain ko kaya malapit ng magdilim nang naka-uwi kami ni Halimaw. Pauwi na rin kami. Hindi ko na ginamit ang kotse ko kasi nag-aya si Halimaw na maglakad nalang. Safe naman yung kotse ko sa School kaya Okay lang!





30 minutong katahimikan ang nababalot sa aming dalawa habang  naglalakad. Kaya agad ko yung binasag.






"Salamat Halimaw" sabi ko habang nakatingin sa dinadaanan.






"May Pangalan ako. Megan remember?" Sa sinabi nya tumawa lang ako.





"Bakit mo nga ba ako nilibre?" Pag-iiba ko ng usapan.






"Special tong araw nato sakin e." Sabi nya sabay ngiti.





"Special?" Nagtataka kong tanong.






"Kasi, nagkasundo tayo. Special yon sakin. Tsaka yung Gwapong Trevor Mendoza ng Francisco University na hindi mo akalaing Bakulaw pala, nakasama ko pa. San ka pa?" Matawa tawa nyang usisa.




"But I owe you this day" sabi ko sabay tingin sa kanya.





"Owe talaga?" Nagtataka rin nyang usisa.






"Oo at Wag mo ng alamin kung bakit" -Ako





"Dito nalang! Teka saan ka ba nakatira?" Tanong nya habang naka Cross arms.






"Dyan lang sa unahan! Tatawagan ko nalang siguro si Manong Berto para sunduin ako." Sagot ko.





"Salamat kasi sinamahan mo ako" Usisa nya.






"Salamat rin sa Kwek kwek!" Pagpagasalamat ko. Papasok na sana sya ng Tawagin ko.





"Hal--- Megan!" Sigaw ko at agad naman syang napatingin.














"Good night" Sabi ko sabay alis.




Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now