KABANATA 4

28 2 0
                                    

Tuluyan nang naging close sina Monica at Verna. Sila lagi ang magkasama sa buong panahon ng training. Labis siyang natutuwa dahil napapansin niya mismo sa sarili niya ang pag-improve niya sa pagsasalita ng Ingles.

Nagpursige naman kasi talaga siya. Ngunit malapit nang matapos ang training niya pero hindi parin niya nakikita si Mr. Pogi. Gayun man, hindi siya nawalan ng pag-asa na makapasok sa kumpanyang iyon.

Bukas na ang last day ng kanilang training. Meron silang Final Test na kailangang ipasa. Nakadepende daw sa kinalabasan ng pagsusulit na iyon kung irerefer sila sa HR for interview kaya naman medyo kinakabahan siya.

“Why should I hire you?” tanong ni Verna sa kanya.

“You should hire me because I am a fast learner and competitive. I always work with compassion and cheerful attitude.” Sagot ni Monica.

Tumili ang dalawa sabay apir.

“Ang galing galing mo na! I’m so proud of you” masayang bati ni Verna sa kanya.

“Sana nga magtuloy tuloy na to. Hindi ako makapaniwala, nakakapagsalita ako ng ganoon” tugon niya sa kaibigan. Natigilan naman silang dalawa nang pumasok na ang trainer nilang si Isabel.

“Guys, I have an announcement. There is an advise coming from the HR.” panimula ng trainer.

“Don’t worry guys, it’s a good news actually” nakangiting sabi ni Isabel nang mapagtantong tahimik lahat ang kanyang mga trainees. Nagpatuloy siya sa kanyang sinasabi…

“Maybe you guys are not aware, but, a lot of agents were resigning now a days. Some were terminated because of fraudulent activities. But most of them resigned due to various reasons. As a result, service levels went down so badly. We need more people on the floor to take calls. So HR/management has decided to hire you all guys. You will no longer have to go through an interview. However, you have to pass the final test. Whoever passes, will proceed to the product training immediately. Your Language training will be paid as well.” Sunod sunod na wika ng trainer.

Nagsigawan lahat ang mga trainees dahil natuwa sila sa ibinalita ni Isabel. “Ano daw?” pabulong na tanong niya kay Verna.

“Haven’t you heard it? Hired na daw tayo. Di na natin kailangan magpa-interview. Pag naipasa natin tong final test, deretso na daw sa product training.” Pagpapaliwanag niya kay Monica.

Naintindihan naman niya ang sinabi ng trainer ngunit gusto lamang niyang makasiguro na tama ang pagkakaintindi niya.

“Kaloka bes, I’m so excited to tell my mother” masayang saad ni Monica sa kaibigan. Hindi siya makapaniwala na nag-short cut ang pagkakapasok niya sa kumpanya.

.....

“Weeeh, di nga” kumento ni Puring sa ibinalita ng kanyang anak.

“Si nanay talaga, walang tiwala sa akin khit kelan..hmpp” pagmamaktol ni Monica sabay irap sa ina.

Tumawa naman ng malakas si Puring. “Binibiro lang kita, kaw naman” anito sa anak.

“Galingan mo bukas. Nakasalalay lahat yun sa final test mo” patuloy ng ina.

“Of course nay, I will do my best to pass the test” pagyayabang ng dalaga.

“Aba, nag-improve na nga yang pag-ingles mo ano. Madali ka naman palang matuto eh” wika ni Puring.

Maging siya ay nagtataka rin sa kanyang sarili. “Malaki ang naitulong ni Mr. Pogi” saad niya sa isip sabay hawak sa kanyang magkabilang pisngi.

Aminado naman siya na tamad talaga siyang mag-aral noon. Hindi niya sineryoso ang pag-aaral kaya naman 2 years lang ang kinuha niyang kurso.

“Madali naman palang matutunan ang english kung talagang gugustuhin mo” kumento niya.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon