KABANATA 36

11 2 0
                                    

"You want a 1 month leave?" Gulat na tanong ni Gary sa kaibigang si Sim.

"Yes. Bakit parang gulat na gulat ka?" Tanong ng binata sa kanya.

"Syempre, for almost 6 years na nagtrabaho ka dito, ngayon ka lang nag file ng ganyan kahabang leave. Not even when you broke up with Kaye. So I guess this is really important?" Usisa ng kanilang OM.

"Yes. Mahalaga sa akin ito. Kaya sige na, pagbigyan mo na ako" pakiusap ni Sim.

"Sabihin mo muna sa akin kung saan tungkol ito" nakangiting wika ni Gary.

"Kalalaki mong tao chismoso ka" pagbibiro naman ni Sim.

Humalakhak si Gary. "Curious lang ako" wika nito.

Bumuntong hininga si Sim. Gary is like a brother to him and he thinks wala naman nang rason para maglihim pa sya dito. "I have to find Monica" tipid na sagot niya.

Nagulat naman si Gary. "Monica? Yung dating agent mo na trainer na ngayon?" Tanong niya.

"She's resigned now. That's why I have to find her." Sagot naman ni Sim.

"Bakit mo hahanapin? Don't tell me, she's you girlfriend for the longest time and hindi mo man lang sinabi sa amin?" Gary keeps on asking.

"No, she's not my girlfriend..yet" mahinang sagot ni Sim sabay kamot sa batok.

"Labo mo dude." Naiiling na kumento ng kaibigan.

So Sim decided to tell everything about him and Monica. He trusts Gary anyway, alam niyang hindi sya huhusgahan ng kaibigan, iyon nga lang malakas itong mang asar.

As expected, Gary laughed loudly. "Sabi ko na nga ba maiinlove ka sa mistisang yon eh. Padeny deny ka pa nung una hahaha." pangangantyaw nito.

"Shut up man, malaki ang kasalanan ko sa kanya. I lover her and I can't afford to lose her" seryosong wika ni Sim.

Naramdaman naman ni Gary iyon. "Oh my little brother, I am happy na nagawa mo na ulit magmahal. But what you did is really wrong. Hindi ko kokonsentihin yun kahit kaibigan pa kita though hindi rin naman kita masisisi. You have to correct all of these and I hope it's not yet too late" tugon ni Gary sa binata.

Sumimangot si Sim. "I know, that's why I'm asking you to give me enough time to find her" mahinang sagot niya.

"Of course I will. You can take the leave you are requesting. Ako na bahalang mag-assign sa team mo" nakangiting saad ng kaibigan.

"Thank you dude." Nakangiting sagot ni Sim. Laking pasasalamat niya dahil Gary is always there to support her.

"I wish you luck brother" sambit ni Gary sabay tapik sa kanyang balikat.

Samantala..

Monica gained a lot of weight. Mabilis din lumaki ang tyan niya kahit ilang buwan pa lamang ito. Sinabihan sya ng kanyang OB to avoid eating a lot. Paano kasi ay hindi niya mapigilan ang sarili na mag-crave ng kung ano ano. Nonetheless, masaya sya dahil normal at maayos naman ang baby niya.

Paminsan minsan ay naiisip parin niya si Sim. Tinatanong parin niya ang sarili kung hinanap kaya sya ni Sim kahit papaano? Higit isang buwan na simula nung umalis sya sa Manila pero aminado sya na nasasaktan parin sya. Mahal niya parin ang binata sa kabila ng lahat. Alam niyang hindi ganun kadali ang kalimutan ang kanyang first love, ngunit umaasa sya na papasaan ba't magiging ok din ang lahat. She has to focus sa kanyang daladala sa sinapupunan. She promised herself to be a good mother. Hindi rin niya naiisip na mag-asawa. Para sa kanya, iisa lang talaga ang taong mahal niya at sapat nang meron syang anak na makakasama niya hanggang pagtanda. Alam niyang hindi ito ang pinangarap niya, syempre nangarap rin syang magkaroon ng isang buong pamilya. 

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon