KABANATA 24

17 1 0
                                    

Sim was so thankful that Monica fully understands him. He assured Monica that she has nothing to worry about dahil hindi na nya mahal ang ex nyang si Kaye. He is no longer interested with her and he's sure of that.

On the other hand, Monica is confused. Yes naiintindihan niya si Sim and she's really willing to help him. Mahal niya ang binata and she believes that this will lead to something good. Hindi nga lang sa ngayon pero willing syang maghintay. Sim also asked for a little more time and she trusts him. However, even Sim already assured her na wala syang dapat ikabahala about his ex ay hindi parin nya mapigilang mainsecure sa ex ng kanyang TL. Ano ba naman sya compared doon? All she can offer ay ang kanyang pagmamahal sa binata.

Kilala niya si Kaye and she admires her a lot. Nanliliit sya, feeling niya ay walang wala sya sa kanyang trainer. Educational background, family, personality - parang feeling nya dehadong dehado sya. Hindi niya maiwasang ikumpara ang kanyang sarili. But above all these, the main reason kung bakit sya naiinsecure is the fact that Sim can't stand for her yet. Ni wala nga silang label, walang commitment, walang formal relationship.

Sometimes, natutukso na syang humingi ng advice from her friend Verna pero nag-aalangan sya. Una dahil ayaw niyang mahusgahan at mamisinterpret sya. Pangalawa is natatakot syang masampal ng katotohanan na nagpapakatanga sya.

Birthday na nya mamayang pagsapit ng 12am, buti na lang off niya na after this shift. Hindi nya alam if aware si Sim sa kaarawan niya pero wala syang balak sabihin. Ayaw naman nyang magdemand, makasama lang niya si Sim ay ok na yun sa kanya.

Patapos na ang shift ni Monica, 3am na it's already her birthday. Napabuntong hininga sya. She's officially 22. Nakatanggap na rin siya ng pagbati mula sa kanyang ina at sa kaibigang si Verna na laging ka-chat niya.

During their team huddle..

Nagulat si Monica dahil she saw a familiar face inside the room. It's Mr. Gary Sangkay, their operations manager.

"Guys, I am proud to all of you. I appreciate your efforts on performing well." Bungad ni Sim sa kanyang mga ahente. "In fact, Mr. Gary our operations manager is here. He has an announcement" wika ni Sim sabay akbay sa kaibigan.

May dala itong certificate. Maya maya pa ay nagsalita ang nasabing operations manager.

"It's my pleasure to award this certificate to the top performing agent for sales to Ms. Monica Pearl Abad for the month of July achieving 92.23% rate. The highest rate for this month" wika ni Gary.

Nagsigawan naman ang lahat sa loob ng training room. Everybody congratulated her. Everyone is happy for her of course including her TL.

Hindi naman makapaniwala si Monica sa natanggap niyang award. Aminado sya na nagpursige sya pero hindi para sa award kundi para sa kanyang sarili kaya hindi niya inaasahan iyon. Masaya niyang tinanggap ang certificate at nagpasalamat sa lahat. "Thank you po Lord, magandang regalo ito sa birthday ko" aniya sa isip.

After their team huddle ay masayang masaya si Monica. Nagpaalam si Sim na mauna na sa parking at antayin na lamang sya doon. Binabati pa kasi siya ng iba pang mga tao sa floor.

"Finally" sambit ni Monica nang pababa na sya ng building. Kanina pa niya gustong umalis sa floor, ayaw rin naman niyang pag antayin ng matagal ang binata sa parking. Nakagawian na niyang mag-stay sa condo ni Sim every off nila. Perks of being alone - freedom to do anything.

Agad syang sumakay sa loob ng kotse. Nagulat naman sya nang makitang may dalang bouquet si Sim. "Happy birthday" nakangiting bati ng binata sabay abot sa kanya ng mga bulaklak at hinalikan sya nito.

Natouched naman si Monica. Gusto niyang maiyak sa tuwa. She thinks this is the happiest birthday of her life. Akala niya ay Sim is not aware of her birthday. Of course Sim does, he has the record of his agents.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon