KABANATA 38

11 2 0
                                    

Sim is really excited to fly to Cagayan, bukas na ang kanilang flight. He already called Gary para sa leave ni Verna. Ginawan naman agad ng paraan iyon ng OM niyang kaibigan through TL Myla.

He can't wait na makarating sila sa kinaroroonan ng dalaga. On the other hand, kinakabahan din siya. He doesn't know kung ano ang mangyayari doon pagdating nila. Lalo na't kakaharapin niya ang pamilya ng dalaga.

...

This is the day Sim has been waiting for. They will fly to Cagayan today at 9 am. Nasa airport na sila ni Verna, waiting for their flight.

"TL Sim, ako yung kinakabahan" wika ni Verna habang nakaupo sila sa waiting area. Naging kumportable na rin ang ahente sa binata. Verna saw Sim's beautiful personality during the short time na nakakahalubilo niya ito. Hindi na sya nagtataka kung bakit na-inlove ang kaibigan niya sa sikat na crush ng bayan sa floor. Bukod sa gwapo't mabango ay talaga namang makikita mo ang kagandahan ng kanyang loob. Ngayon ay naintindihan na rin niya kung bakit bali-balita noon sa floor na napakasungit ni TL Sim lalo na sa mga babae dahil sa nakaraan niya.

"Kung meron man dapat kabahan, ako yun." Maiksing wika ni Sim.

Hindi na sumagot si Verna. "Kakabahan ka talaga kapag nakita mong malaki na ang tyan ni Monica" pilyang saad niya sa isip.

Maya maya pa ay sumakay na sila ng eroplano for their 1 hour flight.

"This is it" ani Sim sa isip when the plane started to take off.

After an hour..

Paglabas ng airport ay agad na sumakay ng tricycle ang dalawa as per the instructions na ibinigay ni Monica.

Habang nasa bus ay hindi maiwasang kabahan ni Verna. Kinakabahan na baka magalit ang kaibigan dahil nagsinungaling ito sa kanya at dahil nakipagsabwatan sya kay Sim.

On the other hand, magkahalong excitement at kaba ang nararadaman ng binata. But he is really willing to take risks para sa taong mahal niya.

After few minutes, biglang tumunog ang cellphone ni Verna. Si Monica iyon, tumatawag sya. Agad naman itong sinagot ni Verna.

"Hello beshy" bungad niya na may halong kaba.

"Hello beshy, nakasakay ka na ba ng bus? Asan ka na?" Tanong ni Monica sa kabilang banda na tila naeexcite na rin sa pagdating ng kaibigan.

"Ahmm..oo beshy nakasakay na kam- eheem. Ako ng bus." Sagot niya na muntik pang madulas na may kasama sya.

"Ah ganoon ba? Mabuti naman, excited na akong makita ka beshy. See you in a bit" masayang saad ng dalaga sabay baba ng telepono.

Napakagat labi lamang si Verna sabay tingin kay Sim. "Naku TL, pag nagalit sa akin ang kaibigan ko, naku naku" natatarantang sambit niya.

Napatawa lang ng kaunti ang binata. Even sya ay hindi maexplain kung ano ang nararamdaman niya.

After ng 45 minutes na travel ay sumakay na sila ng tricycle papunta sa address na ibinigay ni Monica.

"Mama', alam nyo po ba ang address na ito?" Tanong ni Verna sabay turo sa screen ng kanyang cellphone kung saan nakasulat ang address na ibinigay ng dalaga.

"Ay kina Madam Pina, opo alam ko po" sagot ng tricycle driver.

Agad namang sumakay ng tricycle ang dalawa. After few minutes ay tumigil ang tricycle sa tapat ng asul na gate. "We are here I guess" kinakabahang saad ni Sim sa isip.

Bago bumaba ng tricycle ay nagsign of the cross muna si Verna sobrang kinakabahan sya. Lakas loob syang kumatok sa asul na gate.

Samantala, nakatambay lang si Monica sa Veranda ng bahay. Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang kaibigang si Verna. Ang kanyang lolo ay nanonood ng tv sa sala at ang lola at nanay niya naman ay nasa kusina, si Noel ay nasa eskwelahan. Maya maya pa ay may narinig syang kumatok sa gate. "Malamang si beshy na ito" aniya sa isip. Agad syang tumayo sa kinauupuan. Hawak hawak ang bahagyang maumbok na tyan ay naglakad sya papunta sa gate upang buksan iyon.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon