NKP 15

765 34 2
                                    

"Bahn! Ano ba! Yoko nga eh!"

"*batok bat ba ang arte mo!"

"Aray! Amazona ka talaga!"

Nasa station 3 kami. 4pm, kinaladkad ko si Kai para manuod ng sunset.. Pero itong kkamjong nagpakaladkad pa talaga, ayaw lumabas ng kwarto nila.

Alam ko para akong baliw sa ginagawa ko, ito lang kasi ang alam kung paraan para makatulong sa kanya.

"Ano ba amazonang babae ka, hindi ka ba nahihiya jan sa pinagagawa mo, ikaw pa talaga ang namimilit sa lalaki ha."

"Hoi ikaw na koreano ka wala akong paki kung ganun ang tingin nila, hindi nila ako kilala bat naman ako mahihiya sa kanila?" kinawayan ko ang mga taong nakatingin samin. Ngumiti naman ang mga ito at gumanti ng kaway.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Kai.

Naglakad ito at naupo sa buhanginan.

"Pms lang?" ako at naupo sa tabi nya.

"Ang kulit mo." anitong sinamaan ako ng tingin.

"Alam ko. Tama lang naman ang ginawa ko. Andito tayo para mag enjoy hindi para mag mukmok.."

"Anong nagmumukmok? baka si Uminhyung yon, namali ka ata ng lalaking hinatak?"

"Of course not! namasyal na kami ni Uminhyung kanina, ansaya nya palang kasama. Parang anghel pa pagnakangiti. Hai.. crush ko na sya."

"Tskkk... di dun kana sa kanya." anito sabay tayo.

Agad ko naman syang pinigilan. "Wui bat ang sungit mo?"

"Hindi ka pa ba sanay?"

"Manuod muna tayo ng sunset. Dali na sakay tayo ng paraw!"

Tinanggal nya ang mga kamay ko sa balikat nya. "Mag isa ka."

Gusto ko ng magpapadyak sa inis. Antigas ng kuto nya ha. Ako na nga namimilit mag iinarte pa sya.

"Kai.. wag kang umalis."

"....."

"Wui kkamjong."

"......" Nagsimula na itong maglakad pabalik sa resort.

"Kim Jong In!!!!"

"Putah! bat kailangang sumigaw?"

"Bingi mo eh!" Halos pinagtitignan na kami ng mga tao sa paligid namin.

"Nang iiskandalo ka ba?"

Hindi pa ba obvious? langya ang manhid nya.

Naupo na ako sa buhanginan at umiyak, kunwari. Syempre yung mga tao sa paligid namin nagbulongan na.

Gusto ko lang namang makita nya ang sunset eh, baka kahit papaano gumaan ang pakiramdam nya.

"tumayo ka na nga jan, sasamahan na kita."

Agad akong napatingin sa kanya, at ngumiti ng pagkalaki laki. "talaga?"

Tumango ito at inabot ang kamay nya sakin. ng nakatayo na ako biglang tumunog ang cp nya.

Sinagot nya naman ito, pero yung kamay ko hindi nya pa din binibitiwan. He has a warm hand. Honestly,, masarap hawakan ang kamay nya, malambot eh.

"Get lost Sai Lim I'm going home whenever I want to!!!!" yun lang narinig ko, busy ako kakahawak sa kamay ni Jong In eh.

With that bigla nyang pinatay ang cp nya at hinila ako sa paraw.

Nice, hindi na ako mahihirapan.

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon