KABANATA 7

18 1 0
                                    

Araw ng Lunes. Formality na ng pagiging agent ng mga trainees. They will start in graveyard shift this time. Ito talaga ang madalas na oras ng trabaho sa call center - graveyard.

Kita ang magandang hubog ng kanyang katawan sa suot nitong blouse at maong pants na pinartneran niya ng sneaker shoes. Simple at may pagka-boyish si Monica kung manamit. Mas kumportable kasi siya rito. Laking pasasalamat niya na hindi na ganoon kahigpit ang dresscode sa mga ahente.

8:00pm ang oras ng alis ng bahay ni Monica. Nakatanggap siya ng text message na 10pm-7am ang shift nila kaya naman lubos ang pag-aalala ng kanyang ina.

"Nak, mag-iingat ka ha. Hindi ako sanay na lumalabas ka ng ganitong oras. Huwag kang maglalakad sa dilim na mag-isa ha, at lagi ka dapat alerto sa paligid mo" bilin ni Puring sa anak na may halong pag-aalala.

"Opo nay. Huwag po kayong mag-alala, lagi po akong mag-iingat" sagot naman ng dalaga.

"Parang hindi yata ako makakatulog ng maayos nak, hindi ako sanay na wala ka jan sa kama mo. Oh siya, i-text mo ako pang nakarating ka na ng opisina ha" habilin ulit ng ina.

"Naku nay, Huwag nyo po akong alalahanin, malaki na ako. Kayang kaya ko to. Sige po aalis na ako" pamamaalam ng dalaga sa ina sabay halik dito.

Bitbit ang kanyang bag at jacket ay sumakay na ng FX patungong North Avenue si Monica. Sakto namang chat ng kaibigang si Verna sa kanya. "See you Beshy" anito.

Hindi maipaliwanag ni Monica ang nararamdaman. Excited siya, at the same time kabado. Pero hindi lang kaba dahil sa trabaho ang kanyang nararamdaman kundi alam niya na hindi malabong mag-kross ang landas nila ni Mr. Pogi. Napahawak sya sa kanyang pisngi habang iniimagine ang itsura ng lalaking iyon.

Halos mag 9:30 na nang dumating si Monica sa office. Dumeretso sya sa pantry upang puntahan ang kaibigang si Verna. Mas nauna pang makarating ang kaibigan palibhasa'y di hamak na mas malapit ang tinutuluyan nito. Nagkuwentuhan agad ang dalawa na tila ba antagal nilang hindi nagkita.

Maya maya pa ay dumating na si Kaye sa pantry upang kausapin ang mga bagong ahente.

"Good evening guys, I hope you are all prepared. I will be deploying you to the floor now and introduce you to your Team Leaders." nakangiting wika ng trainer.

Agad namang napansin ni Monica ang kagandahan ng kanilang trainer. Naka-dress kasi ito ng kulay lilac with matching high heels. Matangkad si Kaye, morena.

Nagsitayuan na ang lahat upang magtungo sa loob ng floor. Magkahawak ng braso sina Verna at Monica habang naglalakad patungo roon.

Sa Floor...

Nakakalula ang loob nito. Masyadong malamig sa loob. Makikita mong busy ang mga ahente sa pag-take ng calls. May mga mangilan ngilang nakatayo, ayon sa briefing sa kanila, those are seniors who use to assist new agents sa floor.

"Verna, Monica and CJ" pagtawag ni Kaye. "You three will be joining Team Myla. " Dagdag nito.

Nakahinga nang maluwag si Monica at Verna dahil natupad ang kanilang kahilingan na sana ay ma-assign sila sa iisang team.

"Hi TL My" pagbati ni Kaye sa nasabing team leader.

"Hello Miss Pretty Kaye" bati naman ni Myla.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon