KABANATA 33

12 2 0
                                    

Sobrang pagtataka ang nararamdaman ni Sim ngayon. Monica didn't contact him  since yesterday. Worst is, until now he is not able to contact Monica. Naka off ang cellphone nito and seems like deactivated and social media. Gusto niyang mag-alala pero inisip niya na there is no reason para hindi siya icontact ng dalaga. Maayos sila nung huling pag-uusap nila. "Baka nagpapahinga" aniya sa isip dahil nga ang sabi ni Monica ay masama ang pakiramdam niya.

Samantala..

Monica tried to go to work today. Laking pasasalamat nya dahil wala si Kaye kanina pagpasok niya. Iyon talaga ang hiling niya. Ang iwasang magkita sila. She also tries to focus sa kanyang trabaho. Kahit napakahirap ay pinilit niyang mag-act normal. Pinapasahod parin sya ng kumpanya kaya kailangan gawin niya ng maayos ang trabaho niya, besides it has nothing to do with her personal issues. Nagpalit rin sya ng kanyang mobile number and deactivated her social media accounts para hindi na sya makontak ni Sim. Masakit para sa kanya ang iwasan ang binata pero kailangan niyang gawin iyon.

Kinahapunan..

Busy si Monica sa paggawa ng kanyang reports nang biglang dumating si Kaye. Katatapos lamang ng training nito dahil 8am to 2pm ang schedule ng nasabing trainer.

"Hi Kaye, you look so happy today" pagpuna ng co-trainer nilang si Isabel.

"Yes I am. I really am" Nakangiting sagot naman ni Kaye.

"Of course she is happy. Something great happened yesterday. Right Kaye?" Sabad naman ng isa pa nilang co trainer na si Niña - ang bff ni Kaye sa trabaho.

"Yes. I'm the happiest woman right now. Everything falls into places. All the things I've been wishing for are already happening." Masayang wika ulit ni Kaye.

"I'm so proud of you my dear. You deserve everything that's happening with you right now." wika ulit ni Niña.

Hindi maiwasang marinig ni Monica ang pag-uusap na iyon ng kanyang mga co trainers. Alam nya sa sarili niya kung ano ang tinutukoy ng dalawang nag uusap sa likuran niya. "So nagkabalikan na nga sila" kumento niya sa isip. Parang kinukurot ang puso niya. Nasasaktan sya. Hindi niya matagalan na mapakinggan ang pag-uusap na iyon kaya minabuti niyang lumabas muna. Hindi naman maiwasang hindi sya mapansin ni Kaye.

"Hi Monica" bati sa kanya ni Kaye.

Naiilang man ay kailangan nyang mag act normal. Besides, hindi sya dapat magalit sa katrabaho. "Hello" maikli niyang tugon.

Agad syang lumabas ng trainer's office. Kailangan nya ng sariwang hangin. Umupo sya sa bench na nasa hallway. "Hindi ko kaya" aniya sa isip. Kapag iniisip niya na forever syang makikisama sa babaeng mahal ng taong mahal niya, parang unti unti niya lang papatayin ang sarili niya. Hindi naman sya galit kay Kaye, hindi lang talaga niya kaya. Marahil nga, nagseselos sya. Napapikit sya. She already made a decision. Magrere-sign na sya sa trabaho.

...

"Beshy, sure ka na ba talaga dyan?" Malungkot na tanong ng kaibigang si Verna nang mabanggit ni Monica na magreresign na sya sa trabaho.

"Oo beshy. Hindi ko talaga kaya. Sinubukan ko naman eh, kaso ang sakit. Sa tuwing makikita ko si Ms. Kaye, or kahit marining man lang ang boses niya, nasasaktan ako. Kasi alam ko sa sarili ko na sya ang mahal ng taong mahal ko" naluluha niyang sabi. "Alam ko naman wala syang kasalanan kasi wala syang alam sa namagitan sa amin ni Sim. At wala rin akong karapatang magselos kasi nga, wala naman talaga kaming relasyon." dagdag niya kahit alam niya ss sarili niya na nagseselos naman talaga sya.

Naintindihan naman sya ng kaibigan. Ramdam rin kasi ni Verna na nahihirapan sya. Kaya kahit malungkot ay hindi na niya pinigilan ang dalaga.

"Sige, kung iyan ang makakatulong sayo para maging ok ka. I will support you beshy." mahinang sabi ng kaibigan sabay yakap sa kanya.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon