NKP 5

889 54 19
                                    

"What just happen?" Nakatulalang tanong ni Sehun.

Nasa basement na kami ng Hotel nila. Sa fire exit daw sila dumadaan para hindi mapansin ng mga tao.

"Kalimutan nyo na yun." Balewala kong sagot.

"Ba't may dala kang ganyan?" Bothered na tanong ni Kai.

"Babae ako. Kailangang kong protektahan ang sarili ko. Don't worry I'm trained pagdating sa patalim."

"And do you expect us to trust you after what happen?" Kai

"Lintek, anung gusto mong gawin ko ang magpadumog dun sa mga fans nyo?! Sana sinabi mo agad para hindi ko na ginawa yon."

"May sinabi ba akong ganun? You just show them a knife for gods sake pano kung----"

"Ano?agnanakaw ako? Holdaper? Kidnaper? Ano pa? Mamatay tao? I just save your god damn ass you jerk tapos pagbibintangan mo pa ako?!"

"Hindi ko hiningi ang tulong mo!"

Namumula na ito sa galit. Lalong kumukulo ang dugo ko. Sh*t! Si Sehun nakatanga lang samin.

"Langya, ansama pala ng ugali mo eh, sing itim mo yang budhi mo." Bwelta ko sa kanya.

"At sing pangit mo yang ugali mo!"

"Gusto nyo bang dumugin ulit tayo ng mga fans dito?" Finally Sehun got his voice.

Pero syempre hindi ko sya pinansin, nakipagtitigan pa ako kay Kai na sing intense din ata yung galit sakin.

"Okay, kung ayaw nyong makinig mauna na ako sa kwarto, Bahban sumunod ka dun kailangang malaman ni manager to." Sehun.

"Uwi na ko Sehun, ako nalang ang tatawag kay Chris."

Akma akong aalis ng hilahin ako pabalik ni Sehun.

Problema ng lalaking to. "Wui, rainbow ang kulet mo, bitaw."

Umiling lang ito. Nakita kong kumilos si Kai at hinatak si Sehun.

"Halika na maknae, wag mong pansinin yan."

Umiling lang ulit si Sehun. Bali yung sitwasyon namin. Ako hatak ni Sehun, then si Sehun hatak ni Kai. Tug of war lang ang trip.

"Anoba Sehun, bukas nalang. Paalisin mo na ako at baka makapatay ako pag nagtagal ako dito." Dagger look kay Kai.

"Oo nga naman Maknae, wag kang didikit sa mga taong hindi mo masyadong kilala baka mapahamak ka lang." Tinapunan din ako ng masamang tingin ni Kai.

Nakakamatay na titigan ang sumunod nun.

"Anong nangyayari dito?"

Parehas kaming napalingon kay.....

"Chris!" Ako

"Manager!" Sehun and Kai.

"May away ba?" ani Chris na nagtatakang nakatingin sa amin.

Tsk.. wala man lang bumitiw kay Kai at Sehun. Hindi ba nila napansin na ang awkward ng sitwasyon namin.

"Bat kayo naghihilahan?"

Para namang natauhan ang dalawa at agad akong binitiwan.

"Chris, tong mga alaga mo kasi mga isip bata." ako

"Nagsalita ang bayolenteng babae."

Marahas kong nilingon si Kai at tinaasan ng kilay. Wala talaga syang pinipiling taong kaharap.

"Bayolente?" syempre magtataka si Chris.

"Wag mo nalang pansinin si Kai. Hinatid ko lang sila dumaan sila sa shop kanina para magpasalamat."

"Ganun ba. Pasensya kana Vanny, isip bata talaga ang mga to. Naiistorbo ka pa tuloy."

"Manager si Sehun lang ang isip bata." apila ni Kkamjong.

"Manager, hindi totoo yan. Kkamjong magkaedad tayo." apila naman ng may rainbow na buhok.

Natawa naman si Chris. at binigyan ako ng see-what-I-mean-look. Natawa nalang din ako at nagpaalam. Niyakap lang ako ni Sehun bago pinakawalan.

Isang nagbabantang tingin ang binigay ni Kai sakin. Tsk.. as if matatakot ako, sya kaya ang dayuhan dito.

Kinabukasan

6:45am

Home

*kriiiiiingggh...

*kringggggg...

Asar, ang agang istorbo. Pagkakaalam ko wala akong pasok ngayon. Tapos mamayang hapon pa ang pasok ko sa shop.

"Bahban! sagutin mo nga yang tumatawag naglalaba pa ako." Boses yun ni mama sigurado.

Tinatamad mang bumangon ay tumayo na din ako at hinanap ang nag iingay na cp ko.

Napamulat ako ng makita ko ang pangalan ni Ate Lian sa screen.

"Hello, Ate Lian?"

"Vanny! Thanks God sinagot mo. Asan ka ngayon?"

hmm.. may emergency ba?

"Nasa bahay po te, kagigising. Bakit? may problema po ba?"

Respectful naman talaga akong tao, lumalabas lang talaga ang sungay at pangil ko pag si Kai ang kaharap ko. Hai, ewan.

"Wala akong problema, pero si Chris meron." nag aalala na ang boses nito.

"Bakit te? May nangyari ba sa kanya?"

"Sa alaga nya meron. Yung si Xiumin kasi nakipag away sa isang bar kagabi, ayon na blotter sa police."

Patay. Hindi ko pa nakakausap personally si Xiumin pero ayon sa kwento ni Chris may binabalikan yung babae sa Pilipinas. Broken hearted kaya palaging umiinom. Iniintindi nalang daw nila. Pero ang ma blotter sa police, I think his gone too far.

"Nasa kulungan pa po ba sya? Gusto mo puntahan ko?"

"Nakalabas na sya. Ang problema nakaleak sa media na nandito ang EXO sa pilipinas kaya kailangan muna nilang magtago pansamantala, may limang araw pa bago dumating ang mga kasama nila. Kaya hindi sila pweding makita."

"Ah, di lumipat po muna sila ng hotel?"

"Hindi na pwedi ang hotel siguradong makikilala agad sila. Hindi din pwedi dito sa apartment ko. Hindi din daw pwedi kina Allen. Ikaw nalang ang malalapitan ko Bahn."

Dalawang palapag ang bahay namin, Seaman si Papa, kaya kami lang dalawa ni mama dito. Hindi din uso ang aircon dito samin, electricfan lang ang meron. Typical na Filipino abode. Nu ba yan, nahiya naman ako, vip ang titira sa simpleng bahay namin.

"Ah, ate, alam mo namang walang aircon dito sa bahay diba? At tsaka medyo malayo po to sa mga mall, baka mabagot sila. Baka hindi nila magustuhan dito."

"No Vanny, Ok na sa mga alaga ko yan." boses yun ni Manager Chris.

"Naka loudspeak ba tayo te?"

"Hi, Bahban." SIguradong boses ni Sehun yun.

Nice mapapasubo ata ako dito.

"Ah, Vanny nandito sila sa apartment, umalis na sila sa hotel nakaabang na ang mga paparazzi dun eh."

"Ganun ba te. Sige kakausapin ko si Mama. Ihahatid mo ba sila dito?"

Wala namang problema yan kay mama, siguradong magiging masaya yun at magkakabisita kami. Pero kaya ba ng powers ko ang tatlong yun. Aish.. alangan talaga ako. Baka mamatay mga yun dahil walang aircon tung bahay. Tapos dalawa lang ang cr dito. Baka hindi pa sila sanay sa ingay ng manok at baboy na alaga namin. Naku naman, anu ba tong pinasok ko.

"Vanny, ready na sila. Anytime na papuntahin mo sila ay pwedi na silang lumarga."

"Ah, sige po. Pakihatid nalang sila."

...end

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon