KABANATA 16

14 1 0
                                    

After the dinner ay dumiretso agad ang team sa isang private pool na nirentahan nila sa loob ng resort. Naglabas kaagad ng buckets of beers ang katrabahong si Ron. "Oh guys, panghimagas" pagbibiro nito.

"Lasinggo ka talaga" wika ni Neil. Nagtawanan ang lahat.

"Ano pang hinihintay nyo guys, tara swimming na!" Pag aaya ni Jason sabay tulak kay Charles sa pool.

Nagkahabulan na ang mga boys. While Sim is just sitting watching them na tumatawa rin sa kakulitan ng kanyang mga ahente.

"Niks, tara na swimming na" pag-aaya ni Kath sa dalaga sabay hubad ng kanyang topper.

Tinanggal na rin ni Monica ang kanyang pang ibabaw na damit. Of course everyone is looking at her including Sim. Although sanay naman syang magsuot ng 2 piece sa harap ng maraming tao dahil sumali na rin sya sa mga pageants noon  but, this time is different. Medyo nailang sya ng kaunti dahil alam nyang andyan ang crush nya. Lumusong agad sya sa tubig upang mawala ang pagka awkward na nararamdaman nya.

Meanwhile, Sim can't help himself but to stare at Monica's body. It's so perfect in shape, makinis, maputi. Though it's not his first time to see a woman's body pero iba talaga ang appeal ni Monica sa kanya. Napalagok na lang ng beer ang binata.

"TL halika na rin, magswimming na tayo" tawag ni David sa kanyang TL.

Of course Sim doesn't want to be KJ kaya lumusong na rin sya sa pool.

Napalunok ng laway si Monica nang maghubad ng t-shirt si Sim. Kung abs din lang naman ang pag-uusapan ay talagang jackpot ang magiging gf ng binata.

Agad namang lumapit si Kevin kay Monica habang nasa pool. Habang nagku kwentuhan ay palihim syang tumitingin sa direksyon ni Sim. Tila nakasimangot ang kanyang TL. Gusto niyang matuwa sa nakita niyang iyon. "Nagseselos kaya sya kay Kevin?" Aniya sa isip. Natawa sya sa sarili.

Maya maya pa ay umahon na sila at nagkumpulan sa isang mesa. Nagtapis rin siya ng kanyang sarong. Tumabi sya kay Kath.

"Oh guys, it's walwal time, cheers" wika ni EJ sabay taas ng bote ng beer. "Wala daw matutulog hanggat hindi nalalasing" pagbibiro niya.

Nagsimula nang magkantahan ang mga katrabaho nya. Aminado naman sya na hindi sya kumakanta kaya tahimik lamang sya sa upuan habang nakikitawa sa kulitan ng kanyang mga katrabaho. Napagtanto niya na namiss niya ang gantong bonding. Palibhasa ay bihira naman syang lumabas dahil taong bahay talaga sya. Gusto niyang sulitin ang pagkakataon na ito. "21 na ako, I'm no longer young for this. Lasing kung lasing, suka kung suka" natatawang sambit niya sa isip sabay lagok ng beer.

Nagulat naman sya nang biglang makitang napayakap si Kath kay Charles habang nagsasayawan ang mga ito. Naghiyawan ang mga ahente sa pangangantyaw. Wari niya ay marami nang nainom ang babaeng katrabaho. "Mag-jowa ba ang dalawang to?" Tanong niya sa isip. Natawa na lang sya. Total wala namang masama roon, binata si Charles at single mom naman si Kath. Yun nga lang, Kath is 10 years older than Charles. "Age doesn't matter" wika niya ulit sa isip.

"Malalim ang iniisip mo ah" wika ni Sim mula sa kanyang likuran na bigla namang ikinagulat ni Monica. Hindi niya namalayang lumapit pala sa kanya ang kanyang TL.

Naiilang sya sa tagpong iyon. Sim sat beside her and sobra syang na-conscious dahil sobrang nipis ng sarong niyang kulay puti and almost transparent na iyon dahil basa ang suot niyang bikinis sa loob. Pinilit niyang magpatay malisya habang kausap ang kanyang TL.

Meanwhile, hindi na napigilan ni Sim ang sarili. He decided to sit beside Monica, gusto niyang maka-kwentuhan ang dalaga. Si Monica lang kasi ang hindi sumasayaw sa mga ahente niya bagkus she's just sitting while taking pictures and videos of her teammates.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon