(24) Revelation 2

26 2 0
                                    


Scarlet's POV

"Stop staring!" Anak ng tokleng! Gising sya?

"Hah!" Pagmamaang maangan ko.

"I said stop staring at me!" Seryosong sabi nya.

"Gigisingin naman talaga kita e. Kaso lang ----" hindi ko na natuloy.

"Wag mo naman sanang ipahalata na crush mo ako. Nakaka turn off e." Sabi nya habang napakamot nalang sya sa sinabi nya at tumawa.

"Ang bait at ang cute mo lang kasi tignan kapag tulog. Tulog ka na lang lagi" Napapadyak nalang ako sa inis.

"Grabe ka naman kasi makatitig" Reklamo nya.

"Tinitigan ba kita?" Sumbat ko. Masyado bang malaswa ang pagpapantasya ko sa kanya. Naninibago lang naman.

"Pero I admit. Nong nilapit mo yung mukha mo s mukha ko, Maganda ka talaga, sobrang ganda. Nakakabakla nga e." Sabi nya with matching smile. Ako naman namumula. NAMUMULA?

"Wag ka masyadong kiligin. Nangangamatis na sa pula yang mukha mo." Sabi nya sabay tayo at labas ng classroom nila. Ganon ba ako ka obvious?

Nang natauhan ako, hinabol ko sya agad.

"Tapos na?" Tanong nya ng maabutan ko.

"Anong tapos pinagsasasabi mo?" Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Pagpapantasya mo sakin" sabi nya and then I heard him chuckle.

"Pantasya mo mukha mo" sabi ko naman ng makaabot kami ng kotse nya.

"Sabihin mo nalang kasi na Crush mo ako. Mabait naman ako e, don't worry! Papayagan kita." Then he winked at me and get inside his car.

Sasakay narin ako nang ipaharurot nya ang kotse.

"MATTHEW!" Sigaw ko. Nabigla naman ako ng umatras ang kotse nya sabay balik sa harapan ko.

"Want a ride?" Nakangiti nyang tanong.

"Kapal naman ng mukha mo na iwan ako dito. Tapos tatanungin mo akong want a ride? Nababaliw ka na ba?" Napapadyak nalang ako ng dahil sa inis pero sya? Tawa ng tawa.

"Sorry hah! May review pala tayo? Sakay na Miss" sabi nya sabay kindat.

Agad naman akong sumakay. Pero ng dahil sa ginawa nya? Hindi ko sya kakausapin. Rule ko yan ngayon. Manigas sya.

Ng napansin ko na iba na ang direksyon na nilikuan ni Matthew, Yes! I just broke my own rule! Kinausap ko sya.

"Hoy! Saan mo ako dadalhin?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hindi ka naman nagtatanong noh?" Sabi then I heard him chuckle.


"Malamang nagtataka. Magtatanong ba ako kung kampante ako" masungit kong sabi.

"Pupunta tayo sa Bahay ni Uncle Tony! Gusto ka kasi nyang makita" Sabi nya habang nakatingin sa kalsada..

"Kilala ako?" Tanong ko.



"Nagkakilala na daw kayo sa iisang project. Pati Mama mo kilala nya." Seryoso nyang sabi.

"Anong full name?" -ako


"Makikita at makikilala mo rin sya" Sarcastic nyang sabi kaya hindi narin ako nagsalita pa.


Maya maya pa! Huminto kami sa Isang malaking bahay. Aba! Mayaman ang Uncle ni Matthew hah! Pero bakit pa ako kailangang magtaka? Syempre mayaman rin kasi tong Uligbang to.

Bumaba na sya, at agad na binuksan ang gate.

"Trespassing yan" bulong ko sa kanya.


"Surprise to!" Sabi nya habang binabagalan ang book paglakad.

"Hihinaan ang kilos. Hindi babagalan" reklamo ko. Pero hindi ako pinansin.


Nang makapasok kami sa bahay, agad akong napatingin sa mga gamit. Ang ganda! Modern house, tribal things, yung mga chandeliers. Narinig kong may bumati kay Matthew pero hindi ko yun pinansin. Kasi may isang bagay na nakaagaw ng atensyon ko. Yon yung isang mini chest sa may cabinet. Bigla ko tuloy naalala si Papa. Favorite nya to eh.


"Scarlet!" Tawag ni Matthew. Agad naman akong napatingin sakanya.

"Kailan ka pa naging binge?" Bungad nya ng makatingin ako sa kanya.


"By the way. Scarlet Si Uncle Tony. Uncle si Scarlet" Biglang nalaglag ang panga ko at nanlambot ang tuhod ko.

"Pa!" I mouthed. Mouthed hah! Ibig sabihin walang boses.


Dahan dahan nyang Inabot ang kamay nya sakin para makipag handshake.

"Nice to meet you" Professional nyang sabi.


"Nice? To meet you rin po" I accidentally asked the word Nice! Dahil narin siguro sa pagtataka. Kasi after 10 years. Makakasabi pa sya ng Nice?

"That's Great! Tara na Uncle." Biglang singit ni Matthew kaya pumunta narin kami sa Dining area para kumain.

"So Scarlet! How's your school? I mean the studies of you two?" Tanong nya sakin. I mean, samin. Pero Pangalan ko sinabi nya! That means ako ang tinatanong nya. Sasagot na sana ako pero nagsalita yung Uligba.

"Actually Uncle, Scholar sya sa School namin na pagmamay-ari ko syempre!" Ipapamukha talaga. Sayo na nga yong school na yon. Sayong sayo na!

"Valedictorian rin sya ng School every year. At napakagaling na tutor ko, Kahit wala akong naiintindihan sa mga tinuturo nya" Matawa tawa nyang sabi. Tadyakan ko nga. "Aray!" Mahinang reklamo nya.

"That's good then. Anong gusto mong kuning Kurso iha? Malapit na rin kayong mag 4rth year college. So ano? And why?" Ano to Q and A portion? May Ano at Bakit pang nalalaman.

Tumingin naman ako sa kanya as a professional. "Civil Engineer po. Pangarap po kasi yon ni Mama at Papa para sakin. Gusto ko lang po sanang matupad. Kahit complicated ang sitwasyon namin dahil kay Papa" Sagot ko sabay subo ng pagkain.

"I'm sure that, your father is so proud of you and I think he's Regretting all that he have done" Sincere nyang sabi.


"Kung hindi nyo po mamasamain Aalis na po ako. Maraming salamat po sa dinner." Sabi ko sabay tayo at alis.

Nang makalabas ako ng Bahay ni Papa, Uncle Tony pala. Hinabol agad ako ni Matthew. Nang maabutan nya ako, he faced me to him.

"Umiiyak ka ba?" Seryoso nyang tanong.


"No I'm not. Napuwing lang" Pagmamaang maangan ko. Sinalihan ko narin ng tawa para hindi halata.












And Yes!........ I'm crying

Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now