Prologue

24.3K 326 28
                                    

Reyna Helen Arevalo

"Based on your research. How was Helen of Sparta defined and described by some classical writers? ... Yes, Ms. Cruz."

"In Greek Myths Helen of Sparta is considered the most beautiful woman in the world. Her beauty inspired artists of all time to represent her, frequently as the personification of ideal beauty. She was once called as the face that launched a thousand ships."

"Exactly! How about Paris of Troy?" The professor asked the class again. Pero wala akong pakialam kasi busy ako sa phone ko. May ini-stalk akong pogi kaya huwag siyang magulo dyan.

"I want other hands. There ... Ms. Arevalo, what does your research told you about Paris of Troy?"

Sabi na eh, ako na naman ang pag-iinitan nito. Tumayo ako bago binasa ang hawak-hawak kong research paper. "Paris's birth was foretold that to be the downfall of Troy. The prophecy is that the child born of a royal Trojan would be the ruin of his homeland. But Paris's noble birth was betrayed by his outstanding beauty and intelligence."

Umismid ako sa babaeng prof namin pagkatapos. Akala niya mapapahiya niya ako. No way! I won't let her. Hindi ako nakikinig pero hindi rin ibig sabihin na hindi na ako handa para dyan. I am Reyna Helen Arevalo. We owned the finest brewery in the city at hindi ako sanay na napapahiya.

Umupo na ako at muli na namang ibinaling ang atensyon ko sa phone ko.

"Hoy Reyna! Ang galing mo dun ah. Tapos kapangalan mo pa yung babae. Helen." Pambwelta sa akin ng madaldal at nakaiirita kong kaibigan.

"Tumigil ka nga Gabby. Tsaka ayokong tinatawag akong Helen. Reyna is better."

"Eh? Sino na naman kasi yang ini-stalk mo?" Tanong niya ulit. Hell. Nakakainis din ang babaeng to eh. Oo. Babae yan. Gabriela is her name, but I had practiced to call her Gabby.

"Is there any problem Ms. Reyna and Ms. Gabriela?" Tanong sa amin nung prof. See? Siguro ay inggit yan sa ganda ko kaya ako ang laging napapansin.

"Ah-eh. Wala po." Sagot ni Gabby. Nag-ikot lang ako ng mata at inalis ang tingin sa harapan. Muli namang ipinagpatuloy nung prof yung dini-discuss niya.

"Si Helen of Sparta ay minsang kinilalang pinakamagandang babae sa mundo. Ang taglay niyang kagandahan ang naging sanhi ng paghanga ng libo-libong lalaki sa kanya."

"Sa kabilang banda ay ganoon din ang Prinsipe ng Troy na si Paris. Dahil sa taglay nitong kakisigan at intelihensya, hindi mapigilan ng mga babae ang magkagusto sa kanya."

"Ngunit ang pagmamahalan nilang dalawa ay hindi ganoon kadali. Ang pagtakas ni Paris kay Helen mula sa Sparta ang naging sanhi ng digmaan sa pagitan ng dalawang rehiyon. Ito ang naging mitolohiyang basehan ng Trojan War."

I super love mythology kaya kahit wala sa masungit naming prof ang atensyon ko ay nakikinig parin ako. Kahit pasaway ako ay kailangan ko paring magseryoso minsan.

"Hoy babae! Natulala ka na dyan. Lunch break na oh, di ka kakain?" Tawag sa akin ni Gabby nang medyo nilamon ako ng mga iniisip ko. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakita kong 12:30 na. Siguro ay cafeteria ang punta namin para mananghalian. Tumayo ako at sabay kaming lumabas ni Gabby palabas ng room.

Sa oras ng paglabas namin ay sinalubong agad kami ng isang lalaki na may hawak na isang tangkay ng pulang rosas. Agad siyang lumapit ng makita kami palabas. "Reyna. For you." Iniabot niya sa akin yung hawak niyang bulaklak.

Pero dahil maganda ako ay hindi ko iyon kinuha. Duh! Araw araw nalang may nag-aabot sa akin ng bulaklak. Dito. Sa daan. Sa Hallway. Anong akala nila sa akin, Santo? Na kailangang may bulaklak lagi sa tabi? Hindi rin ako flower shop at puntod. Isa lamang akong magandang babae.

The Parisian Queen (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon