KABANATA 15

13 2 0
                                    

All is well si Monica kahit malayo ang kanyang ina and she's proud of herself na kaya nya na pa lang maging independent. But of course, she misses her mother sometimes pero alam nya sa sarili niya na it's for the better. Mamaya na ang alis nila patungong Zambales para sa kanilang team building and she is so excited.

They'll leave at 3:15am right after their shift. Napag desisyunan nila na maghire na lang ng private van upang sama sama sila including her TL. So it means Sim will not gonna use his car and will join them on the ride instead.

"Guys, last call for today and get ready to log out" utos ni Sim sa mga ahente nang makitang 5 mins na lang ay 3 am na.

"No, connect me to your supervisor" sigaw ng kausap ni Monica sa kabilang linya.

"Hay, kung kelan naman last call na. Wala naman akong balat sa pwet." reklamo ni Monica sa isip. Napahawak sya sa kanyang batok. Made-delay pa yata ang pag alis nila dahil sa pesteng irate customer. Naka log out na kasi lahat ng kateam nya at sya na lang ang naiwang nagti-take ng call.

She's trying to deescalate the call. Ayaw na nyang abalahin ang kanyang TL dahil alam niyang marami rin itong reports na ginagawa lalo pa't mawawala sila sa floor for 4 days. Ngunit kahit anong pakiusap ang gawin niya, nag iinsist parin ang customer sa kabilang linya kaya nagdecide na syang lumapit sa TL niya.

"Sorry TL, I tried everything I can to deescalate but customer is really insisting" nahihiyang sabi ni Monica sa kanyang TL.

" It's fine, I'll take care of it." Wika naman ni Sim. " Guys, you can go to the van now and inform the driver to wait for us in a bit" utos nya sa kanyang mga ahente. Mag 3:30am na kasi, 3:15 ang usapan nilang oras ng pag-alis.

Bigla naman nagblush si Monica sa kabaitan na pinapakita ng kanyang TL. Ibang iba na talaga ito, hindi na talaga sya sinusungitan ni Sim kaya naman mas lalo pang lumalim ang paghanga nya rito.

After few minutes, natapos na ang supcall at nakapag-logout na rin siya.

"Leave a note on the system then let's go ahead" utos ni Sim sa kanya.

"Ok TL, in few minutes" sagot naman nya. Buti na lang naka-ready na ang mga gamit niya for their team building. Kukunin na lang niya ito sa locker.

Hindi mapigilan ni Monica ang kilig dahil sabay silang bumaba ng building ni Sim. Hinintay sya ng kanyang TL na matapos sa kanyang ginawang pag-note sa system.

Pagbaba nila ng building ay nag-aantay na ang silver na van na kanilang sasakyan. Agad na binuksan ni Sim ang pinto ng van para sa kanya na nag-cause ng pagblush niya.

Pagpasok sa van ay tulog na lahat ang kanyang mga kateam. Hindi niya naman sila masisi dahil they've been taking calls since 6pm and mag aalas 4 na ng umaga. There are only 2 seats available. Magkatabing seats sa likod ng driver.

Well she likes the idea na makakatabi niya ang TL niya but on the other hand, kinakabahan sya na baka makita syang nakanganga habang tulog ni Sim. But she doesn't have a choice, may bakanteng upuan sa tabi ni Mike pero nakalagay ang kanyang bag doon, ayaw naman niya itong gisingin. Ganun din sa may gawi ni Kevin, may mga drinks and snacks na nakalagay sa bakanteng upuan malapit sa katrabaho.

Umakyat sya at deretsong umupo sa may malapit sa bintana. Sumunod naman si sim sa kanya.

"Sorry I think this is the only available seat. Would you mind sharing it with me?" Tanong ng kanyang TL.

"Yeah sure" patay malisyang sagot niya sabay ngiti.

"Ang bango parin" sa isip na wika ni Monica nang maupo ang TL sa kanyang tabi. Nalanghap na naman nya ang usual masculine scent na nagpapakilig sa kanya everyday.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon