NKP 22

695 33 0
                                    

Continuation...

Nakaupo ako sa couch.

at..

at..

si Kai?

Katabi ko. What's more?

Hawak nya ang kamay ko. Pano pagkasara ko ng pinto hinila nya agad ako paupo ng couch.

Hindi pa nabubuksan ang ilaw nyan ha. Alam na! pinaglihi talaga tong si Kai sa dilim. Kita naman sa kulay diba?

"Hindi ka ba nila hinahanap?"

"Nagpaalam ako."

"Talaga?"

"Kay uminhyung." tsaka ngumiti ito ng nakakaloko. "Wala ka ba talagang sasabihin sakin?"

Nilaro laro nito ang daliri ko. Gusto kong mapangiti pero hindi ko magawa.

Gusto kong ikwento ang tungkol samin ni Lay, pero alangan ako baka hindi nya ako tanggapin pag narinig na nya lahat.

"Kai?"

"O?" ayan na naman ang 'O-la-la' nya.

"May sasabihin ako."

Hinigpitan nya ang pagkahawak sa kamay ko.

Nagsimula na akong magkwento mula sa simula. Inabot ako ng isang buwan bago matapos.

Joke!

Hiningal ata ako sa haba ng kwento ko. Nonstop eh, kabado din kasi.Si Kai tahimik lang. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya. Siguro naturn off na yan. Nagbago na ang isip. Iiwan na ako. Hala,. divorce agad agad? wala pang honeymoon ah. Tungekx.. berde na cocobrain gumagana. Alert.

Nakatingin lang sya sa lamesita. Kinublit ko sya. Masydong tahimik eh, baka mahipan ng hangin.

"Kai?"

"Sandali Bahn,."

"Bakit? Okay ka lang?"

Tumingin ito sakin. Seryoso ang mga mata nito, kitang kita kahit ilaw lang galing sa poste ang nagbibigay liwanag sa buong sala.

"Bahn?"

"Bakit?"

"Buntisin nalang kaya kita para wala na akong kaagaw."

"*batok. Manyak!"

"Aray Bahn, ano ba!"

Hanu daw?! Pigilan nyo ako. Ogag ba sya. Anong akala nya kikiligin ako sa mga sinabi nya? Pwes nagkakamali sya.

"Bubuntisin mo ako? tapos ano uuwi ka ng korea? iiwan mo kami? Magpapakasal ka sa Sa Siraulo ka talaga."

"Bat ba ang brutal mo ha? Hoi Mrs Kim seryoso ako sa sinabi ko."

"Seryoso ka sa lagay na yan? out of nowhere, bigla bigla. Langya talaga Kai, nagpropose ka ng kasal sa loob ng banyo, madilim at nakaboxer ka lang. Nagpakabaliw na nga ako at pinakasalan ka kahit ako at ikaw lang ang pari, tapos bubuntisin mo pa ako. Don't tell me balak mo ding maghoneymoon dito sa couch kasi madilim? kampon ka ata ng kadiliman eh. *batok."

"Bahn naman. Uunderin mo ba ako kahit hindi pa tayo nagsasama? Sarap na sarap kang batokan ako ah. Wala pang honeymoon naglilihi kana."

"Ayusin mo kasi yang utak mo, daig pa ang nakahithit mag isip eh."

"Tskk.. uo na." Inakbayan nya ako. "Sorry na. Pwedi pa namang bumawi diba?"

"Ikaw Kai ha, namumuro kana. Siguradohin mong matino yang pambawi mo kung hindi dadagukan na talaga kita. Swear sa lakas ng impact ng dagok ko puputi pati singit mo."

"Daldal mo Mrs Kim." Niyakap nya ako.

Sininghot yung buhok ko.

Inamoy yung leeg ko.

Maadik ka sa scent ko Kai.

Pero napa igik ako ng makiliti ako sa hininga nya sa leeg ko.

Natawa ito.

"Ngayon alam ko na kung san ang kiliti mo."

"uo na, layo na Kai, masyado mo na akong nilalandi."

"Ikaw lang ang gusto kong landiin Bahn."

Ako na talaga!!!

"Kinikilig na ako kkamjong. Ayosin mo muna yung kay Sai Lim, nasa shop sya kanina."

"What? anong ginawa nya?"

Umisod ako ng konti. "Wala, nakita nya ang wedding ring. I know she knew. Panu nangyari yon?"

"Sa EXO yung simbol ng ring ginawa para sakin. I Own that ring, gumawa lang ako ng parang duplicate nyan. Ewan.. siguro na f-forseeko na mangyayari to."

Napataas ang kilay ko. Manghuhula na sya ngayon.

"Stop thinking Bahn, I'll take care of you. Rest."

Niyakap nya ako, it felt home.. Home in my home. Sinandal nya ako sa dibdib nya.

Ang bango nya. Ansarap mayakap ni kkamjong.

Then.. nag humm ito ng kanta..

That put me to sleep..

Kinaumagahan...

"Atehhhh!"

Anak ng butiki, ansakit sa tenga. Makasigaw din tong si Sadee kala mo si Sehun lang. Napatingin tuloy ang ibang customer samin.

"Kailangan talagang sumigaw?" sita ni Allen.

"Kailangan talagamg magsungit Allen? Nagmumukhang matanda kana o."

ij

"Whatever. Brat."

"Abat----"

"Bahn, bat kailangan mo pang sumama dun?" Allen.

"Nakapangako na ako kay Sadee eh."

"Hoy Allen sungit alam kong inggit ka lang kaya dinidiscourage mo si Ateh Bahn." agaw ni Sadee.

"Manahimik ka nga, ikaw ba ang kinakausap ko? Bahn, pwedi ka pang umatras. Hindi nila magugustohan tong gagawin mo."

"Sinong sila?"

Ano pa bang bago sa dalawang yan? Kung makapagbangayan parang ako lang at si Kai dati.

Ayiiii! speaking of Kai. Ayon, nagising ako nasa kama na, wala na sya sa tabi ko. Tumawag din ito, naggoodmorning. O di ba pasweet din paminsan minsan.

"Ateh, ready kana?!"pukaw ni Sadee sa lumilipad kong kaluluwa.

Tinignan ako ng masama ni al

"Lika na ng makita mo na yung mga idol mo."

Nagpaalam ako kay Allen na binigyan lang ako ng nagbabalang tingin.

Tskkk... wala namang masama sa gagawin ko. Tsaka bago pa naging 'kami' ni Kai nakapangako na ako kay Sadee.

Anong manyayari mamya? Ewan. Bahala na.

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon