NKP 39

617 33 0
                                    

A/N

May mawawala..

**--+---++++++++++-+-----+-*+++-+-----+-+-++-+----+*+*-+*-

Kai's POV

Iniwan ko na ang mga asungot sa sala. Kinakabahan ako para kay Vanny. Ayokong mawala na naman sya sakin.

Nasaktan ako nung nagsinungaling sya about sa amnesia niya, nagalit ako ng malaman kong may mga deathreats sya at nanlulumo ako ngayon kasi huli ko na naman nalaman na may sakit sya. Pero masyado kong mahal si Vanny na isang 'sorry' nya lang natutunaw lahat ng galit at sama ng loob ko sa kanya.

Minsan naisip ko pano kami umabot sa ganito? Nasa magkaibang mundo kami at maraming hadlang pero bakit yong pagmamahal ko sa kanya hindi manlang nababawasan, putcha! mas lalo pa atang tumitindi eh. It's insane.

"Kai?" napatuwid ako ng may tumawag sakin. Nasa harap ko na pala si Lay na galing sa kwarto ni Vanny.

"Kamusta sya?" ako.

"Okay na. Naturukan ko na rin sya ng insulin. Bumili na din kami non bago pumunta dito."

Napayuko ako. "Kasalanan ko to eh, kung sana nalaman ko kaagad hindi ko na sana sya kinidnap----"

"Wag mo ng sisihin ang sarili mo Kai, naiintindihan namin kung bat mo yon nagawa. Hindi pa huli ang lahat, alagaan mo nalang sya."

Napatango ako. Sometimes I hate it when his right. "Salamat."

He tap my shoulder and leave me in front of the door.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto.

And there... nakasalubong ko ng tingin si Vanny na agad napayuko.

She's playing her thumb na hindi mo mawari kung kinakabahan o may iniisip lang.

"Bahn?" ako.

"Hmmm?" sya.

Tumabi ako sa kanya sa kama, inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya. Gustong gusto ko syang nilalambing pakiramdam ko anghel ang nayayakap ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Sorry Kai. *Singhot."

Iniharap ko ang mukha nya sakin. Nakita ko nag uunahang butil ng luha mula sa mga mata nya.

"Ssshh.. wag ka ng umiyak Bahn, kalimutan na natin yon."

"Hindi Kai madami na akong kasalanan sayo, iniwan kita, nagsinungaling ako about sa amnesia ko at hindi ko sinabi sayo about sa sakit ko. Sorry Kai."

"Apology accepted, in... one condition.."

Napatingin sya sakin. Gusto kong matawa, siguradong kung ano na naman naiisip nyan.

"Hoi Jong In ayosin mo ha, baka kung ano na naman yan kahit may sakit ako tatamaan ka talaga sakin."

Natawa ako. Inakbayan ko sya at hinalikan ang tungki ng ilong nito.

"Kung ano man yang iniisip mo kalimutan mo na. Isa lang naman ang gusto kong hilingin sayo eh."

"Ano?" sya.

"Marry me. Pagnatapos na tong lahat, pakasalan mo ko, be my wife. Promise me."

Nakita ko ang pagtango nya.

We're drowning at each others eyes.

"Makakahindi pa ba ako? kahit anong layo ko sayo hinihila pa din ako ng kapalaran papunta sa tabi mo. Tsaka.. mag Iinarte pa ba ako? yong dating tinitiigan ko lang noon inaaya na akong magpakasal ngayon. Ano pa bang mahihiling ko?"

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon