KABANATA 6

18 3 0
                                    

Masaya si Monica na maayos ang naging takbo ng kanilang training. Seryoso sya sa pagkakabisado tungkol sa hahawakan nilang account. In fact, kahit nasa bahay siya ay inaalala parin nya ang mga bagay na kelangan niyang tandaan upang makabisado niya ito ng husto. Para sa kanya, isa na itong malaking oportunidad lalo na first time nyang makapasok sa call center.

"Jusko, parang mas seneryoso ko pa ito kesa sa pag-kokolehiyo ko" anito sa isip habang nakahiga na sa kanyang kama.

Bukas na ang kanilang final test. Kinakabahan sya. Naisip rin niya, bukas na ang last day ng training nila pero hanggang ngayon, hindi parin niya nakikita si Mr. Pogi.

Anito sa sarili, Ok na lang din yun dahil ayaw niyang ma-distract sa kanyang training.

"Oh anak, bakit hindi ka pa natutulog eh diba bukas na yung final test nyo?" tanong ni Puring sa anak pagpasok nito sa kwarto.

"Nay kasi, kinakabahan yata ako" honest na sagot ng dalaga habang bumababa sa double deck na kama.

"Ano ka ba, ngayon ka pa kakabahan eh kinaya mo nga ung nakaraan. Sigurado ako kaya mo yan" pag-eencourage ng ina.

"Wow, parang hindi mo ako inaasar ngayon nay ah" natatawang wika ng dalaga.

"Nak, narealize ko kasi magandang opportunidad iyan sa atin. Para madagdagan na iyong ipon natin at makabili na tayo ng bahay."

"Hayaan mo nay, gagalingan ko bukas para maipasa ko ito at pangako mag-iipon tayo pambili ng bahay. Upa no more na tayo soon" masayang sabi ng dalaga.

"Oh sya sya, matulog na at maaga ka pa bukas. Wag mong kalimutang manalangin bago matulog" pagpapaalala ng ina.

"Oo naman nay, good night mother earth" Sambit ng dalaga sabay yakap at halik sa pingsi ng ina.

Kinabukasan..

Final day na ng training, ito na ang make it or break it moment nilang mga trainees.

"Monica" tawag ni Kaye sa kanya sabay ngiti sa dalaga. "Let's start the test, follow me" anito sabay lakad patungo sa loob ng training room.

As usual sya na naman ang mauunang sasalang sa final mock call nila. Kinakabahan man sya ay kailangan niyang galingan.

"Go girl, you can do it!" Pag encourage ni Verna sa kanya.

"Thank you beshy" sagot niya sabay sign of the cross bago pumasok sa training room.

"I will go to the other room, I will make the call from there. All you have to do is to wear the headset, wait for my call and then asnwer it" pag-instruct ni Kaye sa kanya. "Are you ready?" tanong ulit nito.

"Yes Kaye I am" mahinang sagot niya.

"Ok good luck" bati ng trainer sa kanya sabay labas ng pinto.

"Lord, ikaw na po ang bahala" panalangin niya.

Isinuot na nya ang headset habang patuloy na inaalala ang mga bagay na kanilang inaral. Maya maya pa ay nagring na ang telepono. Naalerto ito at sinagot ang tawag.

"Thank you for calling AT&T, My name is Monica, How can I help you?" bungad niya.

after few hours...

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon