(17) Bakit nga ba?

36 1 0
                                    


Trevor's POV

"Gusto kita!" Sabi ko habang hawak hawak ang balikat nya. Sheyt! Parang namumula ata ako.

"Ako?" Sabay turo sa sarili nya at biglang tumawa. Anong nakakatawa?

"Oo, Ikaw! Gusto kita" nagtatakang sagot ko. Pero sya, Pfft* Tumatawa pa rin.


"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo! Hahaha! " Bakit hindi sya naniniwala?

"Scarlet, totoo ang sinasabi ko" sabi ko sabay bitaw sa pagkakahawak ko sa balikat nya.

"Alam mo! I better go. Para naman mahimasmasan ka" sabi nya ng nakangiti sabay alis.

Lintik naman na lovelife oh!

_______________________________________

Scarlet's POV

Nandito ako sa canteen kasama ang napakabait kong bespi.

"Ang galing mo kanina hah!" Pagrereklamo ko sabay subo ng pagkain.

"Sorry!" Sabi nya sabay peace sign. Napabuntong hininga nalang ako.

"Nagtagal ka siguro sa Garden kanina, anyari?" Kasalanan mo. Wala ka dun eh.

"Sabi mo kasi na magkita tayo sa Garden Matapos mo akong iwan. At sa napakagandang araw, hindi Ikaw ang naabutan ko kundi si Trevor" pag e-explain ko. Agad namang nagkabuhay ang bruha. Di ko alam kong bakit.

"Ansabi ni Trevor?" Excited na tanong nya.

"Ano bang sasabihin nya?" Nagtataka kong tanong.


"Wala syang sinabi?" -Cheska



"Actually meron." Nakangiti kong sabi.



"Anooooo?" Madiin na sabi nya.


"Bakit ko naman sasabihin sayo?" Pagbibiro ko.


"Ayy! Besh, walang ganyanan" sabi nya tapos nag pout bigla.


"Okay fine! Sabi nya gusto nya daw ako" Pag surrender ko.


"Ow Em Geee!" Kilig na Sigaw nya. Batukan ko nga. "Aray! Para saan yon" reklamo nya habang hinimas him as ang ulo nya.



"Ingay mo" Masungit kong Sagot.



"Anong sabi mo?" Atat nyang tanong.



"Tumawa ako!" Diretso kong sagot na ikinalaki ng mata nya.



"What!" Gulat na tanong nya.



"Oo! Tumawa ako" seryoso kong sagot. Makareact hah.


"Tanga mo!" Sabi nya sabay taas ng bongga nyang kilay.


"Can't you find it funny?" Matawa tawa kong sabi.


"You know what! Tanga ka nga." Sabi nya sabay walkout. Ang hilig mang-iwan ng babaeng to.


"Hoy! Problema mo?" Tanong ko habang hinahabol parin sya.



"Hindi ka naman bingi Diba? Narinig mo sya? Anong sabi nya? Gusto ka nga Diba. Tapos tatawa ka lang. Ikaw! Anong Problema mo?" Dire- Diretso nyang sabi. Sakit magsalita hah!



"Gaga* wala akong plano dyan." Agad kong sagot.



"Dalawa lang naman ang pagpipilian eh. It's either Feeling nagbibiro sya o May mahal kang iba!" Sabi nya na naging dahilan para huminto ako.



"Pinagsasabi mo?" Nagtataka kong tanong.



"And I think so Na don ka sa pangalawa." Sabi nya sabay alis na naman. Nakakapagod rin kaya maghabol. Kaya pinabayaan ko na rin.

Teka! Ano nga ba yung pangalawa?
May mahal akong iba? At sino naman?.

Aish* ang gulo.

*


Nandito ako sa room at nakikinig sa last subject namin. Mabilis kasing natapos ang 2 subjects at sigurado akong matatapos narin to, konting tiis nalang.

Nang Matapos na ang lahat, nabigla ako ng umalis agad ng room si Cheska! Ni hindi man lang ako hinintay.

"Problema non?" Bulong ko sa sarili ko.


Hahabulin ko sana sya Kaso may demonyong humarang sa harapan ko.



"Umalis ka nga dyan. Ang laki laki ng daanan eh." Pagmamaktol ko.



"Sama ka sakin" pag-aaya nya.



"Teka! Ang aga pa kaya para mag review" Pagrereklamo ko.



"Nagpaalam na ako sa Mama at Papa ni Cheska. Kahit Mama mong tulog parin, nagpaalam na ako."



"Ano bang gagawin natin?" Tanong ko.




"Hahatid kita sa bahay nyo, para makapagbihis ka. And I'll just fetch you at 6:00 p.m" sabi nya sabay taas baba ng kilay nya "Papasyal kita" dagdag pa nya sabay wink.

Anong trip nito at ipapasyal ako?





Matthew's POV

6:10 na pero hindi parin lumalabas si Scarlet. Maya maya palang lumabas na rin sya at lumapit sa akin.



"Para namang napakaganda ng isusuot, ang tagal pang lumabas" Pang-aasar ko.






"Ang gwapo mo!" Bawi nya sabay irap. Pumasok na rin sya sa kotse ko.






"Di na mabiro?" Tanong ko at umupo na sa driver's seat.






"Joke yon?" Walang Buhay nyang tanong.






"Hindi, totoo yon!" Sabi ko habang Magda-drive.






"Panira ka!" Masungit nyang usisa.






Habang Nagda-drive ako mga 30 minutes nakarating narin kami.





"Anong lugar to?" Bungad nya sabay baba ng kotse.





"Secret Paradise!" Agad kong sagot.






"Bakit parang tayo lang tao dito?" Nagtatakang tanong nya pero Napangiti lang ako.





"Hoy Matthew Mendoza! Wag ka ngang umarte ng ganyan! Kinikilabutan ako" pag-iinarte nya sabay distansya sakin.





"Umarte ng?" Sabi ko habang nakangiti.






"Ganyan!" Sabi nya sabay turo sa mukha ko.






"Hindi ko Gets!" Pagrereklamo ko.






"Ito oh" sabi nya habang pinapangiti ang labi nya.





"Masamang tumawa?" Tanong ko habang nakangiti parin.





"Nakakapang-hinayang lang" sabi nya sabay tingin sa langit .






"Ngayon ka lang ba tumawa ulit?" Tanong nya habang nakatingin parin sa langit.





"Parang ganon na nga!" Matawa tawa kong sabi pero sa totoo lungkot talaga ang nafe-feel ko.





"Ay! Abnormal ka?" Tanong nya, pero this time, nakatingin na sya sakin.






"Bakit hindi mo muna kaya alamin kung bakit." Masungit kong sabi.






"Ay Sorry!" Sabay peace sign.
"Bakit nga ba?"






Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now