"Bakit ba naloloka ang mga babae sayo? Gwapo ka lang naman." Tinitigan ko ang mata nya. "Okay, nakakaakit nga ngiti mo. Pwedi na rin. Siguro dapat e uwi na talaga kita."Panu ba naman kanina habang naglalakad ako papunta dito may nadaanan akong mga high school sa park nag iingay. Kala ko kung ano na ang ping uusapan yon pala nag aaway sila kung sino ba ang dapat na maging leader ng fans club ni Kai. Hindi lang yon nagkasakitan pa talaga sila. Buti nalang may umawat kaagad. Napailing nalang ako. Mga kabataan talaga ngayon, masyadong aggressive.
"Nakatitig ka na naman jan sa boyfriend mo, bugbugin ko na yang standee ni Kai eh."
Opo standee lang ni Kai yong meron dito sa shop. Sya din yong tinitilian ng mga babae dito. Naku naman panu pa kaya kung totoong Kim Jong In ang nandito, baka kuyugin kami ng mga fans nya. Sya din yong palaging kinakausap at tinitigan ko. Maano ba libre naman yan.
Tinampal ko ang balikat ni Allen. "Wag naman, standee nalang nga pinagkakaabalahan kong titigan eh sisirain mo pa. Alam mo namang buenas sakin yan."
"Ewan ko sayo, ginagawa mo ng boyfriend yan, iuwi mo nalang kaya."
"Magagalit si Ate Lian. Buenas din daw yan sa business."
Bumalik na ito sa counter." Nga pala may darating na bisita ngayon, asikasohin daw muna natin baka ma late si Ate Lian ng punta dito."
"Opo Mrs Kim." Nakangisi nitong sagot sakin.
"Loko ka ha. Anong Mrs. Kim ka jan? Gusto mung dumugin ako ng fangirls ni Kai dito?"
Tumunog ang Chime sa pinto kaya hindi na ito sumagot.
"Good evening ma'am. Welcome sa Tea shop."
"Ate..."
"Sadee.." Nginitian ko sya. Napapadalas nga ang pagpunta ng batang to dito sa shop.
"Sya na ba?" Kublit ng katabi nito.
Medyo namula naman ang dalagita at tumango."Ate, pwedi si Allen nalang ang magserve sa table namin?"
Ano pa bang magagawa ko. "Panu na si Kai?" Biro ko sa kanya.
"Syempre first love ko si Kai, pero crush ko si Allen ngayon eh."
"Ayiiii..." Kiniliti pa sya ng dalawang kasama nya. Napatingin tuloy si Allen sa gawi namin.
"O sige na nga. Sasabihin ko sa kanya."
Nagtwinkle ang mga mata nito. Kinuha ko ang order ng tatlo. Bago sila pumwesto sa table nila dumaan muna sila sa standee ni Kai at isa isang hinalikan ang lalaking pinagpapantasyahan ng lahat.
Napailing nalang ako. Young people, nakakatuwa talaga sila. Pagkatapos kong i-prepare yong order nila Sadee ay inutusan ko si Allen na magserve sa table nila. Tumalima lang ito. Masipag talaga yung lalaking yon. Kaya maswerte ako at sya ang kasama ko sa duty ko dito sa shop.
"Bat nakasimangot ka?" tanong ko sakanya pagbalik nya. Hindi paipinta mukha nya pagkabalik nya ng counter.
"Nakakairita yung mga babaeng yun."
"Bakit hinarass ka na naman?"
"Ayaw akong paalisin sa table nila, ano ako entertainer GRO."
Natawa ako. Nag dagger look naman sya. "Ang cute mong magpout."
Nag iwas ito ng tingin. "Ansama mo. Sa sususnod wag mo na akong utusan na mag serve sa mga brat na yon,, kakabadvibes."
"Bagay naman kayo."
"Ewan ko sayo."
"Sungit."
"ting.. ting.."
BINABASA MO ANG
EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)
RomanceKim Jong In or Kai. Kilala ko sya syempre araw araw kong katabi sa store na pinag t-trabaho,an ko. Mabait at laging nakangiti. Halos lahat ng mapapadaan na babae ay kinikilig at napapatili. Okay gwapo naman sya kahit maitim at pango. I mean come on...