NKP 40

556 30 0
                                    

Sehun's PoV

Niyakap ko ng mahigpit ang katabi ko. Sarap talagang kayakap ni Luhan hyung.. I cuddle him some more. Hindi ako bading ha, bangasan pa kita sa mukha e.

Nasa sala lang pala kami nakatulog lahat. Nag aya ng inom ang mga kolokoy kagabi pampalipas oras daw at para hindi daw kami mainggit sa pag iibigan ni Vanny t Kai. Tsk.. hulaan nyo kung sino ang nag suggest..

Tama!

Ang bitter na si YiXing. Pinauubaya nya na daw si Vanny kay Kai. Bigo ang kumag kaya pinagbigyan namin.

Napalingon ako sa kusina ng marinig ko ang pag ingit ng pinto ng fridge. There nakita ko ang pigura ni Vanny kumuha ng tubig. Napangiti ako ng mapansing nakashort at sando lang ito. Dang! ang sexy talaga ng crush ko. I'm proud na may bestfriend akong kasing ganda nya. Natural ang kagandahan inside and out.

Unti unting hinihila ng antok ang mata ko ng mapansin kong nanigas si Vanny sa kinatatayuan nya.

Naestatwa ako ng may aninong yumakap sa kanya mula sa likod sabay tutok ng patalim sa leeg nya.

Kinabahan ako.

Akma akong babangon para saklolohan si Vanny ng pigilan ako ng yakap ni Lulu.

"Stay still, pretend your sleeping." bulong nito.

Natigilan ako. Gising pala tong katabi ko?

Naramdaman ko ang pagdaan ni Vanny at assailant nito sa gawi namin. Umakyat ang mga ito sa hagdan at pumasok sa kwarto ni Vanny.

"Lu! si Vanny!" Nagpapanic na bulong ko sa kanya.

"Alam ko." Bumangon ito. " Gisingin mo sila, pero wag kang gagawa ng ingay."

Tumango ako. Kabado man ay una kung ginising si Uminhyung at Kris.

"Bakit Maknae?" Kris.

Binigyan ko sya ng babala na manahimik.

"Si Sai Lim sa taas may patalim na nakatutok kay Vanny."

Nakita ko ang pagkagulat nila.

Nagising na din ang iba. Mabilis na din ang pag explain namin ni Lulu.

"Anong gagawin natin?" tanong ko kay Uminhyung.

"May mga tao sa labas." Luhan.

"Baka mga tauhan ni Sai Lim yan." Tao.

Tumayo si Uminhyung para tignan ang mga tao sa labas bago sya humarap samin.

"Ganito ang gawin natin. Sehun and Lulu tawagan niyo si Manager Chris ipaliwanag nyo ang nangyayari. Kris, Lay at ako puntahan natin si Vanny sa taas. D.O at Tao siguradohin nyong nakalock ang pinto para hindi makapasok ang mga tauhan ni Sai Lim. Suho, tumawag ka ng mga pulis. The rest kumuha kayo ng pweding panlaban kung sakaling mapenetrate tayo ng mga taong yan." halos bulong ni Uminhyung pero klaro ko namang naririnig.

Pagkatapos non ay kanya kanya na kami at maiingat na kumilos para hindi makagawa ng ingay. Si Lulu na ang kumausap kay Manager Chris. Nakita ko na umakyat sa hagdan si Lay, Uminhyung at Kris.

Napatigil kaming lahat ng marinig namin ang komosyon sa loob ng kwarto ni Vanny.

Agad na sumaklolo ang tatlong nauna. Sumunod ako sa kanila.

Pagbukas ng pinto ng kwarto ni Vanny ay agad na pumasok sila Uminhyung at inagaw ang patalim na hawak ni Sai Lim.

Nakita ko si Kai nakalugmok sa sahig hawak hawak si Vanny na puno ng dugo.

Everything went slow.

Umiiyak si Kai.

Sila Uminhyung pinigilan ang nagwawalang si Sai Lim.

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon