Scarlet's POV
Nandito ako sa bahay nagpe- prepare na papuntang F.U !
Nong nakaharap ko si Papa, I don't know what to do. Naiyak ako nang sabihin nyang nagsisisi at proud sya sakin. Totoo kaya yon? For all this 10 years, nagsisisi sya?
Nang makalabas ako sa bahay, bumungad sakin ang isang pulang Hilax na sasakyan. Agad naman nyang binaba ang wind shield at tumambog ang mukha ni Trevor sa harapan ko.
"Sakay na!" Pagyayaya nya.
"Magco- commute nalang ako" Pagtanggi ko sabay ngiti. Pero sya tinutukan parin ako na parang pinahihiwatig na "Please, Sakay na!"
Napabuntong hininga nalang ako at sumakay sa car nya. Ano pa bang magagawa ko?
Sa gitna ng byahe, nababalot kami ng katahimikan ng biglang nagsalita si Trevor.
"May sakit ka ba?" Tanong nya.
"Wala naman, bakit?" Sagot ko.
"Ang Lamya mo kasi e. Sigurado ka bang gusto mo Pumasok?" Concern nyang sagot.
"Wag ka ng mag-alala, Okay ako! Okay na okay" sabi ko pa habang tinataas taas ang kanan at kaliwa kong braso.
Nang makaabot na kami sa School, agad agad naman kaming bumaba at naghiwalay na. Habang naglalakad ako, may mga babae akong nakikita na nagbubulungan. Infairness dinig na dining ko ang boses nila. Keep it up mga ate.
"Yan ba yung girl, na umaaligid aligid sa dalawang Mendoza sa School?" - Girl 1
"Sya nga yon. Scarlet yata ang name, Diba sya yung valedictorian ng school every year?" Girl 2
"Sayang Matalino sana, Malandi lang" Girl 3
Grabe naman sila makapagsalita. Ate! Ang ganda nyo! Sobraaaa! Nakakabakla.
Dahil hindi ko na sila natiis, lumapit ako sa kanila. Hindi para makipag-away. Kundi para mangbara. Magkaiba yon.
"Excuse me ladies! Narinig ko kasi dito yung name ko. Ako ba topic nyo" Bungad ko nang makalapit ako.
"Excuse me hah! Ikaw lang ba Scarlet dito?" Maarteng tanong ni Girl 1.
"Hindi. Pero pagkaka-alam ko? Ako lang Valedictorian dito." Oha! Asan ka.
"Sorry pero hindi ikaw, wag masyadong assuming" Sarcastic naman na sabi ni Girl 3.
"Ahh! Sige salamat" sabi ko sabay alis. Pero sa hindi kalayuan, narinig ko pang nag Chika si Girl 2.
"The nerve of that girl, sya na nga nagsabi na sya lang ang Valedictorian dito, tapos hindi pa nya nahalata? Let me Emphasized her Characteristics. Bobo, Maarte, Malandi, Pangit" Pero habang magsasalita sya, nilapitan ko na. Aba! Nakakapikon rin kaya.
"Teka! Ano yong narinig ko?" Pagmamaang maangan ko.
"It's None of----" putol nyang sabi.
"Hindi pa ako tapos!" Palaban kong tugon.
"Bobo, Maarte , Malandi, Pangit? Ate! Kaaway mo sarili mo? Infairness, saktong Sakto yung mga sinabi mo" after I look at her from head to toe, I just flip my hair at umalis. Inuubos lang nila beauty ko.Nang maka punta ako sa room, sinalubong agad ako ni Cheska.
"Bakit ang tagal mo?" Bungad nya ng makaupo ako.
"Kamusta kayo ni Bryan?" Pagiiba ko ng usapan. Bigla namang napataas ang isa nyang kilay.
"Ang Daya mo!" Sabi nya sabay pout. Buti nga sa kanya! Masyado kasing Chismosa.
Nang Matapos ang mga periods nalaman kong haftday lang pala kami. Papunta na sana ako sa room ni Matthew ng tawagin ako ni Trevor.
"Scarlet!" Agad naman akong napatingin sa kanya.
"Hmm?" Sabi ko sabay taas ng dalawang kilay.
"Saan ka pupunta?" Tanong nya. Aish* Oo nga pala, Di pako nakakapagpaalam sa kanya. Sila Cheska at Bryan kasi may pupuntahan daw. Di ko alam, pero this days madalas silang magkasama. Parang may Something na eh!
"Ahh! Pupunta----" putol kong sabi.
"Magre-review kami!" Maangas nyang sabi. Pagtingin ko si Uligba pala.
"Oo Trevor eh. May Kailangan ka ba?" Una akong tumingin kay Matthew tapos kay Trevor.
"May sasabihin lang sana ako sayo" Usisa nya.
"Bakit Di mo sabihin ngayon?" Sumbat naman ni Matthew. Tinignan ko sya ng masama pero, Wa Epek!
"Sa Saturday nalang" Sabi ko habang nakatingin kay Trevor. Agad naman syang tumingin at tumango sabay alis.
"Tara na!" Sabi nya sabay hawak sa kamay ko. Teka! Ang heartbeat ko! Bakit ang bilis?
"Matthew, Bakit mo naman tinarato ng ganon si Trevor." Pagkasabi ko non, bigla nyang Binitiwan ang kamay ko at huminto.
"Ano bang ginawa ko sa kanya?" Sabi nya habang nakatingin sakin.
"Hindi naman sa may ginawa ka! Pero Masyado lang kasing Maangas" sagot ko naman sa kanya.
"Oh ano naman ngayon?" Sarcastic nyang tanong habang nakasandal sa kotse nya.
"My point is Bakit kailangang ganon ka kanina!" Napapadyak nalang ako ng dahil sa inis sa sitwasyon.
"Hindi mo ba nahahalata? Nagseselos sya. Sa akin! Sa atin!" Pagkasabi nya nong linyang sa atin, bigla akong naguluhan.
"Sa atin? Matthew kaibigan ko sya kaibigan kita. Ano bang chika kung magselos sya? Hindi ka naman ganyan dati e. Anong nangyayari sayo?" Pagkasabi ko non, agad nyang pinalit ang posisyon namin. Ngayon sya na ang nasa harapan at ako ang nakasandal sa kotse, samantalang ang kanan nyang kamay ay nasa taas na ng kaliwa kong balikat. Ms. Heart!!! Stop beating as fast as that!!.
"Hindi ko alam kung tama pa ang nararamdaman ko. Pero kung tatanungin mo ako kung bakit ako nagkaka ganito?..............................." Napabuntong hininga muna sya bago magsalita.
"Dahil NAGSESELOS AKO! At napaka MANHID mo, para hindi malaman yon"
YOU ARE READING
Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)
Teen FictionSa Isang Unibersidad, may babaeng nagngangalang Scarlet na may SIMPLENG PAMUMUHAY! Kilala sya sa pagiging Amazona type ng campus. Pinaglihi kasi sya para kasuklaman ang mga lalaki. Meron rin namang lalaki na nagngangalang Matthew na May MAGULONG PAM...