NKP 8

842 44 3
                                    

"Bahn bat hindi mo sinabing ganto pala sila ka attractive, I should bring with me tons of self control. Konti nalang at mahahalikan ko na yang si Kai."

Bulong ni Brandon yan. Nakaakbay pa sya sakin ha. Gusto kong kuruting tong bading na to masyadong halata eh.

Kasama ko ang tatlong Idol. Panu ayaw pumayag ni Chris na si Sehun lang mag isa. Mahal naman ata nila tong Spoiled na to kaya sila pumayag.

Nasa cagban port na kami, at nakaupo sa waiting area nag aantay ng bangka.

"Ehhmm... excuse me." Nalingonan ko si Sehun.

"Bakit?" ako.

"Kailangan talagang nakaabay? " Anitong tinuro pa talaga pagkakaakbay ni Brandon sakin.

Agad namang tinanggal ng bading yong mga braso nya.

"Selos much Sehun?" Kai.

"Ayoko ng may kaagaw." Sehun.

"Tsk.. mag kakacush nalang nga sa panget pa."

Napanting mga tenga ko sa panlalait ng kumag sakin.

"Kai?" ako.

"Bakit?" Kai

"Mahal mo ba ang buhay mo?"

Nanggigil akong ngumiti sa kanya.

"Pakialam mo."

Thats it. Agad ko syang nilapitan at kinwelyohan. "Ayosin mo ang pagsagot, kung mahal mo pa ang buhay mo, baka hindi ako makapag timpi at matulak kita sa bangka mamya."

Nakita ko ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa mga labi nito. "Dont worry i'll make sure i'll gonna drag you with me."

Hindi na ako nakatiis. Piningot ko sya at napahiyaw naman ito.

"Ouch! may precious ears. Amazona ka bat mo ginawa yon?"

Bumalik ako sa upuan ko. "Serves you right."

"You'll pay for this!" Namumula na ito sa galit.

"wag pikon kai, maitim ka na nga, namumula ka pa. Nagmumukha ka ng sunog na litson."

Napabunghalit ng tawa si Sehun at Brandon at napangiti naman si Xiumin.

"Hoi---."

"Excuse ma'am, sir, okay lang poh kayo dito?" anang security guard.

"Guard! inaapi ako ng babaeng yan!" lumapit pa si kai sa security guard at tinuro ako.

I just rolled my eyes.

"Kai, para kang bata." Sehun.

"Totoo naman ah,. Hoi Sehun wag mo ngang kampihan yang babaeng yan. Nakita mo naman ang ginawa sakin diba?"

"Isip bata." ako

"palibhasa ikaw matanda na."

"Abat..."

"Guys awat na. Nahihilo na si manong guard." pumagitna na si Brandon. Salamat naman at naisipan nya ding maging referee.

"Ma'am sir excuse me.Eto na poh ang ticket at terminal fee, pwedi na poh kayong sumakay sa bangka." Anang coordinator ng Southwest kung san kami nagpabook.

Naunsyami tuloy ang panggagalaiti ni Kai.

*BORACAY, LA CARMELA DE BORACAY LOBBY

"Matagal pa ba?"

Nakasampung tanong na ata tong si Kai, ayaw makapaghintay pagod na daw at gusto ng magpahinga. Sino ba ang hindi pagod. Tsk.. ang kulet..

"Guys, okay na ang room, dalawang kwarto nalang ang available so bale kayong tatlo ang sa isang room ang Vanny and me will be on the other room."

"Ano?" nakita ko ang padarag na pagtayo ni Sehun. "bat magkasama kayo sa iisang kwarto? kayo na ba? mag asawa ba kayo? ha?"

OA talaga tong spoiled nato.

"'Sehun ano ka ba okay lang. Matagal na kaming buddies nitong si Brandon, nagkasama na kaming makatulog sa iisang tent kaya sanay na ko."

Namilog ang mata ni Sehun. Alam ko ang tinatakbo ng isip ng kumag na to pero hindi ko na pinansin at nauna nang sumunod sa staff ng hotel.

"Sehun pabayaan mo na ang Amazonang yan, jan sya masaya suportahan mo nalang."

Nasa pinto palang akong suite namin ni Brandon ay narinig ko ang sinabi ni Kai. Magkatabi kami ng suite kaya parehong nasa labas pa kami ng kwarto.

Kanina pa talaga ako na b-bwesit kay Kai.

Nilapitan ko sila, si Xiumin nasa loob na.

"Kai." ako.

Nilingon nya ako pero umirap agad.

"KAI!!!" tawag ko ulit.

"Ano ba anlakas ng boses mo magkaharap lang tayo diba?"

"EH ANG BINGI MO ALAM MO BA YON? BAT BA SA ARAW ARAW NG GINAWA NG DYOS LAGI MO NALANG AKONG BINUBWESIT? PANATA MO BA ANG ASARIN AKO? HA? PWES NAGTAGUPAY KANA. SO WILL YOU QUIT ALREADY!"

Hiningal pa ako pagkatapos nyan.

Nakita kong nakatakip na ng tenga si Sehun at namumula naman si Kai.

"LINTEK NAMAN BAT KAILANGANG SUMIGAW AT SA MUKHA KO PA!"

Nakasigaw na din si Kai..

Feeling ko tuloy pati ata demonyo sa katawan ko tumalsik sa lakas ng boses nito.

"KASI ANG BINGI MO!!! GAGO!!!!" ako.

Nakita ko ang pagsalubong ng kilay nito, at panlilisik ng mata.

"tinawag mo ba akong gago?"

"Uo, ba---"

"Kai, ano ba tama na." pumagitna si Sehun.

"Umalis ka jan." hinawi ni kai si Sehun kaya tumalsik ito.

Unti unti itong naglakad palapit sakin.

Unti unti din akong napaatras.

"Alam mo ba, yung ayoko sa lahat ay yung tinatawag akong gago---"

"Kai."hinila ni Sehun si Kai pero hindi ito nagpaawat at naglakad palapit sakin.

Hindi ako takot sa galit ni Kai, pero ewan umatras pa din ako.

Para naman itong nangangain ng tao habang nakatingin sakin.

*atras

*atras

*plank!

"Putek Kai BAT ANG LAMPA MO!!!"

"LINTEK WAG KANG SUMIGAW SA MUKHA KO."

"BAGAY LANG SAYO ANG PANGET MO!!!"

"ABAT---"

"ANO BA MANAHIMIK NA NGA KAYO!!"

That was the first time. Si Xiumin lang naman ang sumigaw. Opoh, Natisod si Kai at ang walang hiya dinamay pa talaga ako at hinila pa talaga ako para dalawa kaming matumba.

"Guys, subukan nyo kayang magpagulong gulong para kumpleto na talaga ang drama nyo." Brandon.

"Selos ako." Sehun.

"Mukhang kayo ata ang kailangang magsama sa isang kwarto a." Xiumin

"Hyung, marunong ka din palang manukso." Kai.

"Kai umalis ka sa pagkadagan sakin." ako

"May kasalanan ka pa sakin!"

"Mamaya mo na ako singilin. Lumayas ka sa harap ko. Nahihiya na ang atay ko sa ginagawa mo."

Padarag itong bumangon. "If i know kinikilig ka lang naman."

"Siraulo, kilig your face!"

Iniwan ko na sila at pumasok sa suite namin.

EXO:Natisod si Kai sa isang Pinay(UnEdited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon