NKP 33

601 35 0
                                    

Kai's POV

"Ano na namang kaartehan yan? Ang aga aga nam b-badtrip ka ha?."

Tskk.. ang agang sarap mag mura. Masama bang ipagluto sya?

"Uo masama lalo na kung ang sunnyside up na ihahain mo ay mukhang pwet ng kaldero."

Langya, ito pa talaga ang mapapala ko sa pagsisilbi ko sa kanya? at pano nya alam ang nasa isip ko?

"Obvious sa expression mo." anitong padarag na umupo at nakasimangot na tumingin sakin.

"Alam mo ansama na ng ugali mo." inis kong sabi rito.

"Alam ko. No need to stress that out. I can be a brat, I cuss all the time, I suck at school, walang maganda sa ugali ko."

"I know." at tinalikuran ko sya para ipagpatuloy ang pagsasangag ko.

"Mahal mo ako kahit ganun ako?" sya.

Umiling ako. "Kulang pa yon, amazona ka, nakakatakot ka rin pag may patalim na hawak, takot ka din sa tuta, wala ka din minsang table manners, iskandalosa ka, ikaw din minsan ang nagbibigay ng kahihiyan sa sarili mo at higit sa lahat manhid ka. Lahat ng ayoko sa babae nasayo. Langya, kaya nga gusto kong iuntog minsan ang ulo ko kung bat sayo pa ako nagkagusto!."

Nakamaang itong nakatingin sakin.

"Close your mouth, I might kiss you, you look inviting."

Napaigtad ito at napahalukip.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Vanny's POV

Kala mo naman kung sinong chef kung makaarte eh ampangit naman ng niluto nya. Itsura palang gusto ko ng masuka.

Nilapag nya ang isang pinggan ng sinangag sa harap ko.

Taas kilay na tinignan ko sya.

"Kamusta ang sugat mo?" sya.

"Ayon sugat pa din." irap ko. "Kelan mo ko iuuwi?"

"Kung kelan ko gusto."

"Iparansom mo nalang kaya ako?"

"Hindi ko kailangan ng pera mo." padarag itong humila ng upuan at naupo sa harapan ko.

"I don't like you."

"Same here. But I love you. Deal with it." anito sabay walkout.

Napayuko ako. Hanggang kelan Kai? Hindi ka pa ba napapagod?

*later

"Maria, salamat sa pagtulong sakin ha, kung hindi siguro tayo nagkita baka naliligaw na ako ngayon."

Natanaw ko mula sa terrace ang pagdating ni Kai, may kasama itong babae na bumaba ng taxi. Siguro kasing edad din namin.

Ang kumag halos mapunit ang bibig sa lapad ng ngiti. Ang babaita naman kulang nalang maghubad sa harap ng malanding lalaki sa lapot ng tingin nito.

Lalong tumaas ang kilay ko ng marinig ko ang pag uusap nila.

"I'm willing to help anytime Kai." anang si Maria daw na pagkatamistamis ang pagkangiti.

"Lika pasok ka muna, magmeryenda ka muna." Kai.

Gusto ko silang batuhin ng hallowblocks. Damn!

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto sa kwarto ko bago ako bumaba. Narinig ko ang dalawang taong nag uusap sa kumedor. Hindi na ako dumeretso dun bagkus ay naupo nalang sa sofa sa sala at nagbasa sa nadampot kong magazine.

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon