NKP 1

3.3K 73 35
                                    

"Nakatitig ka na naman sa kanya." Pukaw ni Ate Lian sakin.

Napatayo ako mula sa kinakaupuan ko. Sya ang branch manager sa pinagtatrabahohan kong tea Shop. Herbal tea products ang shop, may pastries din para sa gustong mag snacks. Mag aanim na buwan ako dito sa trabaho ko. Mabait sya, kaya magkasundo kami. Panggabi ang duty ko at sa araw naman nag aaral ako.

"Gwapo po kasi." Nahihiyang komento ko.

By the way I'm Vanny Lu. May ten percent lang sigurong banyagang dugo ang meron ako. Nag aaral ako fourth year college. May kaya ang pamilya ko, well counted na pamilya kung ako lang at si mama diba? Nagtataka kayo kung bakit may part time job ako? Para masuportahan ang bisyo ko. Bisyong medyo matino.

I'm a bagpacker. Hobby ko ang pumunta sa iba't ibang lugar. Sabi nga nila ako daw yong totoong si Dora lakwatsera. Average lang ang estado ng buhay ko at pang mayaman ang hobby ko, but still a hobby is a hobby kaya ginagawan ko ng paraan.

Last three months ago sa Siargao ako galing. Surfing, kiteboarding at kung anu ano pang water activities ang sinubukan ko. Nag enjoy ako ng sobra, kaya ngayon ang goal ko eh makapunta ng Boracay. Since medyo expensive daw ang pagpunta dun, estimate ko baka abutin ako ng six months bago makaipon.

"Wala ba si Allen?" yung isang kasama ko yong tintukoy nya.

Six pm to 12 midnight ang duty ko sa Tea shop at si Allen ang kasama ko during night shift.

"Bumili po ng meryenda jan sa kabilang shop."

"kyaaaaah!"

Napatingin ako sa mga high school girls na tumili. Siguradong mga fangirls na naman yan ni Kai.

"Walastik talaga yang boyfriend mo Vanny, walang paltos pagdating sa babae. Umaapaw ang charisma." komento ni Manager na tumabi sakin.

Napangiti ako. "Hindi ko po sya boyfriend. Ganun po talaga siguro pag malakas ang appeal mabenta."

Natawa ito at napailing.

"Ate, pwedi pakuha ng litrato?" anang isang highschool girl na lumapit sa counter. Sila usually ang customer namin dito.

"Sure." Agad akong lumabas ng counter. Wala namang problema sakin yong mga nakikiusap na maging taga kuha ako ng litrato nya. Nasanay na ako, yun na ata ang role ko sa buhay nya. Tsaka nakakaaliw makitang tuwang tuwa ang mga fangirls ni Kai sa kanya.

"Saan ang next destination natin?" tanong ni Ate Lian ng makabalik ako ng counter.

"Boracay po. Pero baka matagalan pa. Gusto nyo pong sumama?"

"Nah,. Hindi ako mahilig sa byahe. Mahina ang sikmura ko jan. Syanga pala sa isang araw pupunta ang isang kababata ko dito baka magkataong wala ako pwedi asikasuhin nyo ng mabuti ni Allen."

"Singkit po?" May lahing koreana yang si Ate Lian, kaya nga hindi nakakapagtaka na Tea ang business nya.

"Uo. Matagal na kaming hindi nagkikita non. Nung kelan lang kami nagkaron ng komunikasyon. May minamanage daw sya sa Korea ay ewan ang gulo ding kausap non eh."

" Ako na poh ang bahala."

Tumunog ang chime ng pinto kaya inasikaso ko na ang bagong pasok na mga customer.

Thursday night around 10:30 pm..

Isang hikbi ang naulingan ko. Ang isang mahinang paghikbi galing sa isang batang babae na nakaupo sa isang sulok ng Tea shop. Nakayukyok ito sa mesa. May 10 tables ang shop, tatlo lang ang ukopado. Isa na dun ang sa batang babae.

"Mukhang nawawala." narinig kong bulong ni Allen.

"Highschool na yan." ako.

"Baka brokenhearted." Anito tsaka humarap sa laptop na nakapatong sa counter. Siguradong mag e-fb na naman yan.

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon