NKP 25

723 35 0
                                    

Nakalabas na kami ng MOA at tinatahak ang highway ng marinig ko ang pagbuntonghinga ni Kai. I know his worried, ganun din ako.

Hindi ko ni minsan naisip na mapapasok ako sa ganitong sitwasyon. Nung kelan lang simple akong namumuhay. May konting adventure at kilig. Pero ng makilala ko sila nagkakulay bigla ang mundo ko, naging malawak ang pananaw ko. I've learned something.

At the same time, naranasan kong matakot, masaktan at higit sa lahat ang magmahal.

Napasulyap ako kay Kai.

Ano ba ang plano Nya sa amin? Pinagtagpo kami binigyan ng pagkakataon sa mga nararamdaman namin, then may ganitong problema. Kaya bang ipaglaban?

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Kai nung nasa boracay kami. "Regret is worst than having a broken heart."

"Hey?" napabaling ako sa katabi ko. Nakahinto na pala ang kotse.

"Bakit? andito na ba tayo?"

"Not yet. Are you okay?" masuyo ang boses nito.

Nagbaba ako ng tingin. Kung si Sehun o si Lay siguro ang nagtanong baka 'oo' kaagad ang sinagot ko. Pero si Kai tong kaharap ko eh, tinamaan lang ng lintek bat hindi ko kayang magsinungaling sa kanya?

Inabot nya ang mga kamay ko at pinisil. "look at me."

Nakita ko ang pag aalala at takot sa mga mata nya.

"Natatakot ako Kai."

"Fight with me Bahn."

Napailing ako. Tinaas ko ang ringfinger ko. "Hindi ko alam. Hindi ako sigurado kung ang singsing ba nato ay sapat na para ipaglaban ka---"

Napaawang ang labi ko when he claim my lips, and kissed me, slowly.

Napakapit ako sa balikat nya, Pancit! Kai, halik mo lang tumitigil na pag inog ng mundo ko.

"Mahal kita Bahn, sana enough na yon para ipaglaban mo ako." namumungay ang mga mata nito.

And.. he claimed my lips once again.

He said the magic words. Nabasa nyo diba?!

My heart burst in happiness, I closed my eyes and respond passionately.

Mas lumalim ang paghalik nya, para akong nalunod sa emosyong nararamdaman ko.

The kiss is very magical that it's turning my world up side down.

Habol ang hininga nung nagkahiwalay ang mga labi namin. Nakita ko ang unti-unting pagngiti nya. The boyish smile.

"Finally, nasabi ko din sayo. I love you Bahn, I love you when your annoying, I love you when your loud, I love you when your angry, I love you when you pout, goodness I love every bit of you. The first time I lay my eyes on you I know that this ring." tinignan nya ang singsing sa daliri ko. "Will serve it's purpose." hinalikan nya ang kamay ko.

Tumulo kusa ang mga luha ko. He love me the first time he lay his eyes on me pero kung sungitan nya ako noon eh tipong gusto nya akong mamatay sa sama ng loob. I'm touch na naiinis. Kung sana sinabi nya agad di matagal ko na syang minahal.

"I hope tears of joy yan? Maghihintay ako sa magiging sagot mo, kahit gano katagal pa yan."

Napatango ako. Tsaka nya ako niyakap.

"Nga pala I want you to meet my Family now."

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. "Now? lilipad tayo ng korea?"

"Bahn naman nasabihan ka lang ng I love you nagiging slow ka na."

"*batok, ayosin mo kasi. Pabitin ka rin eh."

"Sige pa batukan mo pa ako para lalo akong mainlove sayo at iuwi na kita ng Korea bukas na bukas din."

Uminit ang pisngi ko sa tinuran nya."Bumabanat kana ha. Hindi ko pa din nakakalimutan lahat ng sama ng loob na binigay mo sakin JongIn."

"Madadagdagan pa yan pagtayo na."

"Anoooo?!"

Tumawa ito. Takte, sarap pakinggan ng tawa nya.

"Biro lang. Masyado kitang mahal para bigyan ng sama ng loob." anito at kinabig ako para halikan sa noo.

Kinuha nito ang cp nito at parang may d-nial. Pinabayaan ko nalang.

"Umma, Appa.." Kai.

Video call? Yun ang ibig nyang sabihin na he want me to meet his parents? lagot na. Parents nya ang kausap nya diba?

Lintek, ang panget kaya ng itsura ko ngayon, May band aid pa ang labi ko.

"I want you to meet someone."

"Sya na ba anak?" boses babae yon, siguradong sa mama nya yon.

"Opoh." tsaka hinila palapit sa tabi nya.

Walang pasabi ha. Hindi manlang ako nakapagsuklay.

Nakita ko ang mag asawang middle age na. Alam mo ba kung anong pumasok sa isip ko?

Ngayon alam ko na kung san nagmana si Kai sa kaitiman nya. Namana nya sa papa nya, parehas silang dark ang kulay, pati ang ilong nyang pango galing din sa papa nya.

Pero ang mama nya, ang ganda. Halata sa mukha nito ang kagandahan na meron ito nung kabataan nya. Kaya siguro gwapo tong si Kai.

"Umma, Appa, I want you to meet Vanny Lu-Kim 'Bahbahn' for short."Nilingon nya ako. "Bahn, meet my parents."

Nakita kong nagbow ang dalawang matanda kaya nagbow din ako.

"Hello Bahn. Call me tito San and this is your Tita IlRan." Appa

"Nice to meet Bahn, ang ganda mo. Galing talagang pumili ng baby namin."

"Glad to meet you poh."

"Ma, hindi na ako baby." protesta ni Kai.

"Alam mo Bahn simula nang makilala ka nyang si kkamjong arawaraw na tumatawag yan samin para lang sabihin na malapit ka na raw nyang mapasagot, kaya nga hindi ako magugulat na iuwi ka nalang nyan dito one of these day."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ng papa ni Kai. "Talaga tito?" siniko ko si Kai pero umiwas lang ito. Araw araw palang knikwento ha. Ibig sabihin kahit nung magkaaway pa kami? " Ah, sana naman poh magaganda mga kinikwento ni Kai tungkol sakin."

Nakita kung natawa ang mama ni Kai. Tinignan ko ng masama ang katabi. Nag iwas na naman ito ng tingin. Guilty ang ogag.

"Actually iha, tuwang tuwa kami sa kinikwento ni Kai about sayo. Sabi ko nga nakita na nya ang katapat nya. Maybe it's time for him to quit showbiz and build his own family."

Gusto kong mapakrus sa sinabi ni Tita Ilran.

"Pero bata pa naman poh si Kai."

"Si Kai iha bata pa, pero kami ng papa nya, tumatanda na. Kailangan na naming makita ang mga apo namin sa kanya. Ewan ko nga ba sa bata na yan bat kailangan pang pumasok sa showbiz na yan, may negosyo naman kaming maipamamana sa kanya, bat nagpapahirap pa."

"Ma naman. Eto nga ang gusto ko."

"Son, You know that were proud of you, pero sana bilis bilisan mo na jan sa mga pangarap mo at pakasalan mo na si Bahbahn, sabik na kaming magkaapo."

Napangiwi ako. Paulit ulit na ang apo. Yun daw ang gusto nila. Haha.. ang weird.

Naramdaman ko ang pagpisil ni Kai sa kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Boto talaga sila sayo eh." anito na ngumiti ng nakakaloko.

"Mga anak, sana alagaan nyo ang isat isa."Anang papa ni kkamjong.

"Tama ang sabi ng Appa nyo. Ikaw Kai alagaan mo si Bahbahn ha?" tumango so kkamjong sa sinabi ni tita IlRan. "Bahn?"

"poh?"

"Alam kong mahal ka ng Anak namin, alagaan mo sana yon, mahal ka namin kasi mahal namin lahat ng mahal ng anak namin. Ibalik mo sya samin ng buo Iha."

Shoot! yon na yun eh. Feeling ko wala na akong kawala. Iharap ka ba naman sa magulang nya eh.

Masaya at the same time kinabahan ako.

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon