NKP 26

670 35 0
                                    

Pagkatapos ng pag uusap namin sa parents ni Kai ay dumaan muna kami sa isang fast food para mag take out. Gutom na daw si kkamjong. Tsaka lang din ako nakaramdam ng gutom. Naipagpaalam na daw nya ako kay mama na ma lelate ng uwi.

"Wala bang masakit sayo?"

Nasa baywalk kmi, nakaupo sa hood ng kotse. Nakatunghay sa kalangitan.

"hindi pa naman. Pinainom ako ng painkiller kanina sa clinic, mamaya ko pa siguro mararamdaman ang sakit ng katawan ko pag nawala na ng epekto nito."

Napabuntonghininga sya. Kinabig nya ako palapit sa kanya at inakbayan.

"Bahn, sorry wala ako dun para ipagtanggol ka."

"Nu ka ba, kaya ko ang Sai Lim na yon noh. Para anu pa't amazona ang tawag mo sakin kung hindi ko naman kayang ipagtanggol ang sarili ko."

Ginulo nya ang buhok ko.

"Bilang asawa mo obligasyon kong protektahan ka."

Nagbunyi ang damdamin ko. In short kinilig ako. At napangiti. Syempre hindi ko pinakita sa kanya.

"Kelan mo kaya ako mamahalin?" marahas akong napatingin sa kanya.

Hindi ko pa ba nasabi sa kanya na mahal ko sya?

"Bakit?"

"hmm.. gusto ko kasi na pareho tayo ng nararamdaman. Ayoko ng pakiramdam na napipilitan ka lang o hanggang gusto lang ang kaya mong ibigay sakin. Alam ko halos mamatay kana sa inis sakin dati, sorry. Pero kasi yun lang ang paraan na alam ko para mapalapit sayo."

Naoverwhelm ako sa sinabi nya. So tama ang sapantaha ko dati, theirs more on Kim Jong In.

"Kai, hindi ako napipilitan lang. Kasi hindi ko ugaling magpapilit kung ayaw ko."

Sinalubong ko ang tingin nya, nasa harapan ko ngayon ang isang seryosong Kai at pakiramdam ko ako ang pinakamaswerteng babae kasi ako ang minahal nya.

Inabot ko ang pisngi nya at hinalikan ng mariin ang labi nya.

"Alam mo bang sa inis ko sayo nahulog ako sa patibong mo. Hindi ko alam kung kelan at kung saan, pero tumibok ang puso ko sayo Jong In. God knows kung gano ko pinigilan at Iniwasan, pero wala eh, kulay mo palang, naingganyo na ako, ilong mo palang, tumibok na ang puso ko," malutong ang pagtawa nito. Kinurot ko ag ilong nya " at yang tawa mo ano bang meron jan at nahulog ako lalo?"

Nilapit nya ang mukha nya sakin. "Ganun talaga ang mga gwapo." anitong hinalikhalikan ako. "Tataposin ko lang ang contract ko sa SMent at ikaw naman ang pagtutuunan ko ng pansin. Bahn, wag ka sanang bibitiw, theirs more. We're living in a different world alam ko na nag aalangan ka, pero sana tandaan mo kaya kong iwan kung ano ang meron man ako ngayon alang alang sayo."

"Kai, hindi mo kailangang gawin yan---"

"Psshh.. I'm willing to do it hindi dahil kailangan lang o hindi dahil obligasyon ko. Gagawin ko yon kasi ayokong mawala kung ano ang meron tayo ngayon. Eto na yon, I'm hundred and one percent that being with you is my Heaven and Happiness."

Kusang tumulo ang mga luha ko. I love Kai even more. Niyakap nya ako.

"Salamat Kai. I'll fight for us. Hanggang sa pumuti ang kulay mo."

Parehas na kaming natawa. Crying and laughing at the sametime. Parehas na ata kaming nababaliw.

"You love teasing the color of my skin." anitong mahigpit pa ding nakayakap sakin.

"Hindi lang kulay ng balat mo, idagdag mo pa yang pagkapango mo at yang kamanyakan mo. Pero minahal kita dahil jan sa mga flaws mo."

"Hey hindi ako manyak ha."

"Tell that to the marines. Kung hindi lang kita nabawi dun sa ka laplapan mo sa baybay nang boracay baka nagkalat ka na ng lahi dun. Hininga mo palang ata nakakabuntis na."

" Sobra na yan, walang sperm ang hininga ko ha. Tsk.. ikaw kasi ang slow. Ikaw niyaya mag nightswimming nag bibingibingihan pa."

"sira, kung sinabi mo agad na gusto mo ko di wala na sanang problema."

"Malay ko ba eh pakiramdam ko gusto mo din si Sehun."

"Nu ka, close lang kami."

"Close ba yung nagyayakapan?"

"Ui selos."

"Pshh.. Malapit ko na nga syang itakwil eh, buti nahuli kita sa banyo."

Namula ako. Naalala ko na naman ang kasal kuno namin. Dang!

"Namumula." natawa ito. "Buti nalang nauto ka ni Sehun na hanapin yong litrato ni Uminhyung sa kwarto ko."

"You knew!?" bulalas ko.

"Narinig ko ang lambingan nyo sa sala non. Tskk.. gusto ko na ngang manapak that time, nagpigil lang ako. Then it hit me, madaming nagmamahal sayo Bahn, at kung papalipasin ko pa ang isang araw baka tuluyan ka ng mawala sakin. Kaya nagpropose kaagad ako sayo non."

Kaya pala. "Pero bat kailangang nakaboxer lang?"

"Para deretso honeymoon. *batok. Aray Bahn, amazona mo talaga. Tatakotin sana kita in case na hindi ka pumayag na magpatali sakin."

"Kamanyakan mo talaga Kai, kahit sa anong sitwasyon nasasali mo."

"Sorry Mrs Kim. Ikaw lang talaga ang mamanyakin ko."

He kiss me on the forehead.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

"Sai Lim tigilan mo na to."

"I cant believe you Chris! Blinackmail mo si Papa para lang sa alaga mo?!"

"I told you, your nothing without your father. Gagawin ko ang lahat para pigilan ka, your crazy obsession to Kai is getting too far."

"Damn Shit Chris, hindi dito matatapos ang lahat. May alas pa ako. Mapapasakin si Kai. You can't stop me!"

"Tama na Sai Lim it's game over. Hawak ko na ang papa mo pati ang lahat ng meron kayo. One wrong move and you'll lose everything."

"How wicked Chris. Inungkat mo lahat ng baho ni Daddy para i manipulate sya, but It's not yet over, Nag uumpisa palang ako. An hour from now, abangan mo ang balita sa tv. Someone has to pay"

*click.. end

Naibagsak ni Chris ang telepono. Dang! Ano pa ang binabalak ng babae na yon. Hawak ko na ang Ama nya. Gaya ng pinangako ko kay Kai, gagawin ko ang lahat para hindi sila matulad sakin, matulad samin ni Lian na hindi pinalad na naipaglaban ang pagmamahalan namin.

Inabot ko ang cp ko at kinontak si Kai.

Unattended.

Tinawagan ko si Vanny.

Unattended.

Pakshit! Ano ang nangyari sa kanila.

Kinontak ko si Xiumin. Simula nang magkaproblema kay Sai Lim si Xiumin lang ang nakakaalam ng lahat. Sa kanya ko lang sinasabi since sya ang pinakamatanda sa grupo.

"manager?"

"Xiumin, we need to find them. May binabalak si Sai Lim."

"Hindi ko sila makontak manager kanina pa. Pupuntahan ko ang bahay nila Vanny ngayon."

"Sige, sana hindi pa huli ang lahat."

Mas lalo akong nagalala. Wag naman sanang masayang ang lahat.

30minutes later

"Flash report isang kotse ang nahulog sa isang bangin kaninang alas dyes ng gabi. Sakay nito ang kpop Idol na si Kai also known as........."

Bumagsak lahat ng pag asa ko. Nanghina ako sa narinig. Hindi to pweding mangyari.

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon