NKP 14

808 36 1
                                    

*Kinaumagahan

Tahimik lang si Kai habang nag aagahan kami.

Syempre alam ko ang dahilan. Kinukulit sya ni Sehun pero para lang itong may dalaw, masungit palaging nakairap.

Pinaglalaruan ko lang din ang pagkain ko. Wui wag malisyosa ha, hindi lang ako makapaniwala sa mga narinig ko kagabi, nakakawalang gana. Affected ako kasi alam ko na may nasasaktan. Wui wag malisyosa ulit ha. Alam kong si Kai ang nasasaktan at hindiako, kala nyo naman nag eemote ako? tskk.. of course not. Sabi ko nga kay Sehun kagabi kaibigan ko na sila.

Gusto ko syang tulungan.

Hindi ko lang alam kung papano.

"Bahn, okay ka lang?" Sehun.

"Ayos lang. Bakit?"

"Pinaglalaruan mo ang pagkain mo."

Nakita ko ang pagsulyap ni Kai sa gawi ko, kaya napabuntonghininga nalang ako.

"Kai, may nangyari ba?" Uminhyung.

Umiling lang si kkamjong.

"Oh my Gad!" bulalas ng baklitang si Brandon. "Don't tell me may nagyari?"

Marahas akong napatingin sa kaharap. "Anong nangyari?" ako.

"Sa inyo." *turo samin ni Kai

Nanlaki ang mata ko. "Hoi Brandon anong pinagsasabi mo jan? ayusin mo o magkalimutan na tayo?"

"Bahn naman eh. Tignan mo nga pareho kayong wala sa sarili ni Kai, hindi naman kayo ganyan a. Obviously something happen." then tumingin sya amin ng may malisya.

Sarap tusukin ng mata nya eh.

"Anong nangyari?" sehun.

"wala/wala." Dang! chorus pa talaga kami ni Kai.

"LQ?" anang si Brandon.

Binato ko lang sya ng tissue. Sabay irap.

"Tapos na ako." sabay tayo ni Kai.

Pinagmasdan ko nalang syang lumabas ng Restaurant. Iniinda nya talaga ang mga sinabi ng babaeng yon kagabi? Haist.. who wouldn't involve ang pamilya at career nya.

"Bahn, baka matunaw." Brandon.

Napatingin ako sa mga kasama ko.

Nakanguso si Sehun.

Nanunudyo ang tinging pinukol ni Brandon sakin samantalang si Uminhyung mataman akong tinitignan na parang binabasa ang nasa isip ko.

"Ahh..ah.. tapos na ako." agad akong tumayo at iniwan sila.

Hindi ko alam kung san lulugar. Dapat ba akong makialam? May maitutulong ba ako? Ang komplikado ng buhay ni Kai.

Pero kaibigan ko sya. Siguro hindi ko nalang muna sya aawayin. Tskk.. wala naman talagang away na magaganap hindi na nga masyadong nagsasalita yung tao eh. Naman supposed to be masaya tong trip na to eh,. Dapat lahat mag enjoy.

Nalunod ako sa mga iniisip ko hindi ko napansin nakaabot na ako sa Boracay Rock. One of the worlds most captured land mark. May poon sa taas ng pangpang. I silently prayed.

Wag nyo nang alamin kung ano, alam kong mga malisyosa kayo, kaya sakin nalang yun. hehe..

Nasa kalagitnaan na ako ng pagdarasal ko ng maramdaman kong may tumabi sakin. My eyes are closed, kaya hindi ko mapagsino.

"I know you knew, kaya ka ba nagdadasal ngayon?"

Hindi ko maiwasang lingonin ang nagsalita.

Hulaan nyo kung sino...

Syempre hindi si Kai. Si Uminhyung. Maaliwalas ang mukha nitong nakatingin sakin.

Sige Uminhyung ngumiti ka pa para magmukha ka ng anghel. Crush na talaga kita.

*later

"He can't handle this one, knowing Kai tyak maglalasing lang yon."

"Tulad mo?"

Nakita ko ang bahagyang pag ngiti ni Uminhyung tsaka ginulo ang buhok ko. Napanguso tuloy ako.

"Ang talino mo talaga Bahn. Si Kai ang pinag uusapan natin hindi ako." he pinch my nose. "Anong alam mo?"

Inabot ata ako ng dalawang araw sa pag k-kwento. jowk! limang minuto lang. wui baka isipin nyo na tsismosa ako ha,. Feeling ko lang kasi matutulungan ako ni Uminhyung. Syempre bukod sa matured na sya matagal na din nyang kasama si Kai.

"Your thinking of helping him?"

Tumango ako.

"Hindi mo sya matutulungan Bahn. Ang tangi mong magagawa ay pagaanin ang mabigat na dinadala nya."

"Pero----."

"Ssshhh.." Inakbayan nya ako, at nagsimula na kaming naglakad pabalik sa Resort. "Parehas lang kami ni Kai, nasa isang kumplikadong sitwasyon at walang makakatulong samin kundi ang mga sarili namin. Thank you Bahn, at pinagaan mo ang nararamdaman ko. Alam mo ba para kang alitaptap, lahat ng madilim na lugar na madadaanan mo nagbibigay ka ng konting liwanag. Hindi pang matagalan but it somehow flicker us a little hope. Kelan lang tayo nagkasama but you have that effect on us. Keep it up."

I'm holding my breathe simula ng mag umpisa syang magsalita. Pakxit! Ramdam kong nag init ang mga pisngi ko. A statement from Uminhyung. Jinja?! unbelievable!

"Breathe Bahn, I dont to lose an adorable person." and he smile.

Nasapo ko ang dibdib ko. "Uminhyung! ngumingiti ka na!" bulalas ko bigla.

"Syempre naman, normal naman akong tao no."

Hindi ko napigilang kurutopin qng cute at makinis nitong pisngi. "Uminhyung, crush na ata kita!"

Natawa na naman ito. "Alam ko. Pero iba ang gusto mo."

Napabitaw ako bigla. Humalakhak naman ito. Ansaya nya ata ngayon.

"Make hin happy Bahn. Pero kung wala na talaga syang maisip na sulosyon, itanan mo na. It's the only way out."

"Uminhyung naman eh, wag mo kong tuksuhin sa kanya, nakakaasar eh." halos magpapadyak padyak na ako.

"Hindi naman ah. Binibigyan ka lang ng Idea." tapos humalakhak naman ito.

"Hindi ko pinangarap na itanan ang kkamjong na yon nu."

"Alam ko. I know Kai. Loyal yon at matindi magmahal. Who knows?!" anitong binigyan ako ng makahulugang tingin.

WaAaah! ayoko na. Lahat nalang sila. Ayoko nga kay Kai eh!!!!


EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon