(27) Last week's moment 1

24 1 0
                                    

Trevor's POV

Last week.....

Bakit parang may feelings si Matthew kung umasta sya kanina? Sila kaya ni ni Scarlet. Kaya ba hindi naniniwala si Scarlet sakin.

"Mag isa ka?" Bungad sakin ni Megan. Kasalukuyan akong nandito sa field, naka upo sa grass.

"Ah! Nandyan ka pala?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Nakikita mo naman ako Diba?" Si Megan, Lumapit lang sakin para mamilosopo.

Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya. "Bakit mo pa ako pinuntahan?" Naiirita kong tanong.

"Grabe! Parang kailan lang, Ayos tayo hah! Tapos ngayon kung umasta ka? Trevor naman." Mataray nyang usisa.

"Bakit nga?" Muling tanong ko habang namumulot ng bato.

"Actually, may kausap ako kanina! E napansin kong malungkot ka. Kaya ayon! Nilapitan kita" Pagkasabi nya, agad naman syang umupo sa tabi ko.

"Sana hindi kana lumapit!" Sabi ko habang binabato sa malayo yung mga bato na napulot ko.

"Sino bang babae yan?" Nabigla naman ako sa sinabi nya. Hala bakit nya alam na babae iniisip ko? Manghuhula ba sya?.

"Hindi ako manghuhula!" Sheyt! Manloloko ka! Nahulaan mo nga e.

"Nahulaan ko lang kasi, Maybe your too obvious!" Sabi nya habang tinataas baba ang kilay nya.

"Obvious nga ba talaga ako?" Bulong ko sa sarili ko.

"Oo! Masyado kang obvious." Napabuntong hininga nalang ako. Manghuhula man sya o hindi, bilib ako sa kanya kasi basang basa nya yung isip ko. Baka naman sya Andora ng Engkantadia na nakakabasa ng isip. Psh*

(Both Probinsyano and Encantadia fan po ako! Kaya no offense.)

"Sino nga?" Naiinip na tanong ni Megan.

"Scarlet!" Sabi ko habang kinukuha na ang gamit ko paalis.

"Hoy teka! Saglit lang" sabi nya habang hinahabol ako.



"Si Scarlet? Scarlet Sandoval?" Agad naman akong napahinto!



"Lopez sya." Sabi ko sabay talikod ulit sa kanya.


"Scarlet Therese Sandoval. Mama nya si Tita Candy. Nag-aaral sya dito sa FU. Scholar siya, at siya ang school Valedictorian every year." Muli akong napahinto sa paglalakad ko.

Sandoval? Tss. Bala na! Tatanungin ko nalang si Scarlet.

"Bakit kilala mo?" Nagtataka Kong tanong.


"Pinsan ko e." Sa pagkakasabi nya Biglang nanlaki ang mata ko.



"Bakit Di mo sinabi?" Naiinis kong tanong.



"Hindi ka naman nagtanong e." Sabi nya sabay pout. Tss! May punto sya.



"Kahit na!" Pangbabara ko.



"Teka nga! Iniiba mo usapan e. Bakit nga ba si Scarlet ang gumagala gala dyan sa isip mo?" Sabi nya sabay turo sa ulo ko.


Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now