KABANATA 1

81 3 0
                                    

"Peter piper pick a peck of pickled pepper, A peck of pick-".

"Hoy! Tama na yang kaka pekel pekel mo diyan Monica, magsaing ka na doon!" pagputol ng ina sa dalaga habang kasalukuyang nasa harap ng salamin.

Nagpa-praktis sya ng tongue twister. Naimbitahan kasi siya sa isang interview sa ina-applyan niyang call center sa Makati.

"Si nanay naman eh, panira ng diskarte. Mape-perfect ko na sana eh" reklamo ni Monica habang nakatitig padin sa salamin.

"Tigil-tigilan mo nga ko, bakit kasi hanggang ngayon ay hindi ka parin nadadala, ilang beses ka na bang nangarap pumasok sa call center na yan ha?" paninermon ni Puring sa kanyang anak na si Monica.

Nakailang interview na kasi sa call center ang dalaga ngunit lagi syang hindi natatanggap. Maswerte na ang anak kapag nakaka-abot ito ng final interview, ngunit kadalasan ay initial interview pa lang ay bumabagsak na sya

"Naku nay, kahit wala kang tiwala sa akin, balang araw makakapagtrabaho din ako sa call center. I will make you proud" sagot ni Monica sa ina sabay kindat dito.

"Tse! Oh sya bahala ka, tignan natin. Mamaya uuwi ka na namang luhaan" Pangangantyaw ng ina sabay malakas na pagtawa.

"Hmmp..si Inay talaga, makikita mo nay. Pag-uwi ko bukas sisiguraduhin ko maha-hire ako sa Creative Contact Center" pagyayabang ng dalaga sa ina.

"Naku Monica, narinig ko na iyan ng maraming beses. Magsaing ka na dun" natatawang wika ni Puring.

"Okay ma'm, I will go to the kitchen and cook the rice" masiglang sagot ni Monica sabay pakembot kembot na naglakad papuntang kusina. Natatawang iiling iling na lamang si Puring habang nakatingin sa anak.

Nag-iisang anak lamang si Monica. 21 taong gulang na siya. Silang dalawa lamang ng kanyang ina ang magkasama. Hindi niya nakilala ang kanyang ama. Ang kwento sa kanya ay nabuntis lamang ang kanyang ina noong nagta-trabaho ito sa Hong Kong bilang isang Domestic Helper.

Amerikano daw ang kanyang ama, kaya naman hindi ito maipag-kakaila sa kanyang hitsura. Maputi sya, makinis ang balat at matangos ang ilong, may pagka-bobita nga lang ng kaunti. Nakatapos naman sya ng 2 year course sa STC Novaliches. Iyon nga lang ay hindi niya talaga hilig ang pag-aaral. Mahina ito sa English, kaya naman hirap siyang makahanap ng trabaho, lagi siyang bumabagsak sa interview. Mabuti na lamang at may hanap buhay ang kanyang ina. Mayroon silang maliit na salon. Nanggugupit ang kanyang ina at siya naman ay taga-pedicure at manicure.

Sa Novaliches na lumaki si Monica. Lumaki sya na walang kakilalang ibang kamag anak kundi tanging ang kanyang ina lamang. Kaya naman parang magbarkada lang ang turingan nila sa isa't isa.

"Kaloka si Bes, walang tiwala sa akin" wika ni Monica sa sarili habang naghuhugas ng bigas. Tinutukoy niya ang kanyang ina. Ngunit alam niya sa sarili niya na may katotohanan ang pang-aasar ng kanyang ina. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na syang na-reject ng mga call center companies na inapplyan niya. Balita kasi ay malaki ang sahod sa ganoong trabaho, kaya naman hindi siya nawawalan ng pag-asa na balang araw ay makakapagtrabaho rin sya bilang isang call center agent.

"Monica! May papa-manicure bilisan mo" pagtawag ng kanyang ina. "Teka lang Nay, isasalang ko lang yung sinaing" sagot niya. "Kaloka talaga si mother earth, dinaig pa ang Diyos sa dami ng utos" anito sa isip.

Talent ni Monica ang pag-gawa ng mga nail arts. Wala naman siyang pormal na training pero kusa nya itong natutunan. Hilig kasi niya ang pag-drawing. "Anong design po Tyang Lucy?" tanong nya sa kanyang customer. "May bago ka bang design diyan?" tanong ng ali. "Naku, marami po. Pili kayo oh" wika ni Monica sabay abot ng brochure.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon