NKP 4

943 59 18
                                    

A/N

Yung fanfic na sinusulat kong ito inspired ng K-drama na Queen Inhyun's Man. Yung napapanood sa mnet channel hindi yung sa gma7 ha. Pangit kasi yung sub nun. Mas naappreciate ko yung Korean lang talaga tapos english sub translation lang. Inspired din ito ng Reply 1994, sa mnet ko din sinusubaybayan. Everynight yan 9-11pm. Kahit 4am pa duty ko hindi ako na e skip ng panunuod, kahit nga available na sya sa net. Iba pa din kasi yung inaabangan mo talaga. At syempre kung san nagsimula ang lahat EXO exo exo.. Sila kasi ang character kaya mabilis ako magsulat.

Para sa kapatid ko to, bias nya daw kasi si Kai.(hindi na nakuntento sa bf nya.)

p.s sana si chilbong makatuluyan ni na jung. hehe..

*†******************************************

"So, boyfriend mo si Kai?" Basag ni Sehun sa katahimikan na namagitan sa min. Napahiya ako sa ginawa ni Allen. Naglalakad na kami ngayon papuntang plaza. Ililibre ko sya ng street food. "Kaya ba nagulat ka kagabi ng makilala mo si Kai?"

"Ah,. kung alam ko na sya yon hindi na sana ako sumama kay Chris."

"Di natuluyan ako kagabi kung wala ka." Birong sabi nito.

Napangiwi ako. "Hehe.. uo nga ano. Kalimutan mo nalang yong sinabi ko."

"Fangirl ka ni Kai?"

"Hindi. Kilala ko lang yung standee na si Kai. Naririnig ko sa mga highschool na tumitili pag napapadaan sa store."

"Boyfriend mo daw eh."

Tinignan ko sya ng masama. Inaasar pa talaga ako. "Sobra na ang kahihiyan ko kanina wag mo ng dagdagan."

Ngumiti ito. Attractive talaga ng ngiti nya. "Gusto mo syang makita?"

Umiling ako. "Nakita ko na sya kagabi. Mas gusto ko pa din yong standee na si Kai."

Natawa ito. Naglakad ito paharap sakin, yung tipong lakad na nakatalikod. "Pag narinig to ni Kai siguradong uusok ilong nun sa asar."

"Kaya wag mo ng---"

Isang malakas pagtulak ang naramdaman ko dahilan para masubsob ako buti nalang nakaharap sakin si Sehun kaya agad nya akong sinalo. Napayakap tuloy ako sa kanya.

"Hey, watch out man!" Narinig kong sigaw nya sa tumulak sakin.

"Brod!" That voice, pamilyar sakin.

"Kai!?" bulalas ni Sehun. Nagitla ako ng marinig ko ang pangalan nya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kai. "Sorry, natisod ako." Ayan na naman yong boyish smile nya, sarap e frame at e iuwi.

Sakin ba sya humihingi ng sorry o kay Sehun? Napaayos ako ng tayo at humarap dito. Crush ko si Kai, crush lang Vanny, bear that in mind.

"Sya nga pala si Vanny, yung nag alaga satin kagabi."

"Ah, sya ba yung sinabi mo? Kala ko girlfriend mo." anito sabay flash ng killer smile nya.

Okay, that's it! Hindi ko na ata kayang pigilan gusto kong himatayin. Si Kai tong kaharap ko, yung totoong Kai hindi yung standee. The mere fact that his front of me I mean in flesh makes me want to freak out.

Akma akong tatalikod para mag walkout ng pigilan ako ni Sehun.

"Alam mo bang may kasalanan ka sa kanya Kkamjong."

Nangunot ang noo ni Kai. Tumingin sya sakin.

"Ah, Sehun kalimutan mo na yon lasing eh." Pew! daldal din ng isang to hindi man lang nakaramdam ng magiging kahihiyan ko.

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon