KABANATA 13

16 1 0
                                    

Days have gone fast. Araw na ng sahod. Excited si Monica na matapos ang araw na ito lalo na ito ang araw na matitikman nya ang kauna unahang sahod niya. Of course, excited na syang iabot ang parte ng sahod niya sa kanyang ina.

Sumapit na rin ang monthly one on one coaching ng kanilang team. Sim is so conscious on how he will act sa coaching nila ni Monica. Kelangan niyang pigilan ang sarili sa ano mang distractions upang hindi maging awkward ang kanilang one on one coaching.

"Monica, Aux 2 please" utos ni Sim sa dalaga. Pull out sya for coaching. Hindi na naman alam ni Monica kung matutuwa or kakabahan.

Dali dali siyang tumayo at tumungo sa coaching room.

Pagpasok nya ay naramdaman agad niya ang awkwardness. Dalawa lang sila ni Sim sa room na iyon, they will have coaching one on one.

"Have a sit" utos ni Sim sa kanya.

Isang round table iyon, naupo sya sa upuan sa tapat ng kanyang TL. Naiimagine niya tuloy na para silang nagdi-date dahil sa pwesto nilang iyon. "Focus Niks" pagsaway niya sa sarili.

"Don't be nervous, I won't bite you" nakangiting wika ni Sim.

Kinilig na naman sya. Ito ang first time na ngumiti sa kanya ang gwapo niyang TL. "Nabasa mo na naman ang nasa isip ko. Sana ganyan ka na lang lagi kabait" wika niya sa isip.

Ngumiti rin siya. Pero hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Di parin sya maka-move on sa ngiting yun.

"You've been doing good Monica. You are a newbie but your matrices are good, especially on your sales. You should watch out on your AHT though." Wika ni Sim.

"I will work on it TL" sagot niya.

Bumuntong hininga si Sim. Hindi nya mapigilan ang sarili. "I'm sorry for the past weeks that i've been so hard on you. I just wanted you to really work hard on your matrices, especially you are a newbie" sabi ni Sim sa kanya.

"Omg! Totoo ba to?" Tanong ni Monica sa isip. Hindi sya makapaniwala na nagso-sorry si Sim sa kanya. Hiling nya sana ay lagi  na lang ganyan kabait ang TL niya.

Ngumiti sya ng pagkatamis tamis. "It's ok TL, I understand that your team is one of the best performer and you want to keep it that way" sagot niya.

"Thank you for understanding. Is there anything you want to ask? Anything you're having a hard time with so I can help you with it?" Tanong ni Sim.

"May jowa ka na ba?" Malisyosang saad niya sa isip. Natawa sya sa sarili.

"For now I don't have any questions TL" mahina niyang sagot.

"Ok then, please sign this form and you can go back" utos ni Sim sa kanya.

Hindi sinasadyang magkasabay nilang dinampot ang ballpen na nakapatong sa mesa kaya naman nahawakan nila ang kamay ng isa't isa. Agad naman nyang binawi ang kamay nya at nag sorry sya.

As usual, patay malisya na na naman si Sim. He acted like nothing happened pero sa totoo lang, he felt that unexplainable feeling once again, gaya ng naramdaman nya nung nagkabangaan sila.

"Here's the pen"  sabi ni Sim sa kanya.

Agad niyang pinermahan ang coaching form at nagpaalam na sa kanyang TL.

"Ang lambot ng mga kamay nya" wika ni Monica habang nagti-take ng calls. Di niya maiwasang isipin ng paulit ulit ang pangyayaring iyon kanina. Higit sa lahat ay talagang nagbago na ang TL nya. Hindi na siya sinusungitan nito.

After their shift ay naghuddle ulit ang kanilang team pero ang senior agent nilang si Neil ang namuno sa huddle na iyon. Gaya ng napag usapan nila noon ay lalabas sila after their shift dahil pumasok na ang sahod nila sa kanilang bank account na prinovide ng kanilang kumpanya and it's their off tomorrow.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon