KABANATA 9

14 2 0
                                    

Pagka auto in ni Monica ay agad agad na may pumasok na call sa kanya. Sa kabila ng kaba ay pilit niyang kinu-compose ang kanyang sarili.

"Thank you for calling AT&T my name is Monica, how may i help you" bungad niya.

"I want to talk to your supervisor" masungit na wika ng nasa kabilang linya.

"Paktay!" Wika ni Monica sa kanyang sarili. "Lord pinaka-unang tawag supcall kaagad ano ba yan" patuloy na reklamo niya. Lalo syang kinabahan kailangan nyang ide-escalate ang call. Besides, ayaw nyang madisappoint si Sim sa unang araw nya.

"I'm sorry but my supervisor is not available" sabi niya sa kausap.

"This is ridiculous" galit na sabi ng babae sa kabilang linya sabay baba ng telepono.  Laking pasasalamat ni Monica na ang customer na mismo ang nag hang up.

"Nakakaloka" kumento niya sa isip.

Pagkatapos ng call na iyon ay nakaramdam sya ng discomfort. Ihing ihi na sya, feeling nya ay sasabog na ang pantog nya. Napakunot noo sya nang maalalang naka 2 tasa nga pala sya ng kape kanina at nakalimutan nang magbanyo bago pumasok sa floor. Hindi nya alam ang gagawin niya. Alam nyang masyado pang maaga para magbio break.

Sa kabila ng pagpipigil ng ihi ay minabuti nyang magtake pa ulit ng calls. Maya-maya pa ay hindi na talaga nya mapigilan ang nararamdaman. Nahihiya man si Monica sa katabing si Neil ay wala syang choice kundi kalabitin ito.

"May I put you on hold?" Saad ni Neil sa kausap nitong customer upang makausap si Monica.

"You need help?" Tanong ng katrabaho sa kanya.

"I really have to go to the wash room. Ihing ihi na ako" bulong niya kay Neil.

"OMG, Niks TL will not allow us to use bio break in the 1st hour of our shift." nag-aalalang wika ni Neil.

"Neil why you put the call on hold" sigaw ni Sim mula sa kanyang work station. Agad namang nataranta si Neil at binalikan ang customer.

"Ms. Abad, you already put the call on hold for 2 times get back to the customer" sigaw ulit ni Sim.

Hindi malaman ni Monica ang gagawin, tiyak bad shot na sya kaagad sa unang araw palang ng kanyang trabaho.

Tinapos ni Monica ang call na iyon at nagdecide na mag aux 1 - ibig sabihin nun ay bio break. Sa call center, hindi ka pwedeng mag bio break without the permission of your TL and the service traffic team.

"Abad why are you in bio break?!" Sigaw ulit ni Sim.

Agad namang lumapit si Monica sa work station ni Sim. Wala syang choice, kapag hindi sya nagpaalam ay mas nakakahiya dahil maari syang makaihi sa kinuupuan nya. Lakas loob siyang nagsabi sa kanyang TL.

"Sorry TL but I really need to pee. I need to go to the wash room" lakas loob nyang sabi.

"Why you didn't use the toilet earlier before coming in? Bio break is not allowed during the first hour of your shift." Seryosong wika ni Sim nang hindi man lang tumitingin sa kanya.

Agad na tinawagan ni Sim ang Service traffic team upang ipaalam ang urgent bio break ni Monica. Sila ang nagcocontrol ng service level ng buong floor. Ngunit hindi pa natatapos ang pag-uusap ni Sim at ng nasa kabilang linya ay nagpaalam na sya sa kanyang TL.

"I'm sorry TL I can't handle it anymore." Sabi ni Monica sabay takbo papuntang CR.

Hiyang hiya si Monica pero wala syang choice. Hindi na nya mapigilan ang nararamdaman. Alam nyang magagalit ang kanyang poging TL pero wala syang choice. "Epic fail ka talaga" wika ni Monica sa isip sabay sapo sa kanyang noo.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon