KABANATA 20

12 1 0
                                    

Napakaganda ng gising ni Monica. Sa katunayan, 12:30 na ng tanghali sya nagising. Saktong sakto lang para makakain at makapag-prepare siya sa lakad nila ni Sim.

"Ano kayang isusuot ko?" Tanong niya sa isip sabay bukas ng kanyang cabinet. She chose to wear her maong dress. Sleeveless iyon and hanggang kalahati ng kanyang legs ang haba with matching white sneakers. "Ang girly ko na" kumento niya sa sarili while seeing her reflection sa salamin.

Maya maya pa ay tumunog na ang kanyang cellphone.

"Good day beautiful, see you in a bit" mensahe sa kanya ni Sim sa whatsapp. Kilig to the max na naman sya.

Quarter to 3 na nang makarating si Monica sa megamall. Laking pasasalamat niya dahil makulimlim ang langit, hindi sya nainitan sa paglalakad. Nakita niya kaagad ang nakaparadang sasakyan ni Sim sa parking. Agad syang sumakay doon.

Sim looks so handsome wearing sunglasses. Napakagat labi si Monica nang makita ang kanyang TL. Lalo pa't sobrang cool ng porma nito.

Meanwhile, Sim was tantalized seeing Monica wearing a dress. He can't stop himself staring on those flawless white legs of hers. Lalo pa't naka-upo lang sya beside him.

"Let's go" nakangiting wika ni Sim.

Tumango naman si Monica sabay kabit ng seatbelt sa kanyang katawan.

Almost 2 hrs din ang nilakbay nila. Mag-aalas 5 na nang makarating sila sa Tagaytay. Buti na lang nagdala ng jacket si Monica, malamig kasi doon.

Dumiretso sila sa Picnic Grove. This is a sight seeing park in Tagaytay where you can see the beautiful views of Mount Taal from above. Medyo private pa ang place dahil mangilan ngilan lang ang tao doon. May mga nakikita syang magkasintahan na tila nagdi-date din. Flowers are fully bloomed na nagpadagdag ng magandang ambiance sa lugar. The place is so romantic. Maya maya pa ay inakay sya ni Sim malapit sa gilid. Doon ay na-amazed si Monica sa tanawing napagmasdan. First time niyang mapuntahan ang lugar na ito.

"Do you like it?" Tanong ni Sim sa kanya.

"Oo naman, sobrang ganda dito." nakangiting sagot niya.

Nagulat naman siya nang bigla syang yakapin ni Sim from behind. He wrapped his arms around her waist. Magcocomplain ba sya? Of course not. She likes that, lalo niyang naamoy ang mabangong scent ng binata. Wala rin siyang pakialam kung may mga taong nakakakita sa kanila at kung ano ang sasabihin nila, basta masaya sya. Masayang masaya.

Hindi na napigilan ni Sim ang sarili. He hugged Monica from her back. The more na kinukumbinse niya ang sarili na wag ma-inlove sa dalaga ay lalo lamang syang nahuhulog dito. He can't really resist her.

"This place is so beautiful, so are you" bulong niya sa dalaga habang nakayakap parin sa kanya.

"Binobola mo na yata ako eh" pabirong sagot naman ni Monica sabay ikot upang makaharap ang binata. Tinitigan niya ito ng malapitan. Maraming naglalaro sa utak niya. "Sobrang gwapo ng lalaking to. Lord sana akin na lang sya. Sana ma-inlove na rin siya sakin kasi feeling ko talaga mahal ko na siya." hiling ni Monica sa isip. Ngayon lang sya nagkagusto ng ganto. Kung noon ay nabighani lamang sya sa looks ng binata, ngayon ay she realized na bonus na lang pala ang kagwapuhan ng binata. Sim has a beautiful soul. Alam nya at ramdam niya na mabuti syang tao. Kaya naman hindi nya maisip na merong masamang nakaraan ang binata about love. "Haba ng hair ng babae na yun kung sino man yun" aniya sa sarili.

"What?" Usisa naman ni Sim. Nakatitig lang kasi ang dalaga sa kanya without saying anything.

"Ang pogi mo kasi, tinititigan lang kita, naghahanap ako ng maipipintas sayo" pabirong sabi ni Monica.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon