Scarlet's POV"May natutunan ka?" Tanong ko sa kanya. Pagkatapos naming mag-review.
"Actually....." Pabitin nya at nagsmile lang ako yung nakakalokong ngiti.
"Meron!" Agad nyang sagot."Well that's good!" Then I tapped his back.
"Uwi na tayo!" Pagyayaya ko."Dito muna tayo" Sabay harap sakin at nagpacute.
"Mr. Mendoza! Wag mo akong dinadaan daan sa pacute cute mo. Kung gusto mo dito, mauuna na ako. Kailangan ko pang dalawin Mama ko." Sarcastic kong sabi.
"Seriously?" Gulat nyang tanong.
"At bakit hindi? Wala ba akong pera para mag commute?" Papa alis na sana ako Kaso nagsalita ulit si Matthew.
"Wait for me! Sasamahan nalang kita. Masyadong delikado para mag commute" sabi nya sabay ligpit ng gamit.
"Concern?" Nakangiti kong sabi.
"No! What I mean is, baka may mangyaring masama sayo! At ako ang huli mong kasama. Baka ako pa ang gawing suspect." Pagpapaliwanag nya.
"Hindi naman ako ganyan ka lampa. Tinuruan rin kaya ako ng SELF DEFENSE!" Talagang diniinan ko yung salitang "Self defense."
"Are you sure?" Sarcastic nyang tanong.
"Oo naman!" Sabi ko sabay tango. Nabigla lang ako ng bumalik sya sa pwesto nya kanina.
"Saan ka?" Nagtataka kong tanong.
"Tatambay muna. Umuwi kana!" Sabi nya sabay tingin sa langit.
"Seriously?" Gulat kong tanong.
"Bakit naman hindi? Wala ka bang pera para mag commute?" Aba! Galing manggaya. Linya ko to eh! Paulit-ulit.
"Fine! I surrender. Samahan mo nalang ako. Baka maubos pa ang pamasahe ko." Binulong ko pa yung linya na "Baka maubos pa ang pamasahe ko" pero parang narinig ng Gwapong Demonyo.
"That's it!" Sabi nya sabay ginulo ang buhok ko.
"Kailangan ba talaga guluhin ang buhok?" Bulong ko ng Makasakay ako ng kotse nya.
Habang nagbabyahe kami, dahil nga boring rin. I decided to open the radio. At Sakto ang favorite song ko ang lumabas.
Walang Iba...... By Ezra Band
Ilang beses ng nag-away.....
Hanggang sa magkasakitan...
Di na alam ang pinagmulan...
Pati malilit na bagay....
Na napag-uusapan bigla nalang pinag-aawayawan....
Sumasabay na ako sa kanta ng Bigla patayin ni Matthew ang radyo.
"Alam mo! PANIRA KA! " galit kong usisa.
"Ang OA kaya" pagdadahilan nya.
"Mas OA ka! I- open mo nga" sabi ko sabay ng pag abot ko sa radyo ng car nya. Pero hinaharangan nya.
"Ang kulit mo hah!" Sabi nya sabay hawi sa kamay ko.
"Problema mo?" Masungit kong tanong sa kanya.
"Ikaw!" Agad nyang sagot
"Bakit ako? I-open mo na nga lang yan." Aabutin ko na sana ng bigla kong nakita si Trevor.
"Ihinto mo!" Sigaw ko. Dahil nga wala sa expectation naming dalawa ang paghinto, Kahit ako ang nag Utos. Ayon na subsub kami sa unahan. Pero hindi gaanong malakas.
"Problema mo?" Agad nyang tanong.
"Nakita ko si Trevor. Ayon oh! May kasamang babae" sabi ko sabay turo sa direksyon ni Trevor.
"Para lang don?" Nagtataka at may halong galit ang tono ng Pagtatanong ni Matthew.
"Yung babae kasi!" Sagot ko.
"Selos ka?" Seryosong tanong nya.
"Kilabutan ka nga! At ano naman sayo kung magselos ako?" Sa tanong ko bigla naman syang Napangiti.
"Selos ka nga!" Sarcastic nyang sabi.
"Gaga! Yung babae pamilyar." Masungit kong sagot.
"Pamilyar as?" Nagtatakang tanong nya.
"Para syang cousin ko." Agad kong sagot.
"PARA lang pala?" diin ng "para" hah.
Pagtingin ng Babae, bigla akong nagtaka.
"Cousin ko nga!" bulong ko pero mukhang narinig nya.
"Style mo bulok!" Reklamo nya. Anyari dito?
"Anong bulok bulok sinasabi mo? Kasama ng pinsan mo ang pinsan ko. Tapos! Bakit Umabot ng Style at bulok yang sinasabi mo." Inaamin ko! Minsan magulo tong lalaking to.
"Pinsan mo?" Transforming from a oager to an innocent man. Tsk* Artista kana!
"Oo, Pinsan ko kaya wag kang OA. Hindi pala! Kulang, Wag kang MASYADONG OA." Sabi ko sabay irap.
"Sorry foooo!" Pang-aasar nya.
"Okay lang. Okay na Okay" sabi ko habang sinusuot yung nakakaloko kong tingin.
"Plastik nito" Napansin nga ako.
"Tara na!" Pagyayaya ko.
"Bakit Di mo muna sila tignan" Para saan pa? Stupid Matthew.
"Wala akong mapapala. Mas Kailangan ako ng Mama ko." Sabi ko sabay pasok ng headset sa tenga ko.
Agad naman nyang pinaandar ang kotse. Nagbabyahe pa kami ng bigla syang magsalita.
"Posible bang magkagusto ka kay Trevor?" Jusme! Bakit sa lahat ng topic yun pa? Naalala ko tuloy yung nangyari sa Garden nong isang araw.
"Trevor?" Pagmamaang maangan ko.
"Oo, Trevor Mendoza. Pinsan ko." Seryoso nyang sagot.
"Bakit mo naman naitanong?" Nagtataka kong tanong.
"Maybe I'm curious!" Sagot nya.
"Maybe! So may iba pa!" Matawa tawa kong sabi.
"Okay! I'm Curious" ayy! Yon lang pala! May pa maybe maybe pang nalalaman.
"Bakit? "-Ako.
" Kasi This days, Masyado kayong close? " hindi ko alam kung tanong yan o sagot, pero sasakyan ko na rin.
"Close friend ko kasi sya!" Nakasmile kong sabi.
"As in close?" Nagtataka nyang sagot.
"Hindi! Open. Open kami. Tssk utak naman." Pamimilosopo ko.
"So! I'll repeat. Possible bang magkagusto ka kay Trevor!" Napaisip naman ako sa tanong nya.
"As far as I know......
........Yes! Possible!"
YOU ARE READING
Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)
Genç KurguSa Isang Unibersidad, may babaeng nagngangalang Scarlet na may SIMPLENG PAMUMUHAY! Kilala sya sa pagiging Amazona type ng campus. Pinaglihi kasi sya para kasuklaman ang mga lalaki. Meron rin namang lalaki na nagngangalang Matthew na May MAGULONG PAM...