NKP 16

849 33 1
                                    


"Kai!!! Ang Lampa mo!!!!"

Ako na naman poh yang sumisigaw. Panu ba naman pababa na kami sa lobby ng hotel ng may biglang dumamba sakin. Tong kkamjong na to natisod na naman taz ako talaga ang paborito nyang bagsakan ng feeling macho nyang katawan. Lintek lang gusto nya ba na baliin lahat ng buto ko?

"Kasalanan yan ng luggage mo nakaharang sa daan!!!"

High pitch din sya. I guess his back to his old self again. His abnormal self may I add.

"Baka gusto nyong maghalikan na din para kumpleto na ang eksena nyo jan sa lobby?"

Sino pa ba ang mang aasar ng ganyan? di ang baklitang si Brandon.

"Get off me kkamjong!!"

"Sandali!"

"Bilis! hindi ko pinangarap na makapalit yang mukha mo."

"Mukha kong gwapo!"

Anitong pinagpag ang suot nyang polo.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ay abnormal, anong espesyal sa pag  papagpag nya sa polo nya? buti sana kung ngumiti sya o nagpacute para majustify yung pagbilis ng pagtibok ng puso ko eh hindi naman. Abnormal talaga. Kailangan ko na atang mag pacheck up. Magslow motion ba naman lahat sa harap ko.. tsk..

"Si Umin hyung?" Sehun.

Madrama din pala yang si Maknae, mangiyak ngiyak pang nagpaalam kanina sa dalampasigan, may crying moment sya sa boracay. Na sinabayan naman ni Brandon. Mga bading talaga..

"Nauna na si Uminhyung, pano ang tagal nyong bumaba." Sermon ko sa tatlong bading.

Inirapan lang ako ni Brandon at Kai. Si Sehun ang sumabay sakin palabas.

*later

Magdadapit hapon na ng makarating kami sa bahay. Si Brandon sa hotel na dumiretso.

Andaming tanong ni mama nung sinalubong nya kami, si Sehun lahat halos ang sumasagot sa mga tanong nya.

Pagkatapos maghaponan ay, dumiretso na ako sa kwarto. Hindi na ako nakisali sa usapan nila nag s-skype yung tatlo kausap ang ibang exo members. Basta narinig kong sa makalawa na darating yung buong members.

Ayos na din yun atleast makakahinga na ako ng maluwag, hindi sa pabigat sila, ayoko lang na maging close pa talaga kami. Alam nating temporary lang to pagkatapos ng concert nila uuwi din sila ng korea at goodbye Bahbahn na.

Naulingan ko ang isang pagkatok sa pinto.

"Bahn, si Chris nandito."

Napilitan akong babain si Chris. Bisita eh. Nangamusta lang naman sya, tawa nga ng tawa ng makita nya ang mga litrato namin. Yung tatlong itlog ayon nakasimangot. Haha... sabi sa inyo expert photographer ako diba, at syempre sila ang subject ko.

"Nga pala guys, bukas ng gabi pwedi na tayong lumipat sa hotel since madaling araw ang flight ng grupo from korea. So mag umpisa na kayong mag ayos ng gamit nyo." deklara ni Chris.

Tumango naman ang tatlong itlog. Kung kanina nakahinga ako ng maluwag knowing na aalis na sila bat ngayon parang sumisikip ata ang dibdib ko? Hindi ko maiwasang mapatingin sa tatlong lalaki sa harapan ko.

Si Sehun naka sadface.

Si Uminhyung pokerface as always.

Si Kai, naka perv looks.

Jowk!

Nag iwas lang sya ng tingin. Ang weird nya ha.

Hindi din nagtagal si Chris, umuwi din agad sya, hinahanap na daw sya ng mama nya.

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon