KABANATA 21

10 1 0
                                    

Dahil sa sobrang traffic ay past 12am na sila nakarating sa 1 bedroom condo ni Sim. Nasa 11th floor iyon kaya naman  he has a very nice view facing the city.

"Come in" pag-aaya ni Sim sa kanya nang mabuksan ang lock ng pinto.
Namangha si Monica sa condo ng binata. Napakalinis at organized. Napansin rin niya na tila Japanese themed iyon. Halos lahat kasi ng kagamitan at decorations ay parang japanese inspired.

"May lahi ka bang Japanese?" Tanong niya sa binata sabay upo sa sofa.

Natawa naman si Sim. "Wala, I'm a pure Filipino. This condo is owned by my ate when they are still here in the Philippines. Nung nag-migrate sila sa Japan with her Japanese husband, ako na ang tumira dito. Nagustuhan ko naman ang set up kaya hindi ko na binago" pagpapaliwanag ni Sim.

"Ahh, kaya pala. Parents mo?" Tanong niya ulit sabay turo sa picture frame na nakatapatong sa ibabaw ng corner table.

"Yes. Taga laguna talaga kami. But my parents are now in Japan as well. Kinuha na sila ng ate doon" sagot naman ni Sim

"Hindi ka ba nalulungkot? Mag-isa ka lang dito?" Tanong ulit niya.

"Mag-isa ka rin naman sa inyo ah" nakangiting wika ni Sim.

Natawa si Monica. "Ngayon lang naman yun, tsaka 2 lang naman kami ni Nanay. Lumaki ako nang walang tatay eh" saad ng dalaga.

"Bakit?" Tanong naman ni Sim

"Nabuntis si Nanay ng amerikano noong nasa Hong Kong pa sya. Ayun, di naman sya pinanagutan" sagot ni Monica.

"Sad to hear that. So half ka nga?" pagcoconfirm ni Sim dahil halata naman sa itsura ng dalaga.

"Oo, half tao half Dyosa" pagbibiro ng dalaga. Nagtawanan sila.

"I couldn't agree more" pag sang ayon naman ni Sim.

"Would  you like to take a shower?" Tanong nya kay Monica. Agad namang sumang ayon ang dalaga. Mabuti rin at nagkasya ang damit ng ate ng binata sa kanya. After taking shower ay si Sim naman ang naligo. While waiting ay naglakad lakad sya sa sala. Isa isa niyang tinitignan ang mga displays doon.

Bigla naman niyang napansin ang diploma na naka-laminate. Parang nakatago iyon, nakalagay kasi sa likuran ng mga picture frames. Out of curiosity ay kinuha niya iyon. Binasa niya ang nakasulat doon.

"Simeniano Gonzales III, Bachelor of Science in Mass Communication" nagulat naman siya nang bigla niyang marinig si Sim mula sa kanyang likuran. Tapos na pala itong maligo.

"So nahanap mo na ang kapintasang hinahanap mo kanina" natatawang wika ni Sim sa kanya.

Gustong humagalpak sa tawa ni Monica. Iyon pala ang totoong pangalan ng kanyang TL. "Kung ano ang kina-gwapo ng mukha, sya namang kina-pangit ng pangalan. Sorry Lord" natatawang kumento niya sa isip.

"Wag kang mag-alala, hindi ko ipagsasabi" natatawang sabi niya kay Sim sabay balik ng kanyang hawak sa dati nitong pwesto.

"Inaantok ka na ba? Wanna have some drinks?" Alok ni Sim sa kanya. Nag-agree naman sya. Sim walked into the kitchen.

Pagbalik ni Sim from Kitchen ay may dala itong 2 baso at isang malaking bote. Ngayon niya lang nakita ang inumin na iyon.

"Ano yan?" Tanong nya.

"Alak" maikling sagot ni Sim na halatang namimilosopo.

Natawa sya. "Syempre alam kong alak yan, what I mean is anong klaseng alak" paglilinaw niya.

"Japanese Sake" nakangiting sagot ni Sim sabay buhos sa kanilang baso.

"Ui baka matapang yan ah" saad ni Monica.

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon