KABANATA 37

13 2 0
                                    

Though Sim expected that Monica could be possibly in Cagayan, still he's surprised sa sinabi ni Verna. Bakit biglaan naman yata ang pag alis ng dalaga at di man ito nagpaalam sa kanya.

"I don't know what is happening. Maayos pa kaming magkausap when I returned from leave. After that, hindi na sya nagparamdam" mahinang sagot ni Sim.

"Ako rin po naguguluhan bakit hinahabol nyo pa ang kaibigan ko. Sa pagkakaalam ko hindi nyo po sya napanindigan. Pinaramdam nyo sa kanya na mahal nyo sya pero iniwan nyo lang sa ere." Panunumbat ni Verna.

"Hindi ko sya iniwan sa ere. Alam ko malaki ang kasalanan ko kasi hindi ko pa sya kayang panindigan noon. But I love her eversince. Alam ko napakalaki kong duwag at gago para gawin ko yun sa kanya pero trust me Verna. I love her and I can't afford to lose her. Please tulungan mo ako to bring her back to me. "Paki-usap ni Sim.

"Paano si Ms. Kaye? Pasensya na po alam ko wala akong karapatang magtanong sa inyo at hindi nyo rin obligasyon na mag-explain sa akin pero kailangan ko pong malaman dahil katahimikan ng kaibigan ko ang nakasalalay dito. Labis po syang nasaktan, ginive up niya ang lahat kahit ang pinangarap niyang trabaho even labag yun sa kalooban niya. Dahil yun sa inyo. Minahal po kayo ng kaibigan ko, pero sobra nyo syang sinaktan" panunumbat ni Verna.

"Kaye? Anong kinalaman ni Kaye dito?" Nagtatakang tanong ng binata.

Bumuntong hininga si Verna."Sorry beshy, gusto ko rin maging masaya ka kaya ikukwento ko na" aniya sa isip. Nagpasyang ikwento ni Verna ang lahat kay Sim.

"Hindi ko pa alam noon ang tungkol sa inyo. Nagsabi lang sya sa akin nitong huli na. Naalala ko that day, noong off niya sabi niya supposed to be magkikita kayo pero sabi mo raw may aasikasuhin ka. So out of boredom, nag-aya syang mag-mall. Pumasyal kami sa Glorietta. And nagulat kami kasi nakita namin kayong nagdi-date ni Ms. Kaye. Holding hands pa nga kayo noon eh. Nakita lahat ng kaibigan ko yun. Sobra syang nasaktan. Kasi while you are having an affair to her, eh nagdi-date naman pala kayo ng ex mo." Mahabang salaysay ni Verna.

Nagulat naman si Sim. Di niya akalain nakita pala sila ni Kaye while talking at the restaurant. "What a coincidence" wika niya sa sarili.

"Teka wait, it's not what you think guys. So it means Monica left because of wrong assumptions?" Dismayadong tanong ni Sim.

"Eh ano ba kasi ang totoo? Wala naman talaga syang balak umalis nun. Nakumbinse ko sya na wag mag resign pero nung pumasok sya kinabukasan, narinig niya daw ang pag uusap ni Ms. Kaye at ng ibang trainers doon na they are happy for her na ang tinutukoy ay yung pagkikita niyo raw" saad ng ahente.

"Verna, let me explain this to you total ikaw lang ang way ko para makausap si Monica. When my parents came here for vacation, I opened up with them regarding Monica and they advised me na magtapat na nga sa totoong nararamdaman ko sa kanya. But before that, I know I have to settle some things in the past. Marahil na open up rin ni Monica sayo iyon. Yung pag-uusap namin ni Kaye na nakita nyo, it's not what you think. Nagkapatawaran kami ni Kaye. I did that for me to free myself. Para tuluyan na akong makapagtapat kay Monica. In fact, you might not be aware but Kaye already left the country. Nasa Canada na sya. He already resigned. If girlfriend ko sya tingin mo ba papayagan ko syang umalis? " Mahabang saad ni Sim.

Natahimik si Verna."OMG beshy, palpak na naman tayo" aniya sa isip. Hindi niya alam ang sasabihin, nahihiya sya kay Sim.

Nagpatuloy naman ang binata. "Verna please, tulungan mo akong makausap si Monica, na makita sya. Mahal na mahal ko ang kaibigan mo. Kailangan niyang malaman ang totoo." Pagmamakaawa ng binata.

Naantig ang puso ni Verna at nakaramdam sya ng kaunting pag asa na baka sakali maisalba pa ang kung anong meron sina Sim at kaibigang si Monica. She decided to help Sim. Of course gusto rin niyang maging masaya ang kaibigan niya. Pero may isang bagay pa syang hindi sinasabi kay Sim. Ang pagbubuntis ni Monica. Wala syang balak sabihin kay Sim iyon una dahil ayaw niyang pangunahan ang kaibigan. Alam niyang wala sya sa posisyon para magsabi sa binata. Pangalawa, ayaw niya na baka lamang magpursige si Sim na hanapin si Monica ay dahil sa pinagbubuntis nito.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon