NKP 32

612 37 1
                                    

"Nasan tayo?" tanong nya.

Matapos naming makaalis sa Dorm. Sumakay kami ng train. Dadalhin ko muna sya sa isang safe na lugar kung tamang hindi pa nahuhuli si Sai Lim, nanganganib pa si Vanny.

"Probinsya ng kaibigan ko. May bahay sya dito. Dito muna tayo mag stay, kailangan mong magpagaling."

"Bat mo ko dinala dito? Ibalik mo ko sa papa ko!"

Hinawakan ko ang kamay nya. Anu't ano pa man hindi ko sya hahayaang malayo sakin.

"Gusto ko nang umuwi." Nagsusumamo ang mata nitong nakatunghay sakin.

"Hindi pwedi. Halika na malapit na tayo." hinatak ko sya at nag umpisang maglakad. May kalayuan din ang bahay nila Uminhyung sa bayan at wala pang dumadaan na tricycle kaya kailangan naming maglakad.

Tama ang pagkabasa nyo si Uminhyung ang tinutukoy kong kaibigan. Sya ang tinawagan ko pagkaalis namin sa dorm.

Ilang minuto na kaming naglalakad ng marinig ko ang paghikbi ng katabi ko.

"Bahn, umiiyak ka ba?"

Hinawakan ko sya sa balikat para pahintuin ito sa paglalakad. I lift her chin. Umiiyak nga ito.

"Ayokong sumama sayo. *singhot."

Dang! ayoko syang umiiyak.

"Kailangan kong gawin to."

"Hindi kita kilala, hinatak mo ko bigla tapos ngayon dinala mo ako dito? ano ba talagang kailangan mo?"

"Narinig mo ang nangyari sa dorm diba? uo hindi mo ako kilala, pero ako kilala kita. Hindi ko alam kung bakit hindi mo ako nakikilala, pero gagawin ko ang lahat para ipaalala sayo kung sino ako sa buhay mo."

Shit,. This is frustrating. Bat ba kailangang mangyari to.

"Ayoko." nagpumiglas ito.

"Kung sino ka man, ayokong alalahanin. Masaya ako sa buhay ko na wala ka. Kaya ibalik mo na ako sa amin." pagmamakaawa nito.

Nasaktan ako. Masakit na marinig mismo sa kanya yon.

"Hindi. You'll stay with me. Madami tayong dapat na ayosin."

"Kidnaping tong ginagawa mo!"

"I dont care! Sasama ka sa ayaw at gusto mo!"

" 'yeta! ano bang kasalanan ko sayo! Palayain mo na ako!"

"Putcha Bahn! madali lang sayo magsalita ng ganyan kasi wala kang maalala! Hindi mo alam ang pakiramdam na yong taong mahal mo ay kinalimutan ka na! Nasa harap mo sya pero hindi ka nya kilala!" Damn!

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!"

"Exactly! This is bullshit!"

Napaupo na ito at humagulhol. Shit! parang dinudurog ang puso ko.

"Bahn, tama na, baka dumugo ang sugat mo."

"Leave me alone."

"Halika na."

"No!"

Tumalungko ako at binuhat sya. Nagpumiglas ito kaya hinigpitan ko ang paghawak sa kanya.

"Bitawan mo ako kidnapper ka!"

Gusto kong matawa. Bagong title nya ba sakin yan ngayon.

"Bingi ka ba!? Ibaba mo ako!?"

"Basagin mo man ang eardrum ko hindi kita ibababa. Maaalala mo ako Bahn, I swear to god darating ang araw na mamahalin mo ako. I'm giving up everything I have from now on to make it happen."

It somehow shut her up.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

"Sir, iiwan ko na poh kayo. Kung may kailangan kayo tawagan nyo lang poh ako sa landline."

Tumango ako sa lalaking katiwala nila Uminhyung. Nasa abroad kasi ang buong pamilya nito kaya katiwala lang ang nag m-maintain ng bahay.

Nasa kusina si Vanny kumakaen. Nagutom ang amazona kaya hindi na nag ingay nung makakita ng pagkaen.

May kalakihan ang bahay pero simple lang. May limang kwarto, sa guestroom matutulog si Vanny ako sa kwarto ni Uminhyung. May mga damit at sipilyo naman sa guestroom kaya may magagamit naman kami.

Pagkalock ko ng pinto dumiretso na ako ng kumedor. Nadatnan kong kumakaen si Vanny.

"Hanggang kelan tayo dito?" sya.

"Hanggang maalala mo ako."

"Pano kung ayaw kitang maalala?"

"Gagawa ulit tayo ng bagong memory mo kung san nandun ako."

Nanlaki ang mata nito. May nakakagulat ba sa sinabi ko?

"May naging kasalanan ba ako sayo noon kaya ganyan ka nalang kapilit na maalala kita?"

Tumango ako. Nanlaki na naman ang mata nito. I'ts annoying.

"Ano?" sya.

"Alalahanin mo."

"JongIna, wag na. Hindi ko maalala ibig sabihin wala akong kasalanan sayo. Ikaw lang nag iisip non." anito sabay subo ng sinandok na kanin.

"Don't you think your being unfair?"

"Wae?" nakataas kilay na tanong nito.

"Sinabi ko na sayo may past tayo. Hindi ka manlang ba na qcurious kung anong meron tayo noon.?"

Umiling ito.

"and that.. your acting like you dont care. Napaka insensitive mo, hindi mo manlang ba napapansin na may nasasaktan jan sa mga pinagsasabi mo?"

"Okay ka naman nung hindi pa tayo nagkikita sa Han river a. Why dont you stay that way. kalimutan nalang natin nagkita tayo ulit. Then, that's it."

Naikuyom ko ang kamao ko. " I've never been fine Bahn, I'm dying slowly."

Natahimik ito at napayuko nanaman. Don't tell me iiyak na naman sya? Kelan pa sya naging iyakin?

"Can't you see? Without you I'm doing fine. I'm living my life the way I want it to be, tapos papasok ka sa eksena, ilalayo ako sa pamilya ko tapos ano? Pag naalala ba kita magiging masaya ba ako?" sya.

It struck me like a lightning. Am I being selfish here?

Masaya na daw sya.

Pero pano ako?

Ipaglalaban ko ba sya para wala akong pagsisihan sa huli o magsasakripisyo ako para sa kaligayahan nya?

I want to fight, but I want to fight with her.

Pero sya nakalimot na.

May dapat pa ba akong ipaglaban?

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon