KABANATA 10

14 1 0
                                    

"Seriously he did that?" Tanong ni Kevin kay Monica habang magkatabi sila sa bus pauwi.

"Oo, nagulat nga rin ako pero kasalanan ko rin naman" sagot ng dalaga. Aminado naman sya na kasalanan talaga nya iyon, hindi lang niya sukat akalain na ganun pala talaga ka strict ang crush niyang TL.

"Ngayon alam ko na kung bakit ganoon ang reaksyon ng agent ni TL Myla nung sinabi kong sya ang magiging TL ko at kung bakit ganun ang sinabi kanina ni Mamu." malungkot na pagpapatuloy niya.

"Huwag mo sanang isipin na kinakampihan ko si TL, Niks. Pero I assure you, mabait siya. I've been working with him for 2 years now and alam naming mga ahente nya kung gaano sya kabait. Strikto lang talaga yun. And besides, ngayon lang sya nagkaroon ng agent na babaeng kaseng bata mo." saad ni Kevin.

Hindi na muling sumagot pa si Monica sa kausap. Ayaw niyang makipagtalo rito.

" Kung talagang mabait sya bakit ganun sya sakin?" Tanong niya sa isip. Oo nga, narealize nya na puro nga pala lalaki ang ahente ni Sim maliban kay Mamu na 42 years old na. "Allergic ba sya sa mga babae?" Di maiwasang tanong nya ulit sa isip.

Samantala..

Sim was so guilty sa trinato niya kay Monica but he doesn't have a choice. Kelangan nyang gawin iyon para hindi mamihasa ang kanyang ahente. Though he didn't actually filed the disciplinary action that he issued to Monica. Ginawa lamang niya iyon para matuto ang ahente.

"Why this girl is so appealing to me? Damn you Gary on letting this girl join my team" wika ni Sim sa sarili habang nakahiga sya sa kanyang kama.

The next day.. 

Desidido si Monica na mas pagbubutihin pa nyang muli ngayon. Bad shot sya kay crush kahapon kaya kelangan nyang bumawi ngayon.

Gaya ng napag usapan nila ni Kevin ay sabay silang papasok nito. Laking pasasalamat din ng kanyang ina nang sinabi niya na may makakasabay na sya pagpasok.

"Auto in guys" utos ni Sim sa kanyang mga ahente pagsapit ng 6pm.

Nag eenjoy na si Monica sa pagtake ng calls. Despite what happened yesterday, still she opted to be positive. Matagal nya itong pinangarap kaya naman kailangan nyang pagbutihin ang kanyang trabaho.

Panay ang tingin ni Monica sa oras. Excited na syang mag-lunch. "Last call na to at finally lunch na" wika niya sa isip.

"Connect me to your supervisor, now!" Pasigaw na sambit ng customer sa kabilang linya. "Ang ganda ng timing kung kelan magla-lunch na ako" reklamo niya sa isip.

She tried to deescalate the call pero hindi umubra ang charm nya this time.

10 minutes after her supposed lunch time na ang nakakalipas at hindi parin pumapayag ang kausap ni Monica na ibaba ang telepono. Nagpupumilit parin ito na gustong makausap ang supervisor niya.

Walang kaalam alam si Monica na pinapakinggan pala sya ni TL Sim from his work station.

"She's undeniably good in deescalating calls, it's just the customer is insistent." saad ni Sim sa isip. Hindi naman niya masisisi ang ahente dahil sadyang aggressive talaga ang customer na kausap ng dalaga.

Naawa naman si Sim kay Monica dahil mauubos na ang oras ng lunch nito ay hindi pa sya nakakakain kaya nagpasya syang puntahan na ang dalaga.

"Put the call on hold" utos ni Sim kay Monica. Seryoso parin ang mukha ng binata.

Nagulat naman si Monica nang marinig ang boses ng kanyang TL sa kanyang likuran.

"Can I put the call on hold?" Pagpapaalam niya sa kausap.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon