KABANATA 8

17 2 0
                                    

Kay bilis lumipas ng off ni Monica. Hindi niya alam kung maeexcite ba sya or kakabahan. Kung dati ay naging mailap ang pagkakataon para magtagpo ang landas nila ni Sim, ngayon naman ay binuhos ng tadhana ang pagkakataon dahil hindi lang basta basta magku-cross ang landas nila but they will work together everyday. He will be her boss and she doesn't know how she'll handle her feelings towards him. Alam nyang strange feeling ito. Ito kasi ang unang beses na maattract sya sa isang tao ng ganito knowing na ilang beses palang nya itong nakikita.

"Nay alis na po ako para hindi ako maabutan ng traffic" pamamaalam niya sa ina habang itinatali ang kordon ng kanyang sapatos.

"Mag iingat ka nak pag uwi mo ha. Masyado pang maaga yung 3am para magbyahe" pag-aalala ulit ng ina.

"Nay, wag ka mag alala, hindi lang naman ako ang may shift ng gantong oras kaya sigurado ako marami akong makakasabay, wag ka na mag-worry." sagot naman ng dalaga.

"Oh siya lakad na at nang maaga kang makarating doon. Magtext ka pagkadating at pag pauwi ka na ha" habilin nito sa anak.

"Sure Nay, babushing!" Anito sa ina sabay halik dito. "Asim" pagbibiro pa niya sa ina matapos itong ibeso.

"Ay leche inasar mo pa talaga akong bata ka" wika ng ina sabay taas sa mga braso nito upang amuyin ang sarili.

Tumatawang lumabas ng pintuan si Monica. "don't forget, maglock ng pinto Nay" pahabol niya sabay tuluyan nang umalis.

Sa office...

5pm pa lang ay nasa office na si Monica. Pagkatapos ilagay ang mga gamit sa locker room ay agad syang dumiretso ng pantry upang kumuha ng kape. Inantok kasi sya nung unang araw nila at ayaw nyang mangyari iyon ngayon lalo pa't magti-take na sya ng calls.

"2 cups of coffee tignan ko lang kung antukin pa ako nito" wika niya sa isip habang iniinom ang pangalawang tasa ng kape. Nagulat naman sya nang biglang may lumapit sa mesang kinauupuan nya.

"Hello, can i sit?" Nakangiting pagbati ng isang lalaki sa kanya. Isang lalaki ang nakita niya na nakangiti sa kanya. Wari nya ay kasing edad nya lang ito. Naka ponytail ang tuktok ng buhok nito, naka-braces.

"Sure" sagot ni Monica sabay ngiti.

"Thank you. From which team are you? I think it's the first time I see you here" tanong ng lalaki sa kanya sabay upo sa tabi nito.

" It's my first day today, I'll be joining team Sim." Sagot naman ng dalaga.

" Really?! Wow, I'm from team Sim as well. I'm Kevin and you are?" Pakilala ng binata sa kanya.

"Monica." Nakangiting sagot niya. "Nice to meet you. Luckily I get to know my teammate here before entering the floor" saad niya. " Wow ang sosyal ko na talaga mag english" wika niya sa isip.

"Nice meeting you too Monica. Welcome to our team" saad ni Kevin sa dalaga. "You can actually drink coffee inside" dagdag niya sabay tingin sa cup na hawak ng dalaga.

" Really? I thought only headset is allowed inside?" tanong ni Monica.

Tumawa ng bahagya si Kevin. " No, you can take water or any drink with you. You will be taking calls so of course you'll feel thirsty. " Pag-explain ni Kevin sa kanya.

Buti na lang may dala syang water mug. Tama nga naman, hindi malabong mauhaw ang mga ito dahil sa walang tigil na pagsasalita.

"It's 5:30, come on let's go to our station" pag-aaya ni Kevin kay Monica. Sumunod naman ang dalaga. "This is it" wika ni Monica sa isip sabay buntong hininga.

Samantala..

"You know the deal Gary, either you'll give me a male agent or a female over 35 years old right?!" Reklamo ni Sim sa matalik na kaibigang si Gary na operations manager sa kumpanya. They are more on brothers relationship than boss-staff relationship. Palibhasa ay ninong ni Sim ang mga magulang ni Gary and their families are really close.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon