(15) Lugawan

40 1 0
                                    

Trevor's POV

Ito na siguro ang pinakamalas na araw sa buong buhay ko. 3 bagay lang naman na kapalpakan ang nangyari.

Una.......

Hindi ma preno ang napakadaldal kong dila at sunod sunod na tinanong si Scarlet sa Panliligaw ko sa kanya.

Dalawa........

Na flat pa ang kotse ko, kaya nakalakad ako ng wala sa oras.

Tatlo....

"Grrrr!"
Nagrereklamo na ang halimaw sa tiyan ko.

Imagine!

Kahit mababait, minamalas din.

Buti nalang nakakita agad ako ng Lugawan sa Hindi kalayuan.

Mga Ilang metro lang naman ang layo ko sa Lugawan kaya nakarating ako agad.

Pagdating ko, agad akong sinalubong ng isa sa mga tagaserve ng pagkain dito.

"Ano pong sayo Sir?" -Kusenera

Agad namang tumunog ang Tiyan ko "Grrr" kaya napahawak nalang ako sa stomach ko sabay ngiti sa nagtatanong. "Yung pinakamasarap nalang" Agad naman nyang isinulat yun sa maliit na papel at pumasok sa may pinto malapit sa upuan ko, then she gave the paper.

Parang restaurant lang naman ang itsura nito. Hindi makakaila na Maganda sya pero hindi sapat sa Maraming Customers. Masyado kasing Maliit.

Habang naghihintay sa order ko, biglang namatay ang Phone ko.

Sheyt! Ikaapat na ito sa mga kamalasan ngayong araw.

Maya maya dumating na yung inorder ko, pero ibang babae na naghatid. Pag-abot nya agad kong kinuha at kinain yon.

"Trevor Mendoza" tawag sa akin ng babaeng nag-abot ng lugaw.

Tinignan ko lang sya na parang nagtatanong na "Sino ka?"

Agad naman nyang inabot ang kamay nya at nagpakilala." Megan! Megan Sarmiento " at inabot ko na rin ang kamay ko.

" Megan! Megan Sarmiento " at inabot ko na rin ang kamay ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Agad naman syang umupo sa tabi ko at nagsalita.

"Hindi ko akalain na ganyan ka katakaw" usisa nya.

"Stalker ba kita?" Pagtatanong ko.

"Bakit mo naman nasabi?" Matawa tawa nyang tanong.

"Kasi.... U know me!" Agad naman syang natawa sa sinabi ko.

"Ako Stalker mo! Hahaha... Kilabutan ka nga " Makatawa tong babaeng to parang wala kami sa Public place. Masyadong malaki ang bunganga.

"Tumigil ka nga!" Pagpapatigil ko at agad naman syang tumahimik.

"Actually, estudyante ako sa F. U ! At Scholar ako don kaya kilala kita. Ang taas naman ng pangarap mo na isipin na isa ako sa nang-i istalk sayo. ASA KA! " Aba! Ang angas rin nito eh! Nagbabakasakali lang naman.

"Nagtatanong ako ng Maayos Bakulaw. Hindi ka na sana pumunta dito kung iinisin mo lang ako. Choo!" Pagpapa-alis ko sa kanya.

"Hoy Bakulaw, may pangalan ako at Hindi mo ako pwedeng paalisin kasi sa amin to. Kapal mo rin eh noh!" Mataray nyang sagot.

"Bakit ako, wala akong pangalan? Pasalamat ka gutom ako. Kung hindi rin naman sana yung lugawan nyo yung pinakamalapit na kainan eh hindi ako nakain dito. Tsaka! Ganyan ka ba mag entertain ng customer nyo" Ang ganda naman kasi talaga ng Greetings nya. Pati nickname Perfect ehh! Maka Bakulaw.

"Edi sana nagdasal kana na sana hindi ito ang pinakamalapit na Kainan dito. Di sana wala kang Problema." Katwiran nya.

"Eh kung wala ka dito, wala rin sana akong kasigawan ngayon. Bakulaw!" Pangangatwiran ko.

"Edi kung alam ko lang na ganyan ugali mo at dito ka kakain sana napa-alis kita agad." Lalabanan pa ako.

"Bakulaw!" Pang-aasar ko.

"Bakulaw your face" pangbabara nya.

"Ang dami na ngang Problema at kamalasan na nangyayari dadagdag ka pa?" Napipikon na talaga ako.

"Wala naman akong sinabi na isali mo ako sa Problema at Kamalasan mo hah! May inutos ba ako?" Magaling rin Mang-asar tong babaeng to eh.

"Gutom pa ako!" Pagrereklamo ko.

"Oh! Tapos?" Pagtatanong nya.

"Wag mo sabihin ako pa ang kukuha!" Pangsisindak ko.

"Bakit Di mo subukan?" Panghahamon nya.

"Customer ako dito!" Pagmamatigas ko.

"Eh, ano ngayon! Mukha ba akong taga-serve dito?" Pagmamataray nya sakin.

"Ay! Hindi pala. Dapat sinabi mo agad para hindi ka mapagkamalan." Haha! Nakaganti rin.

"Bakit ka ba nakapasok dito? Diba pets are not allowed. Di mo ba nabasa?" Malakas rin mangbara. Tssk*

"Mahiya ka naman! Nakapasok ka nga eh!" Pangbabara ko.

"Masyado ka namang nagagwapuhan sa sarili mo." Sabi nya sabay taas ng dalawa nyang kilay.

"Parang ikaw! Masyadong nagagandahan sa sarili nya." -ako

"Sinong ba nagsabi na pangit ako?" Tanong nya.

"Ako!" Diretsong sagot ko.

"Ikaw lang pala eh!" Usisa nya sabay cross arms.

"Big deal yon!" Pangangatwiran ko.

"Inggit ka lang! Kasi natutulog ka nong nagpaulan ng Kagwapuhan si God!" -Megan

"Bulag ka ba? Nasalo ko nga lahat eh!" Pagmamayabang ko.

"Ang lakas ng hangin." Sagot nya.

Bigla namang may dumating na babae at Inakbayan yung Bakulaw na Megan.

"May Problema ba dito!" Wala.... Wala...
Hindi ba obvious?

"Nothing Mom, nasasarapan lang sya sa lugaw natin." Sabay wink sakin. Psh*

"Is that true?" Tanong ng Mama nya.

"Diba masarap?" Napatingin naman ako kay Megan Bakulaw. Pinapalaki nya yung mata nya na parang sinasabi na "sabihin mo Oo"

"Uhm.. Alis na po ako!" Pagpapa-alam ko sa kanya pero bago pa yon! Hinabol agad ako ni Bakulaw.

"Psst! Hinayupak na lalaki" tawag nya at agad naman akong napahinto. Hindi pa nakuntento sa Bakulaw Kailangan may hinayupak din.

"Ano!" Galit kong sagot.

"Ikaw pa magagalit." Sinong hindi magagalit sa mga sinasabi nyang Nicknames.

"Ano po yon" naging mahina ang boses ko ngayon pero inirapan lang ako.

"Humanda ka sa akin sa School, Bukas" Pangsisindak nya. Agad naman akong tumawa at humawak sa Tiyan ko.

"HAHAHAHA!" Pang-aasar ko

"Hahaha!" Tawa din nya. Agad naman akong huminto.

"Bakit ka tumatawa?" Nagtataka kong tanong.

"Tinutulungan lang kita.HAHAHA! Bakit ka tumigil? Tawa pa tayo. HAHAHA" -Bakulaw

Pero imbis patulan sya, tinuro ko nalang sya.






"Hindi ikaw ang kahinaan ko"

Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now