NKP 20

680 34 4
                                    


"Nagpapakamatay ka ba?"

Napaigtad ako ng may biglang nagsalita mula sa likuran ko.

Si Kai.. naghuhugas ako ng pinaglutuan namin. Hindi ko napansin na may pumasok na pala sa kitchen.

Hindi ko sya nilingon. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung paano siya haharapin. This is insane to the highest level!

Naramdaman ko ang pagtabi nya sakin at inagaw ang mga hinuhugasan ko.

JongIna effect! Nanigas ako.

"Kumaen kana, may tinabi akong sandwich para sayo."

Napalingon ako sa kanya. "Dapat na ba akong kiligin?"

Nilingon nya ako. "Siguro. Kinilig ka naman ba?" at.. ngumiti sya.

JongIna effect ulit. Nalintikan na talaga.

Inirapan ko nalang sya at hinubad ang suot kong gloves.

"Hindi ka ba kumaen?" pag iba kong tanong.

"Hindi ako makakaen knowing na nagugutom si Mrs Kim."

Pancit! gusto kong tumalon sa kilig.

Napayuko ako at napangiti. Hindi pa ako nakahuma sa birada nya ay bigla nya naman akong hinalikan sa pisngi.

"Kumaen kana, baka nagwawala na ang anaconda mo sa tiyan."

"Psshh.. sabay na tayo."

*later

"Ampanget naman ng standee ko na yon panu mo nagustohan yon?"

Nakanguso akong napatingin sa kanya. "Ikaw pa din naman yon."

"Kahit na. Tsskkk.. kung tignan mo ang standee na yon talo pa ang boyfriend a."

"Selos ka naman."

"What if I am?"

Nanlaki ang mata ko. "Seryoso ka."

"Palibasa sayo kala mo lahat ay biro lang."

"Abat simula ng nakilala kita lahat na ata ng nangyari sa buhay ko naging malaking joke na."

"Ouch! alam mo nakakasakit kana, brutal mo magsalita sa lalaking pinakasalan mo no."

Agad akong napainom ng tubig. Lintek, muntik na akong mabulunan dun a.

"Hoi kkamjong magdahandahan ka nga, kung makapagsalita ka ano..."

"O ano?"

Napaiwas ako ng tingin. Tskkk..mahirap kontrahin lalo na at totoo naman ang sinabi nya.

"Bat mo ko iniwasan buong araw?" pukaw nito.

"Hindi a."

"Liar."

"No i'm not."

"Yes you are. Pinagsisihan mo ba?"

Okay, mellow ng bosea nya. Halatang kinakabahan. Pinagsisihan ko ba?

"Hindi a!"

"Good. Kasi hindi biro ang nangyari kagabi."

"Aminin mo na kasing mahal mo na ako."

at..

at..

Naibuga nya lang naman ang iniinom nyang tea sa pgamumukha ko.

Anak ng tipaklong!!!

"Kaiiii!!!!!!"

At ang walang hiya tumakbo palabas ng kitchen.

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon