KABANATA 5

23 1 0
                                    

Masayang ibinalita ni Monica sa ina ang magandang kinalabasan ng training nya. Masayang masaya rin si Puring para sa kanyang anak.

"Sabi ko sayo nay eh, maipapasa ko iyon" masayang pagyayabang ng dalaga.

" Oo na.." pagsang ayon ng ina. " Proud ako sayo anak, dinadaan ko lang sa biro noon pero alam ko kayang kaya mo yan. Pasensya ka na rin nung nakaraan dahil pinigilan kita sa training na yan. Akala ko kasi hindi ka na naman seryoso eh" dagdag ng ina.

" Teka, hindi mo pa nakukwento sa akin bakit maputik yang pantalon mo" siyasat ng ina.

" Naku nay, nadulas ako sa parking kanina. Muntik na kasi akong masagasaan pero wag ka mag-alala wala naman nangyaring masama sa akin" sunod sunod na paliwanag niya.

" Ano?! Aba anak mag ingat ka naman, pag may nangyaring masama sayo paano na ako, hindi ko kakayanin" wika ng ina.

Tumayo si Monica papunta sa kinauupuan ng ina. Niyakap nya ito mula sa kanyang likuran. "Nay wag kang mag alala, kaya ko ang sarili ko. Tsaka syempre nagsusumikap talaga ko na makapagtrabaho hindi lang para sa akin kundi para sa ating dalawa" paglalambing niya sa ina.

" Salamat anak" sagot ni Puring sabay haplos sa ulo ng anak. " Oh tama na ang drama at baka magka iyakan tayo rito" pagputol ng ina. Nagkatawanan sila.

Buong sabado at linggo ay busy si Monica sa pagtulong sa kanyang ina. Sa umaga ay nagdedeliver si Monica ng leche flan na pa-order niya. At sa buong maghapon ay busy rin syang tumulong sa salon ng ina. Sobrang excited si Monica para sa Lunes at the same time kinakabahan din sya para sa product training nila. Pinagdarasal rin niya na sana ay kasing bait ni Isabel ang magiging trainer nila.

Araw ng Lunes..

"Beshy I missed you" wika ni Monica sa kaibigang si Verna sabay beso rito.

" Beshy I missed you too. Namiss ko kakulitan mo" sagot naman ni Verna. " Are you ready?" Nakangiting tanong nya sa dalaga.

" I have to" sagot naman ni Monica. Lakas maka-sosyal nung i have to sabi niya sa isip. " Let's go na sa training room, remember EOP" patawang pagpapaalala niya sa kaibigan.

Sa training room..

Alas 8 impunto ay naroon na lahat sa training room ang mga trainees. Hinihintay ang kanilang magiging product trainer. Maya maya pa ay bumukas na ang pintuan ng room. Isang matangkad na babae ang pumasok roon. Maganda ang katawan, Morena at higit sa lahat maganda. Napatingin lahat ng trainees sa babaeng bumungad sa pinto.

"Siya na siguro ang trainer namin" wika ni Monica sa isip habang tinititigan ang magandang babae. " Jowable" sabi ulit niya sa isip nya.

"Good morning everyone. I will be your product trainer for the next 2 weeks. I'm Kayrene, but you can just call me Kaye." Pagpapakilala ng babae sabay ngiti.

"Before we start, I want to congratulate everyone for passing the language tests. I hope you will pass this training too. And let me discuss as well the things you guys need to know in order for you to pass this training." nakangiting wika ni Kaye.

"In this class, you will be trained about the different products of AT&T, this will be the account you will be handling once you are deployed on the floor to take calls. We will have several exams and more on mock calls for you to familiarize the products and at the same time, for you to be trained how to handle different kinds of customers in different scenarios" sunod sunod na explanation ng trainer.

"Ang galing niya magsalita, tapos ang ganda pa. Lord, magiging ganyan din kaya ako kagaling?" ani Monica sa isip habang manghang mangha na nakikinig sa trainer.

"I want you guys to always pay attention during our dicussions, if you have questions in mind, don't hesitate to ask. Let me help you with this. Of course, all trainers want their trainees to pass" nakangiti paring wika ng trainer.

Magaling mag-train si Kaye. She works in the call center industry for about 5 years now kaya gamay na nito ang pagti-train sa mga new hires. She's 25, from Makati City -originally from Laguna. She's a graduate of Psychology but chose to work in the call center industry. Her family is staying abroad kaya she's free to live her life here in the Philippines. Well, she's supposed to be with her parents when they migrated to Canada 4 years ago, however she opted to stay in the country because of her long time deeply loved boyfriend and now unfortunately -- her ex.

Maghapon ang discussion sa training at talga namang nag-pay attention ang magkaibigang Monica at Verna. They know that they really need to pass the product training para ma-deploy sila sa floor.

"That's it for now guys. Please don't forget to shutdown your PCs before leaving. See you again tomorrow" pamamaalam ni Kaye sa kanyang mga trainees.

"Ang ganda ni Ms. Kaye noh" ani Monica sa kaibigang si Verna habang naglalakad pauwi papuntang Buendia Station.

"Kaya nga eh tapos mabait pa. Marami akong natutunan kanina. Ikaw ba?" tanong ng kaibigan.

"Oo naman. sineseryoso ko talaga to kasi gusto ko magpahinga na kami ni nanay sa mga raket namin. Pag naregular ako dito, ok na siguro iyong salon na lang ang pagkaabalhan ni nanay" seryosong saad ni Monica.

"Beshy, madrama ka. matured ka na?" pangangantiyaw ni Verna.

"Tse! ngayon na nga lang ako nagseryoso, wag ka nang kumontra" natatawang sagot ni Monica. "Ikaw ba, hindi mo namimiss pamilya mo sa probinsya?" tanong niya sa kaibigan.

Isan buntong hininga ang pinakawalan ni Verna. "Hay naku Niks, kung alam mo lang, syempre namimiss ko rin sila. Antagal ko nang hindi nakakauwi ng Samar. Pero ha, we can do this. Tiis tiis lang tayo." sagot nito.

"Yes, malay mo hindi naman siguro masamang mag ambisyon na maging best agent pa tayo sa floor. Nakita mo ba yung mga nakapaskil dun sa board kanina sa may pantry. May mga best performer, andaming best best" wika ni Monica. Ngunit hindi nya binigkas na nakita rin niya ang pangalan ni Mr. Pogi doon. "Best Team ang Team ni TL Sim" anito sa isip.

"Pero alam mo ba, Saglit pa lang kita nakikilala pero feeling ko antagal na kitang kasama" ani Verna.

Wala naman syang narinig na sagot mula kay Monica kaya napatingin ito sa kanya.

"Hoy!, may kausap ba ako? ba't parang malalim iniisip mo." panggugulat ni Verna sa dalaga, parang lutang kasi at hindi sinagot ang sinabi ng kaibigan.

"Ha? ay sorry naman beshy, ano na ulit ung sinasabi mo?" tanong ni Monica.

"Naku wala, kako malapit na tayo sa station" natatawang wika ni Verna.

"Oh paano beshy, see you ulit bukas ha. Ingats" pamamaalam ni Monica sa kaibigan. Magkaiba kasi sila ng way. Si Verna ay nangungupahan malapit sa Taft station at siya naman ay sa Novaliches pa ang uwi.

"See you beshy" anang Verna sabay beso sa kaibigan at tuluyan nang nagpaalam sa kaibigan.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon