NKP 24

677 35 1
                                    


"Arraaay!"

O baka akala nyo ako yan ha. Hindi poh, si Sadee yan.

Tumutulo pa talaga ang luha nya habang ginagamot ng nurse sa clinic.

Bago pa kami nakalayo kanina ay naabutan pa kami ni Sehun, hinabol pala kami.

Tama poh ang hula nyo, kasama nga namin si Sehun..

at..

at...

Mali, kung iniisip nyo na kasama niya si Kai. Kasi si Uminhyung at Lay ang ang sumunod kay Sehun.

"Bahn, ano pa ang ginawa ng Sai Lim na yon sa inyo bat andami nyong sugat?" Nag aalalang tanong ni Sehun.

"Hinampas nya ng bangko sa likod si Ateh Bahn." sumbong ni Sadee. Himala hindi sya na star struck sa mga kaharap nya.

Naramdaman kong sinipat ni Lay ang likod ko.

"Hindi ka ba nabalian? Nasugatan ka ba sa likod?"

"*Batok. Bat kailangang itaas ang damit ko?"

"Bahn naman, masakit." anitong nagkamot ng batok.

"Manyak mo eh. Hindi naman masakit ang pagkakahampas, kaya wag kayong mag alala."

"Bahn, naman nakita namin ang sirang bangko. Magpacheck up ka kaya baka may injury ka, ayokong mapagalitan ni tita at sabihing pinabayaan ka namin."

"OA na yan. Hindi malalaman ni Mama. Bumalik na nga kayo sa pinanggalingan nyo, okay na kami ni Sadee dito."

"Ayaw." Sehun.

Inirapan ko nalang sya.

Nakita ko ang pagtayo ni Uminhyung, at sinenyasan ako na lumabas.

Nagpaalam nalang ako sa dalawa.

Naupo ako sa bench sa labas ng clinic.

"Hindi ka ba natatakot sa maaring gawin ng babaeng yon?" pukaw ni Uminhyung.

Napayoko ako. "Sa totoo lang takot na takot ako. Baka pati sila mama ay idamay nya. Di bali nang ako ang saktan nya wag lang ang pamilya at mga kaibigan ko."

Inakbayan nya ko. "Ngayon mo lang naranasan to no?"

Tumango ako. "Parang telenobela tuloy ng buhay ko." natawa ako ng konti.

"Nagsisisi ka ba?"

Umiling ako. "Matibay ang sikmura ko hyung. Kung saang lupalop na ako ng pilipinas nakarating halos lahat ng uri ng tao nakasalamuha ko na, I can handle her. Sisiguradohin kong sa bawat laban namin uuwi akong humihinga pa din."

Ginulo nito ang buhok ko. " I told you not to fall in love."

"Tskk.. yun na nga ang nakakainis dun eh, alam ko naman ang gulong papasukan ko pero hindi ko pa din napigilan. I tried, hard. Pero wala pa din. Anlakas makahatak ng anak ng dilim na yon eh."

Parehas na kaming natawa.

"Bahn!!!"

Napatingin ako sa hallway. My heart skip a beat when I saw him running..

Nakita kong papalapit si Kai kaya napatayo ako.

Bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

Napangiwi ako, mejo masakit pa ang likod ko eh, hindi pa ata tumatalab ang painreliever na ininom ko.

"Nakita ko ang cctv footage. Damn her, gusto kong pilipitin ang leeg nya sa ginawa nya sa inyo. Bahn, sorry.. Nadamay ka pa."

Hindi ko namalayan pumatak na kusa ang mga luha ko. Yung takot, galit at panghihina ko na kanina ko pa pinipigilan ngayon lang ata humulagpos lahat.

Dang! Sa simpleng yakap nya pakiramdam ko lumalabas lahat ng kahinaan ko. Yung tipong halos lahat ng tao sinagot mo na 'okay' ka lang tapos nung niyakap ka nya parang sumabog lahat ng pag aalala at sakit na nararamdaman mo mentally and physically.

Pinahid nya ang mga luha ko. At hinalikan ako sa noo.

"Ssshh.. hindi na mauulit yon. Aayusin ko to."

Theirs so much tenderness in his eyes na napatango nalang ako sa sinabi nya.

"Ehmm.." napabaling kami kay Uminhyung. "Kai sa tingin ko kailangan mo ng iuwi si Bahbahn, baka may makakita pa sa inyo. Ako ng bahalang magpaliwanag sa kanila."

"Si Sadee----"

"Ipapahatid ko nalang kay Sehun, may service naman sya diba?"

Tumango ako. Alangan man ay napasunod ako kay Kai.

Papunta na kami ng parking lot ng may narinig kaming dalawang taong nag uusap sa gilid ng isang kotse.

Kinabig ako ni Kai at isinadal sa pader at sumenyas na tumahimik ako.

"I can do anything Chris Lee, alam mo yan."

Boses iyon ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali si Sai Lim yon. At si Chris ang kausap nya.

"Sa ginawa mo ngayon, don't you think it's too much already? inipit mo na ang pamilya nya dinamay mo ang kompanya namin tapos yung babaeng ni ngi hindi mo nga sigurado na karelasyon nya sinaktan mo? Are you that crazy?"

"I don't have to answer that Chris, sa ginawa nyang pananakit sakin kanina I can do more. She'll pay."

"Stop this Sai Lim, your going too far. Sa tingin mo magugustohan ka ni Kai jan sa mga pinaggagawa mo?"

Napatingin ako kay Kai, nakita ko ang galit sa mga mata nya. Nakakuyom ang mga kamao nito.

I cupped his cheeks, naging masuyo ang expression nito.

"I don't care anymore Chris. Basta ang alam ko akin pa din sya sa huli. Mag iingat ang haharang sa daraanan ko."

Nangilabot ako sa mga narinig ko.

"Your desperate. That's not love it's selfishness. Alaga ko ang pinaglalaruan mo, I don't know when will you stop pero gagawin ko ang lahat para tigilan mo na to." may bakas ng galit sa boses ni Chris.

"Dear your on the wrong side of the game. I'm powerful than you."

The bitch. Sarap tadtarin ng pinong pino.

"No Sai Lim, it's your father who has tha power, your uselesa without him."

"Let see."

Narinig ko ang pag andar ng kotse kasunod non ang pag alis palabas ng parking lot. Parehas kaming napahinga ng maluwag ni Kai.

"You heard?"

Napaigtad ako ng marinig ang boses ni Chris. Naglakad ito palapit samin.

Tumango lang si Kai, at hinawakan ang kamay ko.

"So it's true?" ani Chris na nakatingin sa mga kamay namin.

"I'll fight for her." nakatiim bagang sagot ni Kai.

Nakita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa mga labi ni Chris. "Young love. Sana alam mo kung ano ang pinasok mo na to Kai."

Hindi umimik si Kai.

"Here." initsa ni Chris ang susi ng isang kotse. "Iuwi mo na si Vanny."

Ngumiti ako ng alangan kay Chris.

"Manager?" tawag ni Kai. "Salamat."

"Don't be Kai, ginagawa ko to kasi ayokong matulad ka sakin nung kabataan ko, naduwag at nang iwan."

Kinadatan lang ako ni Chris at umalis na ito.

Pinagbuksan ako ni Kai ng pinto..

itutuloy...

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon