KABANATA 2

37 2 0
                                    

Pagpasok sa silid ay agad syang umupo. Ginandahan niya ng kanyang poise sabay ngiti sa interviewer.

"Is this your first time to apply here in this company?" unang tanong ng interviewer sa kanya.

"Amm.. No sir. I went here for third try already." Kinakabahang sagot niya.

"You mean, you've been here for the third time already" pagtatama ng interviewer sa kanya.

"Yes sir" patay malisyang sagot niya.

"Okay, tell me something about yourself and tell me your reason why you want to work in a call center industry" sunod sunod na tanong ng interviewer sa kanya.

"Echusera si ateng, slang talaga, vaklang toh." Kumento niya sa isip.

Hindi na bago sa kanya ang tanong na "tell me something about yourself", dahil sa dami na ng mga inapplyan nya kaya naman agad agad niyang sinagot iyon. Memoryado na niya ang bawat detalye at tamang pag-bigkas ng mga salita. Pinapraktis niya rin kasi lagi iyon.

"My name is Monica Pearl Abad. 21 years old from Novaliches. I graduated Associate in Hotel and Restaurant Management in STC Nova." Sunod sunod na saad niya.

"Well, I wanno work hir in a call cenner becowz I wanno learn to speak more English. " dagdag niya na sinasadya niyang i-slang ang mga words na sinasabi niya.

Nagsalubong ang kilay ng interviewer ngunit patuloy pa rin siyang tinanong nito. "What can you say about the traffic here in Metro Manila?"

"Yun lang, nganga" ani Monica sa isip. Hindi niya napag-handaan ang tanong na iyon. Ngunit kailangan niyang sagutin ang tanong ng kausap.

"About the traffic.." pag-uumpisa niya. "Ammm..Actually, traffic is always heavy. Dat's why I ride the MRT coming hir. I hope the government can resolb this too much traffic so we can go to anywhere without any problem" sagot niya.

"Okay, wait for me outside please" utos ng interviewer.

Nakahinga siya nang maluwag nang makalabas sa silid na iyon. Pakiramdam niya ay literal siyang na-nosebleed. Naupo ulit siya sa waiting area gaya ng utos ng interviewer sa kanya.

"Gosh ampogi.." narinig niyang sinambit ng kanyang katabi na tila kinikilig. "Huwag kang maingay, EOP daw dito" pabulong na panunuway ng isa pang babae. English Only Policy ang ibig sabihin niyon. Napatingin naman siya sa gawi kung saan nakatingin ang dalawa.

Napanganga sya sa kanyang nakita. Isang lalaking nakatayo sa malapit sa reception ang pinagmamasdan ng kanyang mga katabi. Tila may sinusulat ito sa log in sheet ng guard.

"Sheeet..ang gwapo nga" wika niya sa sarili. Mukhang Koreano ito, matangos ang ilong at singkit ang mga mata. Mapula ang mga labi... Bahagyang ngumiti ang lalaki sa guard, "ang ganda ng mga ngipin" wika niya ulit sa sarili. Ngunit tila masungit ang itsura ng gwapong lalaking ito. Hindi kasi ito lubusang ngumingiti. Seryoso ang mukha niyon. "ahhh, suplado" kumento niya ulit.

Nagulat si Monica nang tumingin sa kanya ang gwapong lalaki. Ngumiti ito sabay kaway. Hindi niya alam kung bakit siya kilala ng lalaki ngunit kinilig sya. Pakiramdam niya ay maiihi sya sa kilig. Feeling niya ay isa siyang emoticon na nag-hugis puso ang mga mata. Kumaway din si Monica sabay ngiti. Naglakad ang lalaki patungo sa kanyang deriksyon. "Oh my gulay, totoo ba to?" tanong niya sa isip.

Tatayo na sana siya nang lampasan siya ng gwapong lalaking iyon. Hindi pala siya ang kinawayan kundi ang lalaki sa kanyang likuran. Ang interviewer kanina. Pinagtawanan siya ng dalawang katabi. Labis na pagkapahiya ang naramdaman niya.

"Ang tanga mo talaga" wika niya sa isip.
"Assuming" kumento ng dalawang katabi sabay tawa.

Deadma na lang sya dun. Patay malisya sya sa nangyari.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon