NKP 28

643 37 14
                                    

Xiumin's POV

"Ba't nyo hinayaang mangyari yon!!!!!!!"

"Kai ano ba hindi ka pa magaling!!!!"

Inaawat na ni Sehun at Lay si Kai.

Habang ako hawak ni Luhan at Suho.

Dumudugo na din ang swero nito.

Tatlong araw na simula ng sya ay magising at tatlong araw na din syang nagwawala tuwing nagkakamalay. Hinahanap nya si Vanny.

Nasa Korea na kami, Mag iisang buwan na simula ng mangyari ang aksidente. Halos tatlong linggo syang unconscious. Pagkatapos ng operasyon nya sa kidney sa Pilipinas ay minabuti ni manager na iuwi si Kai para maalagaan sya dito. Paexpire na din ang mga Visa namin kaya napilitan na din kaming bumalik lahat.

Alam kong hahanapin ni Kai si Vanny pag nagising sya, pero hindi ko iniexpect na ganito ang magiging reaksyon nya.

"Sabihin nyo hyung, okay sya diba? Dapat dinala nyo sya, dapat magkasama kaming nagpapagaling ngayon."

Umiiyak na naman ito. Halos lahat kami napayuko. Naawa sa kanya, nahihirapan sa naging sitwaayon nya. Sa ngayon may plaster pa ang binti nya, hindi pa humihilom yung mga natamo nyang gasgas.

Lalo lang dumudugo iyon tuwing nagwawala sya ng ganito.

"Sagutin nyo nga ako!?!!!!"

"Sehun tawagan natin sya, hindi nyo ba sya namimiss?"

"Namimiss." Sehun. "Pero Kai, wala na sya----"

"Panong wala? Anong pinagsasabi nyo jan?!!! Wag kayong nagbibiro ng ganyan!!!!"

Bumukas ang pinto at iniluwa non ang Mama at Papa ni Kai.

"Kai, anak?" agad na lumapit ang mama nito.

"Kayo! Kayo ang nagpauwi sakin dito? bat nyo ginawa yon?! Alam nyong maiiwan si Vanny!!!"

"JongIn intindihin mo naman kami." sawata ng papa nya.

Hahawakan na sana ng maa yong kamay nya pero tinapik ito ni Kai.

"Hindi! Wag nyo kong kausapin!"

"Kai, wag ka ng magalit para sayo din to."  anang Mama nito.

Pero tumalikod lang si Kai at hindi na kami tinapunan ng tingin.

"Kai, wala ka ng babalikan sa pilipinas." Papa nya.

"Hindi ako naniniwala sa inyo." nakita ko ang paghikbi ni Kai. Unti unting nangilid ang luha nito.

"Kai, patawarin mo sana kami, ginawa lang namin kung anong makakabuti sayo. Ayaw lang namin na umasa ka pa. Kalimutan mo na si Vanny."

"Ma, bawiin mo. H-hindi ko k-kaya." Umiiyak na naman si Kai.

Niyakap ito ng mama nito.

"Sshhh.. tahan na anak nandito pa kami."

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sehun's POV

"Kai, bubble tea gusto mo?" umiling ito. "Masarap to."

"Ibigay mo kay Luhan." pagsusungit nito. Nasa studio kami katatapos magpraktis ng sayaw. Si Kai ayon pinapunta lang ni manager para manuod.

Kung hindi ko lang alam na may pinagdadaanan tong si Kai iisipin kong nagseselos to kay Lulu. Pero hindi e, alam naming lahat kung ano ang pinagdadaanan nya.

Six months na simula ng mangyari ang aksidente. Humilom na din lahat ng sugat nya, although hindi pa din sya bumabalik sa pagsasayaw, yung sugat sa puso nya iniinda nya parin.

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon