KABANATA 30

14 2 0
                                    

The 1 week vacation of Sim's family is over. Nakaramdam ng lungkot si Sim dahil aalis na naman ang family niya pero he is more of excited. Of course, he will be able to see Monica again. He is excited to tell her how much he loves her but of course, kailangan muna niyang makausap ang kanyang ex. Gaya ng payo ng kanyang ate Sheena, na he has to free himself from the past, ay he decided to talk to Kaye first bago sya magtapat ng feelings kay Monica. "Closure muna" aniya sa isip.

"Take care of yourself always ha" malambing na sambit ng kanyang ina while kissing him. They are at the airport waiting for their departure. Niyakap rin sya ng kanyang ama. "I know you are big boy now but always take care of yourself" habilin ni Jun sa anak.

Tumango naman sya. "I will, Mom, Dad." Sagot niya.

"Bro, you know what to do ha. Balitaan mo ako" wika naman ni Sheena sa kapatid na ang tinutukoy ay about sa napag-usapan nila the other night.

"Sure I will" pag-assure naman niya.

Maya maya pa ay dumating na ang oras ng departure.

"Have a safe flight guys" ani Sim sa pamilya.

...

"Great job Justin. Just keep on smiling while you're doing upselling. Customers might not see you but they will feel the good vibes when you do that" payo ni Monica sa isang ahente na katatapos niya lang inobserbahan.

"Thank you Ms. Monica. I will." sagot naman ng nasabing ahente.

Habang tumatagal ay nagagamay na ni Monica ang bagong position niya. Narealized niya na nakakapagod nga naman ang trabaho ng pagiging ahente. Taking calls for the whole shift is no joke. It's not easy to always deal with irate clients and apologize to something na hindi mo naman kasalanan. Bukod pa dun, mahirap mag-maintain ng mga matrices. Dagdag pa ang matinding puyat at risk everytime na pumapasok sila dahil nga nasa graveyard shift sila. Kaya kahit na trainer na sya ay mataas talaga ang respeto niya sa mga agent. Ewan ba niya, kung paano niya nairaos ang lahat ng iyon. 7 months din syang naging ahente pero hindi nya namalayan ang hirap at pagod. Siguro kasi nga, Sim is there. Isa naman talaga sya sa mga inspiration niya in the first place.

Speaking of Sim, bukas ay babalik na sya sa work from his leave. Nalungkot na naman sya nang maalala niya, nakaalis na't lahat ang family ng binata pero hindi man lang talaga sya naisipang ipakilala sa mga ito. Kahit as a special friend man lang. "Of course hindi niya gagawin yun." aniya sa isip.

Mas lalo pa syang nakaramdam ng lungkot. Paano kasi ay off niya bukas, wala na namang chance na mag-meet sila. Pero nag usap naman sila ni Sim na she will stay sa condo ng binata during her off. Of course she can't wait on that day to come. Medyo narelieved sya sa isiping iyon.

Kinaumagahan..

Off ni Monica today. She supposed to go early sa condo ni Sim dahil papasok na ang binata mamayang 6pm. Ngunit nakiusap sya sa binata na mamayang hapon na lamang sya magpunta roon. Sobrang sama ng pakiramdam niya. Wala naman syang lagnat pero ang bigat bigat ng katawan niya.

"Magpa-check up ka na kaya?" Suhestyon ng kaibigang si Verna. Kararating lamang nito galing shift.

"Naku, wala akong sakit. Pagod lang siguro to" sagot naman niya.

"Eh ikaw bahala, basta pag kailangan mo ng kasama sabihan mo ako. Sasamahan kita. Tutulog na muna ako beshy" saad ng kaibigan sabay higa sa kama.

Sa totoo lang, balisa sya. Hindi niya maexplain ang nararamdaman niya. Inalala nya, kung may nakain ba sya na hindi nagustuhan ng katawan niya nitong mga nakaraang araw. Hindi kaya dahil doon sa milk tea na ininom nila ni Kaye? Pero a week ago na iyon, imposibleng iyon yun. "Baka PMS lang to" aniya sa isip. Nang bigla syang mapamulagat. Nakaramdam siya ng kaba. Naalala niya hindi pa pala sya dinaratnan ng dalaw. Actually 5 days na syang delayed. "Lord hindi kaya..OMG! Hindi pwede" aniya sa isip. Naalala kasi niya na Sim did not use any protection the last time they made contact sa shower though nag withdrawal naman ito. Ang lakas ng kaba sa dibdib niya. Ano gagawin niya kung tama nga ang kutob niya?

Afraid Of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon