KABANATA 17

10 1 0
                                    

"Shit!" Wika ni Sim habang naliligo. He really hates himself right now. Kung bakit ba kasi hindi niya napigilan ang kanyang sarili kanina. Now he is convinced that he is really attracted with Monica. He can't resist her but at the same time he knows na hindi pa sya handa for a new commitment. Pero ayaw niyang nakikitang may kasamang iba si Monica. Gaya na lang kanina, ayaw niyang nakikitang malapit si Kevin sa dalaga. He wanted to protect her, he has this feeling na gusto niyang sya dapat ang katabi ni Monica sa pool kanina. Ano nang gagawin niya?

Sa kabilang banda, Monica can't sleep. Naiisip parin niya yung nangyari kanina. "Ganun pala ang pakiramdam ng kiss" sabi niya sa isip. She wanted that, she liked that. Ngunit bigla syang napasimangot nang maalala niya ang reaksyon ni Sim kanina right after their kiss. Hinalikan sya ni Sim pero ang binata din ang unang kumalas. Naguguluhan sya sa inaakto ng binata. Sometimes feeling niya gusto rin sya ni Sim, pero sometimes feeling niya nilalayo ni Sim ang sarili niya sa kanya. "Here you go again, Mr. Unpredictable" aniya ulit sa isip.

Kinabukasan, lahat ay tinanghali ng gising. 10am na nang magising si Monica. Nakaramdam sya ng sakit ng ulo.

"Good morning! Hangover pa more." Pangangantyaw ni Kath na halos kagigising lang din.

Natawa naman si Monica. "Parang mas lasing ka pa nga sakin kagabi eh. Dapat mas grabe ang hangover mo sa akin." sagot niya sa katrabaho.

"Oo mas lasing ako, pero mas naka-score ka kagabi hahaha" sabi ni Kath sa kanya.

Naalala nya ang nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay hindi parin sya makapaniwala na hinalikan sya ni Sim. "May alam ba si Mamu sa nangyari kagabi?" Aniya sa isip. Hindi kaya gising pa si Kath nang pumasok sya sa silid nila suot ang tshirt ni Sim?

"A..anong naka-score pinagsasabi mo dyan?" patay malisyang tanong niya.

"Aysus, nakita ko kayo ni TL kagabi" panunukso ng katrabaho. Nagblush naman sya at kinabahan sa tinuran ng kausap.

"Sobrang close kayo eh. Akala mo kahit lasing ako at nagsasayawan kami sa gitna, nakita ko kayo 'no. Parang ang saya saya ng pinag uusapan nyo" pagpapatuloy ni Kath.

Nakahinga naman sya nang maluwag. Yun pala ang ibig sabihin ng katrabaho. "Buti na lang hindi ito gaya ng iniisip ko" aniya sa sarili.

"Malisyosa ka Mamu, nag-uusap lang eh" natatawang sabi niya.

"Whatever, pero infairness bagay kayo ni TL" panunukso ulit ni Kath sa kanya.

"Magtigil ka nga Mamu baka may makarinig sayo, nakakahiya. Baka sabihin masyado akong ambisyosa" pabirong saad niya.

Tumawa lang si Kath. "Bakit? sa kapogian na yun ni TL don't TL me ni minsan hindi ka nakaramdam ng paghanga sa kanya? Eh ang bango pa" kinikilig na wika ni Kath.

Tumawa na rin si Monica. " Grabe to, ang harot mo" sagot niya.

"Oh eh bakit di ka makasagot? Hindi ka humahanga kay TL?" Tanong ulit ni Kath sa kanya.

" Hindi" pagsisinungaling nya.

"Mamatey?" Pangungulit ng katrabaho.

Idinaan na lang sa tawa ni Monica ang pangugulit ng katrabaho. Hindi na niya ito pinatulan pa.

"Makapaghilamos na nga nang makakain na tayo" yun na lang ang nasabi niya sabay pasok sa banyo.

While inside the toilet ay iniisip parin ni Monica ang nangyari kagabi. Hindi niya alam kung paano nya pakikitunguhan ang kanyang TL pag nakita niya ito. It's really awkward and at the same time nahihiya sya. Hindi niya kasi talaga mapredict kung ano ang tunay na nararamdaman ng TL niya towards her. "Or kung meron ba talaga syang nararamdaman" aniya sa isip. Bumuntong hininga sya. As what her TL said last night, kailangan nilang kalimutan kung ano ang nangyari kagabi. "Pretend like nothing happened" pangungumbinse niya sa sarili kahit alam niyang mahirap gawin iyon.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon