KABANATA 25

12 1 0
                                    

Months have gone fast and dumating na ang araw ng pinakahihintay ni Monica - ang kanyang regularization. Finally after great hardwork ay natamo na nya ang kanyang pinapangarap. She's now a regular employee. She's also able to maintain the spot as the best sales agent for consecutive months. Kapag naiisip niya yung mga rejections sa kanya noon, yung mga pinagdaanan niya para lang makapasok sa call center, ay hindi niya mapigilang maluha sa tuwa. Everything falls into places except for 1 thing - her lovelife. Sim makes her happy, he makes her feel loved but still, they are not in a formal relationship. But again, she's willing to wait. Ayaw na muna nyang isipin sa ngayon. She's able to file a leave and Sim approved it. Gaya ng pinangako niya sa kanyang ina ay bibisita sya ng Cagayan.

"Take care, I will miss you" wika ni Sim sabay halik sa kanya. Hinatid niya ang dalaga sa airport.

"Salamat. Ma-miss din kita" mahina nyang sabi and she means it. 2 weeks din ang bakasyon niya sa Cagayan. But of course, excited na rin niyang makita ang ina.

After an hour flight, Monica finally arrived at Tuguegarao Airport. From there, ay susunduin sya ng kanyang tito Greg. They will travel 45 minutes more para makarating sa bahay ng kanyang lolo at lola which is in Tuao, Cagayan.

"Thank you Lord sa safe flight" aniya sa isip paglapag ng eroplano. This is actually her first time na sumakay ng eroplano. Sim advised her to take a domestic flight rather than traveling by land which will take her 11 hours bago pa makarating.

Before calling her tito Greg ay of course tumawag muna sya kay Sim to inform him that she arrived safe. He also informed her TL not to call her instead, sya na lamang ang tatawag dito. Syempre ayaw niyang malaman ng kanyang ina na may kumokontak sa kanya lalo pa't hindi naman sila magkarelasyon.

After a few minutes, dumating na ang kanyang tito Greg at the arrival area. Agad syang nagmano sa kanyang tiyuhin.

"Kanina ka pa ba Niks?" Tanong ng lalaki sa kanya.

"Hindi naman po. Halos kararating lang" magalang nyang sagot.

"Ay oh halika na nang maabutan natin ang pananghalian. Inaantay ka na nila." pag-aaya ni Greg na agad naman niyang sinang ayunan.

Simple lang ang buhay sa Cagayan. Habang nasa daan sya ay namamangha sya sa tanawin na kanyang nakikita. She was born and raised in the city kaya naman sobrang napapamangha sya sa lugar na iyon.

After the 45 minutes travel ay kinausap sya ng tito Greg nya.

"Malapit na tayo Niks" masayang wika ng tiyuhin. Maya maya pa ay bumusina ang kanyang tito sa harap ng isang kulay asul na gate. Isang lalaki ang nagbukas ng gate na iyon na wari niya ay mas bata sa kanya.

"Yung nagbukas ng gate, pinsan mo yan. Anak ng tita Letty mo, nag-aaral sa kolehiyo" saad ng kanyang tito.

Ngumiti naman si Monica. "Excited na po akong makilala sila" aniya.

Pagbaba ni Monica sa sasakyan ay agad sumalubong ang kanyang ina at isang matandang babae na tila nasa 70s na. Wari nya ay ito ang kanyang Lola. Agad syang niyakap ng kanyang ina.

"Namiss kitang maigi anak. Bless ka sa lola Pina mo" utos ng kanyang ina.

Agad naman syang nagmano sa matanda. "Mano po la" wika niya.

"Aba'y ito na ang aking apo? Napakagandang bata. Mukhang mestisa" sambit ng kanyang lola sabay yakap sa kanya. Pinaghahalikan rin sya ng matanda.

Lumapit naman sa kanila ang binatilyong nagbukas ng gate kanina. "Hi" bati nito sa kanya.

Ngumiti naman ang dalaga. "Hello" tugon niya.

"Apo ito ang pinsan mong si Noel, alaga ko ang batang ito" anang lola niya.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon