NKP 7

790 50 2
                                    

*Krrriiiing... Krrriinggg...

Napabangon ako bigla at kinapa ang cp sa tabi ko. Naramdaman ko ang magkilos ni mama kaya sinagot ko agad ang tawag without looking the screen.

"hello?" paos pa boses ko.

"Vanny, its me!"

Agad akong lumabas ng kwarto.

Si Brandon ang nasa kabilang linya. Siya minsan ang kabuddy ko pag may mga lakad ako.

"Brandon, wazzup? its 3:00am here in the philippines."

"I know you silly girl."anito sabay tawa. Tsk..

Malay ko ba at hindi nya alam ang time zone between pilipinas at UK. Expat tong si Brandon nasa midtweenties na anak mayaman, kaya pasarap lang sa buhay ang inaatupag. Hindi ako mapili sa kaibigan. Magkasundo kami kaya kami nagclick..

"Im in NAIA right now.. im planning to go to boracay this afternoon.. You ready for it?"

"I told you---"

"All expenses paid."

"No."

"Foget your damn pride, I need a company so would you be kind enough to----."

"Brandy, alam mong hindi pwedi."

Tama kayo, his gay. Nagtatagalog din yan. Laking pilipinas din.

"Baby bahn, sige na. please.. I dont want to go there, alone... I want to enjoy this vacation,."

"Enjoy it on your own."

"Mean."

Naiimagine kong nag p-pout na sya ngayon. Disguting.. Pormal naman tong si Brandon. Macho pa nga eh. Sabi nya confuse pa daw sya. Feeling teenager din eh.

"Pag iisipan ko. Istorbo ka alam mo."

"Sorry baby. See you later.  I love you. ta-ta!"

Napailing nalang ako at bumalik sa pagtulog.

*later

"iiwan mo na ba ako? Anong kasalanan ko para gawin mo to? *sob Masakit Bahn, dito. *turo sa dibdib.. Mahal kita.. *sobs.."

*sapak

"Anong drama yan?"

"Lintek naman Kai, bat kailangang manapak?"

Asar na sabi ni Sehun kay Kai.

"Anong kadramahan yan? Sabog ka ba?" Kai

Napakamot ng ulo si Sehun. Napailing nalang ako.

"Si Bahbahn kasi aalis." padarag itong umupo sa tabi ko.

Kasalukuyan kong pinapasok ang diving gear ko sa dadalhin kong bag. Yup, tutuloy akong Boracay. Naconfirm ko na din kay Brandon. Excited ako syempre.

Nakapag paalam na din ako kay Mama at Ate Lian.

"O ano ngayon kung aalis sya?"

"Mamimiss ko sya." nakapout nitong sagot.

Natawa ako. "Para kang bata, kung makapag react ka kala mo naman hindi na ako babalik. Three days lang ako dun, tsaka andito naman si Mama may aasikaso sa inyo dito."

"Tsk.. salamat at tatahimik din ang buhay ko." bulong ni Kai pero dinig na dinig ko. Nagkukunwari itong nagbabasa ng magazine.

" Bahbahn, sama nalang ako." anang si Sehun na hila hila pa ang manggas ng t-shirt ko. Isip bata talaga.

"Sehun.. alam mo ba.."

"Ano? Isasama mo ko?"

"Hindi." dinutdot ko ng hintuturo ko ang noo nya. "Para kang bat. Its very uncool, alam mo ba yon? Idol ka. Act like one."

Para naman itong nahimasmasan sa sinabi ko kaya napatuwid ito ng upo at tumikhim.

Napataas ang kilay ko.

"Gusto mo bang tularan ko si Kai?"

Napatingin samin si Kai.

"Hindi. I mean---"

"kay Xiumin hyung?" seryoso pa din ito.

"Hindi. Ang ibig kong sabihin, umarte ka nga ng naayon sa edad mo, talo mo pa ang 5 years old kung makapagtantrums eh."

Tumikhim ulit ito.

"No offense meant maknae pero sa tingin ko mas bagay sayo umakto kang--- ah.. ---alam mo na, yung binatang..--"

"Magugustohan mo ba ako pag nagkataon?" Sehun

"Yuckxx! Ang dadrama nyo." Kai sabay walk out.

"Hoi! kkamjong ang panget mo." Sehun

Anong konek? tsk...

Tinaasan ko ng kilay si Sehun ng humarap ito sakin. Ngumiti lang ito at nagpacute.

"Bahn, sige na pasama."

"Here, we go again." I rolled my eyes. "Hindi kayo papayagan."

"Akong bahala."

"Iitim ka dun. "

"Okay lang."

"hay.. bahala ka. Magpaalam ka kay Chris."

"Yehet!" Tumalon talon pa ito.

Tinawagan ko ulit si Brandon, sinabi kong baka may sabit ako sa escapade na to. Okay naman daw sa bading lalo na nung malaman nyang lalaki ang makakasama namin.

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon