KABANATA 3

31 2 0
                                    

"Magtigil ka Monica, hindi ako sang-ayon diyan sa sinasabi mo" utos ni Puring sa kanyang anak. Hindi ito pumayag sa training na iminungkahi ng dalaga.

"Nay naman, malaking tulong to sa akin. Malapit ko nang makamit yung pangarap ko oh" apila ng dalaga.

"Aba, sigurado ka ba na pagkatapos ng training na iyan ay matututo ka? Sasayangin mo lang ang dalawang linggo mo. Isa pa, paano ang mga customer mo?" saad ng ina.

"Gagalingan ko Nay, promise" pagpupumilit ni Monica sabay yakap sa ina. "ang ganda talaga ng nanay ko" pambobola niya.

Naantig naman si Puring sa ginawa ng anak. Hindi maitatanggi na spoiled sa kanya ang anak. Kahit ayaw nito sa una, ay di kalaunan napapapayag rin siya ni Monica. Bukod sa mahal niya ang anak, ay malakas rin kasi talaga ang convincing powers nito.

"Oh sya, huwag mo na akong bulahin. Pinapayagan na kita." Saad ni Puring. Alam niyang hindi siya titigilan ng anak kaya wala itong choice kundi ang pumayag na lang.

"Yes! Anlakas ko talaga sayo Nay. Ako talaga ang paborito mong anak" biro ng dalaga.

"Ay talaga naman, ikaw lang ang nag-iisang anak ko, may pamimilian ba ako?" ganting pang-asar ng ina.

"Ay, grabe sya. Patola" sagot ng dalaga. Nagtawanan ang mag-ina.

Kahit may pagkasira ulo at tangahin ang anak niya, ay masasabing masunurin itong anak. Hindi pa nagkaka-boyfirend si Monica. Paano ay isip bata ito. Marami ang manliligaw ngunit tinatawanan lang ng dalaga ang mga ito. May pangarap naman talaga sa buhay si Monica, medyo alanganin nga lang.

Excited na si Monica sa training niya sa Lunes. Kailangan niyang galingan upang makapasok sa kumpanyang iyon. Kung noon ay gusto niyang mag-call center dahil sa pangarap niya ito, ngayon ay lalo niyang gustong makapasok dahil kay Mr. Pogi.

Nakahiga na si Monica sa kama ngunit hindi parin siya makatulog. Kinikilig sya habang inaalala niya ang mukha ng lalaking nakita niya sa reception kanina. "At lalaking pinagalitan ako sa Cr" wika niya sa isip sabay simangot. Hindi niya makalimutan, "Sim" ang pangalan ng poging lalaki na yun. "Kakaibang pangalan, pero bagay naman sa singkit niyang mga mata" wika niya sabay takip ng unan sa kanyang mukha na tila ba kinikiliti ito. "Ang harot" wika niya sa sarili at di napigilang mapatili ng malakas.

"Ano ba yan Monica, bakit parang kinikiliti ka diyan? Matulog ka na" wika ng kanyang ina. Isang double deck kasi ang kanilang higaan. Sa baba ang kanyang ina at siya naman sa taas. Maliit lamang kasi ang inuupahan nilang bahay sa Novaliches. Iyong kalahati ng sala ay ginawa nilang Salon na nagsisilbing hanap buhay nila.

"Ahh..sorry nay, muntik ko na kasing mabitawan ang cellphone ko kaya napatili ako" palusot niya.

"Matulog ka na" ulit ng ina na tila wala na sa huwisyo gawa ng antok. Napabuntong hininga ang dalaga.

"Hayaan mo nay, pag nakapasok na ko sa call center, bibili tayo ng sarili nating bahay" wika niya sa isip. Nakatulugan niya ang pag-iisip na iyon.

Kinaumagahan, maagang namalengke si Monica. Araw araw syang namamalengke tuwing umaga. Paano ay suma-side line din sila ng kanyang ina. Nagluluto ang mga ito ng ulam at gumagawa rin ng mga desserts kapag may umu-order.

"Tyang Lucy, magandang umaga po. Isang kilo nga po ng kamatis" wika ng dalaga.

"eto oh, 80" saad ng tindera sabay abot ng kamatis.

"Ha? Tyang naman, bakit ang mahal na po?" reklamo ni Monica.

"Oo, nagmahal kasi ang gulay Niks" anang tindera sa dalaga. Niks ang palayaw niya, ngunit madalas ay tawagin siya ng kanyang ina sa buo niyang pangalan.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon